27 May 2012

Gigolo

nag-aayos ako ng mga damit ko kanina sa bahay ng nakita ko ang isang item na isang beses ko pa lang naisuot sa tanang buhay ko... bow tie.

hindi ako mahilig sa formal events. at madalas, kahit required akong magsuot ng formal, ginagawa ko pa ring Ryan Seacrest style. yung tipong coat over polo shirt, and then jeans. basta, hindi ako mahilig sa formal wear. maraming nagsasabing i look yummy and crispy kapag naka-formal attire, pero hindi talaga ako komportable.

at itong bow tie na ito... bigay lang sa akin to eh. as part of my "outfit." matagal-tagal na rin yun.

nagtext si Sir Philip at nagtanong kung magkano daw ang usual rate ko. i answered with a template. he asked me if he can call, and i accepted it.

"hello?" sambit ni Sir Philip pagsagot ko ng tawag. medyo yuppie ang dating ng boses, pero may kulot.
"kumusta po?"
"ayus naman. ayun. hindi kasi ako magpapamassage."

parang gusto ko na lang tapusin yung call that time. letse. tumawag pa. hindi rin pala magpapamasahe.

"ah, ganun po ba?"
"kailangan ko sana ang serbisyo mo fore something else."
"po?"
"kaya ako tumawag para marinig ko yung boses mo."
"er... okay."

medyo naguguluhan na ako sa nangyayari.

"okay naman pala boses mo. walang strong accent. at parang matalino ka naman."
"salamat po."
'are you free to meet for lunch now?"
"saan po?"
"sa cubao area na lang. i'll pay for your lunch. then explain to you yung plano ko."

he got me at the free lunch... so pumayag ako.

after a few hours, magkasama na kami ni Sir Philip. kumain sa isang sosyaling restaurant sa cubao. yuppie nga si Sir Philip. medyo may hitsura, pero medyo oldie na. halatang edukado. magaganda mga gadgets. at maganda ang kotse.

"so, tell me, where did you study?" tanong ni Sir Philip habang kumakain kami ng salad.

at dire-diretso ko nang naikwento ang educational background ko... IN STRAIGHT ENGLISH!

"wow! i must say, you surprised me."
"surprised you? in what sense?"
"i honestly did not expect that you are a conversationalist."
"well, thank you."
"i think you'll fit in to what we need."

and nagsimula na nga si Sir Philip na i-discuss sa akin kung anong serbisyo ko ang kailangan nya. he will be hosting a private party for some friends sa bahay nya over the weekend. and ang magiging trabaho ko is maging waiter for the said event.

"actually, i need 3. i have 2 na. so i'm looking for one more."

pretty exciting, i must say. at yun pala ang rason kung bakit kailangan nya ng mga mabokang guys. since we will be closely mingling with his guests, gusto nya na hindi nagmumukhang tanga yung mga waiters nya. gusto nya yung hindi kabastos-bastos. gusto nya yung tipong kahit waiters lang for the said event eh mataas pa rin somewhat ang tingin sa amin ng mga guests.

but there's a catch... kabastos-bastos yung isusuot namin!

"is it okay if you'll wear a bow tie and thongs?"
"anong klaseng thongs po?"
"i'm still thinking kung t-back or skimply briefs."

patay tayo dyan! parang ang hirap yata maging kagalang-galang kung ganun ang suot. pero, i actually find it very kinky, kaya pumayag na rin ako.

"kaso, wala po akong bow tie."
"i'll provide everything."
"okay po."
"sige. and by the way, please keep this confidential ha."
"opo."

we finished lunch at napagkasunduan na magkita sa place nya on saturday after lunch time. dinner time pa yung party pero he wants me and the other two guys to be there hours before for briefing.

dumating ang sabado. nagpagupit kagaya ng bilin ni Sir Philip (binigyan nya ako ng pampagupit nung lunch namin), nagpapogi, at pumunta sa bahay ni sir sa san juan. sinalubong ako ni Sir Philip ng nakangiti, at nandun na rin yung dalawang kasama kong waiters. nanlaki lang ang mata ko. borat kung borta yung dalawa. samantalang ako, undefined yung body shape. kung sa looks naman, yung isa mukhang barumbado, yung isa mukhang batikan sa nga night clubs. ako, mukhang bata! pinakain na muna kami ni Sir Philip at pinag-bond. kwentu-kwentuhan kaming tatlo habang kumakain ng finger foods. at pagkatapos pa ay nag-briefing na kami kay Sir Philip. nag-set sya ng house rules para sa aming tatlong waiters.

1. hangga't maaari, we must converse in english.
2. bawal gamitin ang cellphone during the whole party.
3. we are allowed to give our numbers sa mga guest na hihingi, but we are not allowed to get the guests's numbers.
4. we are not allowed to do sexual acts with any of the guest, bulgaran man o tago.
5. kahit waiters kami, we can still have fun.

innassure naman kami ni Sir Philip na hindi naman kami magiging kabastos-bastos. at inilabas na nga ni Sir Philip ang "damit" namin for that night. pero bago makalimutan, may ibinilin si Sir Philip kay Chip and Dale, yung dalawang borta.

"during your performance later, you know the drill na naman. don't worry, you'll be safe."

hindi ko alam kung ano yung sinasabi nya. pero hindi ko na lang binigyan ng atensyon.

maya-maya, tinawag ako ni Sir Philip at tinanong kung marunong daw ba ako mag-mix ng drinks. manginginom ako, pero hindi ako bartender. natawa lang si Sir Philip, at isinama nya ako sa bar para turuan ng kaunting mixes for a special task.

"may cheat sheet dito sa ilalim ng counter. use it as your guide. sige, practice ka muna dyan."

so, bukod pa pala sa pagiging waiter... bartender din pala ako! ayus! ang daming nadadagdag sa job description ko. pero since maaga pa naman, at wala rin akong magawa (hindi ko alam kung saang lupalop napunta si Chip and Dale), nag-mix-mix na lang ako ng kung anu-anong espiritu na nasa harapan ko based dun sa cheat sheet. kinarir ko talaga. i tried my best to peek at the cheat sheet as discreet as i can. hanggang sa makalipas ang halos isang oras, nasa bente na yata yung mix na nagawa ko (yung iba, imbento ko lang). saktong dating ni Sir Philip at isa-isa nyang tinikman yung mga hinalo ko. generally, he liked it. okay. in one hour, nadagdagan na naman ang skill set ko.

mag-aala-sais na, kaya sinabihan na kami ni Sir Philip na maligo at "magbihis." itinuro nya sa amin kung saang kwarto kami mag-stay na tatlo. at pagdating sa kwarto, i noticed na bukod sa skimpy undies at bow tie na ibinigay sa amin, may nakasabit pang isang pares ng damit sa loob ng kwarto, with matching boa feathers at magician hat. pero dalawa lang.

"ah, eto pala yung isusuot natin." banggit ni Dale.
"isusuot?" tanong ko.
"oo, mamaya. sa sayaw." sagot ni Dale.
"anong sayaw."
"sasayaw kaming dalawa mamaya ni Chip."
"ahhh..." kunyari na lang alam ko. pero nagulat talaga ako. so may dance number pala ang dalawang borta. kaya pala hindi sila nag-bartending 101. yun pala ang special task nila.

naligo na kaming tatlo (kanya-kanya, hindi sabay sabay... sayang! hehehe) at nagbihis. maya-maya pa ay pumasok si Sir Philip sa loob, kinausap kami for our final briefing (kung saan kami pupwesto, how we will welcome the guest, and some other reminders) at pagkatapos ay pinalabas na nga kami. nung una, medyo naiilang pa ako kasi ang skimpy talaga nung suot kong underwear. para bang bawal akong tigasan, or else lalabas ang ulo ni Junjun. pero... bahala na si batman!

unti-unti nang dumadating ang mga guests... hanggang sa wala nang dumating! kaunti lang pala talaga. nasa 20-25 lang yata sila. pero, one thing i noticed, they all looked edukado and matitino. walang sobrang flambuoyant na gay. lahat may pagka-pa-mhin. and may mga dala silang gifts. birthday pala nung isa nilang kaibigan.

tuloy tuloy ang party. eto kaming tatlo nina Chip and Dale na paikot-ikot bringing small trays of finger foods, and nagliligpit-ligpit din. from time to time may kakausap sa amin, madalas eh english. buti na lang at naka-mindset ako, or else dudugo ilong ko. in fairness, mababait ang mga kaibigan ni Sir Philip. and yung iba, kahit mga kilalang personality (ehem ehem), i did not expect na mabait. the party is doing great.

maya-maya pa, from being a waiter, sinabihan na ako ni Sir Philip na magpunta sa bar to mix some drinks. nakahanda na yung mga lalagyan dun. may mga maliliit na shot glasses. may mga wine glasses. may mga normal na baso. may mga test tubes. habang nagmimix ako, napansin ko na lang na unti-unting nagkukumpulan sa bar area ang mga bisita! sinabihan pala sila lahat ni Sir Philip na dun lang daw muna because he needs to prepare the party area. so, in a snap... all eyes are on me! nagkukwentuhan sila ng kanya kanya, pero patingin-tingin sila sa akin. hindi ko alam kung bakit nila ako pinapanood, eh hindi naman ako nagpe-flare. naghahalo lang ako ng mga drinks depende sa kung anong gusto nila. may nagkantiyaw.

"wala bang exhibition dyan?"
"haha! hindi po ako marunong."
"it's okay. i as just joking. you're doing a great job. this mix is nice."
"salamat po. may cheat sheet ako dito eh."

at natawa sila.

"you are a smart guy, i must say." one guy complimented.
"thank you."
"taga-saan ka ba?" tanong ng isa pang guy.
"mandaluyong po."
"ilang taon ka na?" tanong ng iba pang guy.
"23 po."
"oh... okay."

at nagsulputan pa ang mga question and answer... all while i was doing drinks for them. buti na lang at hindi nawawala ang concentration ko habang sinasagot ko ang instant press conference na naganap.

hanggang sa maya-maya pa ay tinawag na ni Sir Philip ang lahat at pinabalik sa party area. sinabihan ako ni sir na magtimpla ng drink ko at sumunod din.

nagtimpla ako ng simple lang... kahlua, coke, and grenadine (hindi ko alam kung saan ko nakuha yung timplang yun!) at pumunta sa party area. at, ayun na nga yung sinasabing highlight ng party.

nakaupo at naka-blindfold sa gitna ng area ang birthday celebrant. nakatali sa chair. nakapiring. nag-start ang music at lumabas sa magkabilang gilid si Chip and Dale, suot ang damit na nakasabit sa kwarto namin kanina. si Chip ang naka-magician's hat at si Dale naman ang naka-boa feathers. sayaw sayaw, giling giling. tilian ng tilian ang mga guest na kanina ay pa-mhin pa ang effect. tini-tease ng dalawa ang birthday celebrant. at maya-maya pa nga ay bigla na nilang hinila ang mga suot nilang damit... leaving them with nothing! hubo't hubad na si Chip and Dale habang sumasayaw. lalong lumakas ang sigawan ng mga bakla. pinipigilan kong makisigaw, mahirap na. pero nag-eenjoy din ako sa napapanood ko.

"oh, bakit di ka kasama dun?" lumapit sa akin si Sir Josh, isa sa mga bisita.
"ah... eh... hindi ko po kaya yan. hehe."
"i think you can do it."
"siguro... but not in front of a large audience. more on one on one siguro."
"oooh. i like that. i like you boy."

and, epekto na rin siguro ng alak, umandar ang pagiging tease ko.

"really now?"
"yeah. you're cute. smart. pretty gifted (sabay dakma sa junjun ko na medyo matigas, pero umiwas din ako agad, in a flirty and not offensive way). and a flirt"
"you call this flirting?"
"yeah."
"well, this is nothing to me yet!"
"aba! at maloko ka ring bata ka ha!"
"hehehe..."
"what are you doing after tonight?"
"hmmm... i don't know. where will you take me ba?"
"good thinking! i'll bring you home later."
"okay!"
"cheers!"

at itinuloy namin ang pag-e-enjoy sa show. maya-maya pa, palakpakan na.

sinabihan na kami ni Sir Philip na pwede na daw kaming mag-shorts (may shorts pa pala kaming nakahanda sa kwarto) dahil chill chill na lang daw kami. nagbihis kaming tatlo nina Chip and Dale at pagkatapos ay naki-join sa crowd. inom. kwentuhan. bonding. feeling socialite ako nung gabing yun, rubbing elbows with yuppie guys na mga successful sa buhay.

makalipas ang ilang oras, tinawag na kami ni Sir Philip at sinabihan na kaming we can leave na if we want. iniabot nya sa amin ang tig-iisang sobre na may lamang pera (yata). dun lang pumasok sa utak ko. all this time, hindi namin pinag-usapan kung magkano ang bayad sa akin.pagsilip ko sa sobre, nagulat na lang ako. sampung libong piso! may kasama pang gc sa spa. at may kasamang papel. i checked the paper, and nandun ang phone numbers ng lahat ng mga guests!

umuwi na si Chip and Dale pagkatapos, pero ako, pinilit ni Sir Josh na mag-stay muna at maki-join sa inuman. and so i did. kung kanina, wild and free ang mga bakla, this time, mas seryoso yung mga usapan. usapang frustrations. usapang problema sa trabaho, sa business, sa pamilya, at sa mga asawa (shocking!). ako naman, nakikinig lang. napapakwento ng kaunti, pero most of the time eh nakikinig lang ako. si Sir Josh, mahigpit ang pagkakayakap sa akin. napangiti sa akin si Sir Philip ng nakita nyang halos ayaw na ako pakawalan ni Sir Josh. nakakagulat lang na ang kaninang mga napakasayang mga bakla, mga tipong celebration kung celebration ang peg, heto't sumesenti. at maya-maya pa nga, umalis na kami ni Sir Josh papunta sa bahay nya.

to be continued...

7 comments:

  1. can't wait for the continuation...thumbs up for BS

    ReplyDelete
  2. BS request naman baka may pic ka jan sa party para makita namin. kahit tago mo mukha.

    ReplyDelete
  3. nice nice! na excite ako mabasa yung susunod na entry mo

    ReplyDelete
  4. I am looking forward for the continuaton of this story soon...
    Also, congrats and good luck sa bago mong trabaho.
    Have a nice day! God Bless.

    ReplyDelete
  5. this is cool
    ahaha
    di mo pa talaga na try magsayaw?

    ReplyDelete
  6. Tagal naman. Bilis na continuation...

    ReplyDelete
  7. Wow! Ang sarap talagang mavalidate, kahit pa may Chip and Dale na competition, winner pa rin ang aking favorite dahil nai-take home ka.OK ang kuwento and now that you got us hooked, we are ready for part 2 so we can know what happened next. BTW, baka nga may nagpadala sa iyo ng picture mo with the bow tie,I agree with the comment na baka puwedeng include mo naman sa blog mo next time..

    ReplyDelete