26 July 2011

Sabay-Sabay

may trangkaso si Boy Shiatsu.

eto ang mahirap sa trabaho ko bilang masahista. pag empleyado ka, pwede mo i-file ang absence mo as leave, so bayad ka pa rin kahit hindi kia pumasok. not to mention na may health card ka pang pwede magamit para makapag-pa-check up ng libre. gamot na lang ang poproblemahin mo. pero bilang isang masahista, wala kang kahit anong benefits na ganyan. no work, no pay. and as for the consultation, sagot mo lahat! haaaayyyy...

sira ang cellphone ni Boy Shiatsu.

pangunahing paraan ng pakikipag-communicate ko ang telepono. hindi naman kasi ako online 24/7. nakaka-receive ako ng messages, pero hindi ako nakakasend. nag-back-up na ako ng mga cellphone numbers and i tried hard reset, then restore ko yung back-up... pero wala pa rin. does this mean i cannot use a back-up file? kailangan ko manually isulat yung mga phone numbers and then isa-isa ko sila ililipat? namputa naman o!

bayaran ng bills ni Boy Shiatsu.

bayad na ako sa bill ng bahay at tubig, pero sa kuryente, hindi pa. sana pala binayaran ko na rin nung akinse. haaaaayyy...


pag minamalas nga naman... :'(

25 July 2011

Man Shiatsu

may mga taong minsan lang dadaan sa buhay natin, pero malaki ang magiging impact nila sa atin. pwede makasama natin sila ng ilang minuto, ilang oras, o ilang araw lang, pero kahit pa gaano kaikli ang naging pagsasama, marami naman tayong matututunan sa kanila. may mga taong sadyang once lang natin makakasalamuha. that's the sad reality... but we don't really have to be sad about it.
-- BoyShiatsu


maaga kaming umalis ng kaibigan kong si Prince papunta ng puerto galera. bagama't pareho kaming excited na muling puntahan ang isla naming mahal, ang ganda ng blending ng mga hilik namin habang nasa bus papuntang pier at nasa bangka papuntang white beach. hanggang sa maya-maya nga ay natatanaw na namin ang mga bar, mga flaglets, at ang puting buhangin.

as expected, natulog muna kami pagdating, pagkatapos ay uminom, at natulog ulit. bandang alas syete na ng gabi ng muli kaming gumising para i-enjoy ang night life sa puerto galera.

malilinaw na ilaw at malalakas na sounds ang bumabalot sa dalampasigan ng galera, kasama na ang isang malaking batalyon ng super juniors at wonder girls, at isang hindi kalakihang batalyon ng mga bekimons. ito ang na-miss ko sa galera. party sa tabing dagat, magpakalasing, mag-spin ng poi (kahit magkapaltos-paltos na ang daliri!), at makipagkilala kung kani-kanino.

isa sa mga nakilala ko doon si IC... taga-batangas, 19 years old, estudyante, at nagpunta ng galera para mag-conduct ng interview sa isang hotel dun. pero nung gabing yun, umiinom at nagsasaya siya kasama ng kanyang mga kaklase.

nagkasalubong kami ni IC ng papunta ako ng cr at sya naman ay pabalik ng upuan nya. gwapo si IC. medyo payat, pero may hitsura. nagkangitian lang kami pero hindi ko nagawang kausapin sya kasi nahihiya ako (oo, mahiyain ako!). habang tumatagal ay napapadalas ang tinginan namin dahil malapit lang ang lamesa nila sa lamesa namin. ngitian, kaunting kindatan, at maya-maya pa ay nakiupo na ako sa lamesa nya (blame it on the alcohol, lumakas ang loob ko.) nakipagkilala ako sa kanilang lahat at tinukso pa kami ng ibang mga kasama nya para maupo ng magkatabi. tuloy tuloy lang ang kwentuhan at kulitan ng naisipan namin humiwalay sa grupo at maupo sa dalampasigan.

bitbit ang tig-isa naming beer, naupo kami sa buhangin kung saan ay bahagyang naabot ng alon ang mga paa namin.

"ngiti ka nga!" utos sa akin ni IC na sya namang ginawa ko. "whee!! ang kyut talaga ng dimples mo!"
"so, dimples lang pala cute sa akin."
"naku! hindi ha! ang guwapo mo kaya." sabi nya in his batangeƱo accent.
"salamat. ikaw din, cute. bagay sayo yung glasses mo."

at sa pagkakataong yun ay naghawak kami ng kamay. tahimik naming minamasdan ang madilim na beach ng naisipan kong tumayo at hubarin ang shorts ko (naka-brief na lang ako.)

"huy, anong gagawin mo?" tanong ni IC.
"tara! ligo tayo!" at hinila ko sya papunta ng dagat. mabuti at medyo mabilis syang kumilos at natanggal nya ang sando nya.

"waaaahhh!! ang ginaw!" nangangatog na sabi ni IC.
"hindi yan. masasanay ka rin." sagot ko. "teka lang ha, may trip ako gawin ngayon eh."

lingid sa kaalaman ni IC, tinatanggal ko na ang suot kong brief noon. nagulat na lang sya ng iangat ko ang kamay ko at nakita nyang hawak ko na ang brief ko.

"huy! loko-loko ka! isuot mo nga yan!"
"waaahhh! ang sarap kaya!"
"ikaw talaga. lasing ka na no?"
"hindi pa! ang sarap! wheee!!"

at parang bata akong talon ng talon sa dagat. maya-maya pa ay napagod na ako at nanatili na lang na nakayakap kay IC.

"ano nga palang work mo sa manila?" binasag ni IC ang katahimikan.
"masahista ako. yung may extra service."
"wow! cool! pero, hindi ba nakakatakot yung ganung work?"
"medyo. pero, sabihin na nating na-immune na ako sa takot. it pays the bills, yun ang mahalaga."
"pero dati, anong work mo?"

at nagsimula kong isalaysay ang work experience ko habang nakababad pa rin kami sa maalat na dagat.

"ako, nag-work ako dito sa isang bar after high school. lumayas kasi ako sa amin." panimula ni IC ng kanyang talambuhay.

"pero, ang hirap pala talaga. kaya bumalik muna ako sa family ko at nag-aral ulit." pagtatapos nya.
"hangga't may chance ka na tapusin ang pag-aaral mo, tapusin mo. mahirap ang maging undergraduate." sagot ko sa kanya.

kahit ako eh nagtaka kung saan ko pinulot yung sinabi ko. at mula nga doon, ay nagtuloy-tuloy pa ang kwentuhan namin, ang bawat topic ay nagtatapos sa isang word of wisdom mula sa akin.

"i-prioritize mo ang savings. hangga't bata ka pa at malakas ka pa, maganda yung nagsisimula ka nang mag-ipon. hindi natin alam kung hanggang kailan natin kakayaning magtrabaho."

"mas magandang kilalanin mong mabuti ang sarili mo. may mga makakarelasyon tayo na pipiliting baguhin kung ano tayo. pag nagsimula kang mag-adjust dahil nakikita mong para sa ikabubuti mo ito, maganda yun. pero kung nag-a-adjust ka lang dahil sinabi ng boyfriend mo, mag-isip-isip ka na."

"take every second as an opportunity to know yourself. mula sa mga major situations like fights or sweet moments, maging sa mga walang kwentang bagay kagay ng pag-order ng drinks at pagbabayad sa waiter. every second, mas nagkakaroon ka ng clearer definition of who you really are."

"mabuti at gusto mo yung course mo. ipagpatuloy mo yan. hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na makatapos ng pag-aaral, at hindi lahat eh nabibigyan ng pagkakataon na magtapos ng pag-aaral sa kursong gusto nila."

"wag na wag mong tatanggalin sa priority list mo ang pamilya mo. dahil kahit anong pagbali-baliktad ang gawin mo, nandyan at nandyan sila para sayo. ang pamilya ay totoo, ang kaibigan ay lalo."

nag-sunod-sunod pa ang mga quotes kong hindi ko rin alam kung saan nanggagaling. pero sa pagtingin ko naman sa mata ni IC, mukhang na-a-appreciate naman nya ang mga sinasabi ko.

"haaayyy... bakit ngayon lang tayo nagkakilala." tanong nya sa akin.
"haha! ganun talaga eh."
"kailan tayo magkikita ulit?"
"hindi ko alam."
"pano kung hindi na kita makita ulit?"
"then so be it."
"ayoko naman nun."
"ganun talaga eh. may mga taong minsan lang dadaan sa buhay natin, pero malaki ang magiging impact nila sa atin. pwede makasama natin sila ng ilang minuto, ilang oras, o ilang araw lang, pero kahit pa gaano kaikli ang naging pagsasama, marami naman tayong matututunan sa kanila. may mga taong sadyang once lang natin makakasalamuha. that's the sad reality... but we don't really have to be sad about it. in fact, magpasalamat tayo na nakilala natin ang taong ito. malay mo, sa susunod na magkita tayo, malaki na ang improvement sa mga buhay natin. and i will be so thankful for that."

niyakap ako ni IC ng mahigpit, na sya namang sinuklian ko ng matamis na halik sa labi nya.

"tara na, ahon na tayo. baka hinahanap na tayo ng mga kaibigan natin."

sinuot ko ang brief at hawak-kamay kaming umahon ng dagat. nagbihis pa at bumalik na kami. pagdating namin sa lamesa nila, mukhang hindi na kayang tumayo ng mga kasama nya.

"mabuti pang magpahinga na kayo. may interview pa kayo bukas." sabi ko sa kanila. at niyakap ko ng mahigpit si IC.
"basta pag pupunta ka ng galera, text mo ako. malay mo makapunta ako diba? i would want to see you again."
"sure." sagot ko, sabay yakap ng mahigpit kay IC.
"grabe, ang dami-dami kong natutunan sa'yo. nakakatuwa. salamat ha."
"no worries. may favor lang ako." sagot ko kay IC habang mahigpit nyang hinahawakan ang kamay ko. "do me a favor and share what i taught you sa kahit sinong kakilala mo kung may pagkakataon. yung mga sinabi ko sayo, natutunan ko lang din naman yun sa iba, and i am just sharing it with you. so i hope you won't break the chain."
"i won't. salamat. and i will really look forward to see you again."

mahigpit kaming nagyakap at umalis na sila sa lamesa, habang ako naman ay bumalik sa kaibigan kong sobrang busy sa pagsasayaw.

"potah ka! san ka naman nanggaling?"
"ah... dyan lang. tara, tagay na!"

at masaya naming ininom ang natitirang beer namin, habang masaya ang pakiramdam ko na bagama't walang nangyari sa amin ni IC, alam kong i made a big impact in his life and i will be looking forward to see how it will help him in the future. and that will be much more rewarding for me kaysa matikman ko ang katawang lupa nya.

22 July 2011

ANNOUNCEMENT: The BoyShiatsu Nation Tour!

BoyShiatsu hits puerto galera this weekend!!

overnight lang, saturday to sunday.

anyone na maliligaw dun? party party!

The Conclusion

this is the last part of a series that consists of:

Si Kuyang Naka-Blue (view here)
Si Yuan (view here)
The Dinner and After (view here)

* * * * *

"uy, sorry, nakatulog pala ako." sagot ko ng nagising ako sa halik ni Yuan, hindi ko na lang pinansin kung ano man ang ginawa nya.
"kaya nga eh. tara, dun ka na sa kama matulog."
"hindi na, dito na lang ako."
"wag na umarte."

at hinila nya ako papunta sa kama. dahil inaantok at nahihilo, napahiga na rin ako sa kama. at tumabi sya sa akin.

"payakap ulet ha." paglalambing pa nya.
"sige lang."
"lasing na lasing ka ah."
"it's been a while kasi since i drank. tsaka, naka-tatlong the bar kaya tayo, pero dalawa dun sa akin. ang daya mo tumagay eh."
"akala ko hindi mo napansin."

natawa kami pareho sa kagaguhang ginawa nya, hanggang sa pareho kaming natahimik. ilang minuto ng katahimikan ng bigla nya akong tinanong.

"nga pala, matanong ko lang... pano yung sa extra mo?"
"o, what about?"
"pano kung hindi mo trip yung client mo? pano ka makikipagsex?"
"let's just say... i strongly rely in the power of my vivid imagination."
"hahahaha! ang hirap nun!"
"nasanay na."
"eh pano naman kung gusto mo yung client?"
"edi jackpot! effortless ang extra! haha!"
"gusto mo ba ako?"

natulala ako sa tanong nya. sa totoo lang, kahit dalawang araw pa lang kaming nagkakasama, masasabi ko agad that Yuan is a very nice, sweet, and smart guy, not to mention that he's hot. kumbaga, he's very close to an ideal partner for me. siguro nga, i like him. or baka nadadala lang ako ng biglaang closeness namin.

"hindi na sumagot o!" banat ni Yuan ng napansin nyang natulala lang ako.

ano nga ba ang isasagot ko? may isang lalaking masarap na nakayakap sa akin ngayon at tinatanong kung gusto ko sya. in fact, oo, gusto ko sya. gustong gusto ko sya. pero may bumubulong sa akin na para bang nagsasabi na hindi ko sya pwedeng magustuhan dahil nadadala lang kami ng sitwasyon. at tsaka, bayarang lalaki ako. kagaya nga ng sinabi ni Nicole Kidman sa Moulin Rouge... i can't fall in love with anyone. pero, hindi ko na napigilan...

"actually... yes... i like you."
"sabi na nga ba eh."

parang nahiya pa ako sa sinabi nya. pero bumawi din naman agad sya.

"ikaw din, gusto kita. parang nakalimutan ko na ngang masahista ka eh."

masahista. oo nga pala. eto nga lang pala dapat ang role ko. masseur. pansamantalang tagapagbigay-aliw. mali nga yata ang sagot ko. ngumiti na lang ako sa sagot nya as a way of acknowledging it.

"gusto ko ma-try yung extra mo."

napatingin ako sa sinabi nya. ito yung matagal ko nang hinihintay sa kanya, ang magkaroon ng pagkakataong matikman sya. pero sa pagkakataong ito, gusto ko sya makasiping sa kama hindi dahil sa masarap sya, o dahil sa malungkot sya. gusto ko sya makasiping dahil ito ang gusto mangyari ng puso ko, para siguro maipadama ko sa kanya na nandito lang ako para sa kanya.

marahang hinalikan ni Yuan ang labi ko. bagama't medyo nanginginig, puno ng emosyon ang paggalaw ng labi nya sa labi ko. nagtuloy-tuloy ang halik pababa sa katawan ko at naganap na nga ang matagal ko nang inaasam, pero hindi lang libog ang nararamdaman naming pareho. may puso. may emosyon. may pagmamahal sa pagitan ng mga katawan namin.

nakatulog kaming magkayakap pagkatapos.

...

...

...

"good morning" masayang bati ni Yuan pagkagising ko. nauna na naman syang nagising sa akin, at nakahanda na naman ang breakfast, pero, this time, hindi sya nakapostura. suot nya ang boxer shorts na suot nya kagabi habang umiinom kami. "tara, kain na."

napatingin ako sa relo... alas-onse y medya. tinanghali na ako ng gising.

kumain kami ng brunch habang kinukwento nya ang mga plano nya for the weekend. and, sa pagkukwento nya, nagulat ako sa huling binanggit nya.

"... then sunday evening, magkikita tayo sa megamall so we could go to church, then dito ka na matulog, diretso ka na sa work ng monday."

at natupad nga ang plano. hanggang sa dumating na sa puntong i visit his place or kaya naman ay sinusundo nya ako after work, at paminsan-minsan ay natutulog na ako sa pad nya, with matching panibagong hiram na polo at undies for the next day.

naging bahagi na ng araw ko ang makipagkita sa kanya. isama na rin natin ang araw-araw na pagpapractice namin ng "Love Always Finds a Way" at "Forever Blue" ni Jed Madela in preparation para sa singing contest na sinalihan ko sa office. dahil magaling sya kumanta, sya ang nagmistulang mentor ko. minsanang dalaw sa simbahan, sa grocery, at sa isang carinderia sa tapat ng condo nya. at higit sa lahat, maghapon at magdamag na videoke sa bahay nya. walang label, at walang confirmation, pero naging madalas ang pagkikita at pagsasama namin. magulo ang setup, pero wala na akong pakialam. basta ang alam ko, habang tumatagal, mas sumasaya ako kapag kasama ko sya. siguro nga... i'm falling in love with him, and kahit mahirap, i'm willing to take the risk.

isang araw, habang kumakain kami ng dinner, ay naikwento nya na pupunta daw sya ng davao for a 2-week vacation. hindi nya naman ako pwede isama dahil may work ako. biniro ko na lang sya na wag kalimutan ang pasalubong ko, at malugod naman syang sumagot na papadalhan nya daw ako ng isang puno ng durian.

sa tagal ng bakasyon nya sa davao, hindi kami nagkakatext. naintindihan ko. syempre bakasyon yun, so siguro talagang ineenjoy nya. namimiss ko sya, pero kailangan ko tiisin yun dahil siguro ay may valid reason naman para hindi sya magtext... at tsaka wala naman ako sa posisyon para magdemand ng text dahil hindi naman talaga kami.

...

...


lumipas ang ilang araw pa pagkatapos ng dalawang linggo, at wala pa ring text. na-extend ata ang bakasyon!

...

...

isang buwan matapos ang huli naming dinner, hindi pa rin nagtetext si Yuan. kaya minarapat ko nang ako ang magtext.

"hey! kumusta na? how was your vacation? mukhang extended ah!"

ilang minuto pa bago ako nakatanggap ng reply.

"hu u?"

nagulat ako sa text nya, pero inisip ko na baka nagbibiro lang sya. sa ilang linggong nagkasama kami ni Yuan, napansin ko nang mahilig s'yang mag-trip. at madalas ay nagiging biktima ako ng mga trip nya. nagreply ako.

"haha! mokong! si *insert my name here* ito! yung masseur. yung estudyante mo ng voice lessons!"

nagreply ulit sya.

"nagkita na ba tayo?"

and with that message... nadurog ang puso ko.

matapos ang lahat ng yakapan habang natutulog... nadurog ang puso ko.
matapos ang mahabang kwentuhan tungkol sa kung anu-anong bagay... nadurog ang puso ko.
matapos ang ubusan ng boses kakakanta sa videoke... nadurog ang puso ko.
matapos ang palihim na holding hands sa simbahan o sa supermarket... nadurog ang puso ko.
matapos ang pag-i-invest ng malalim na nararamdaman ko para sa kanya... nadurog ang puso ko.

naguluhan ako sa nangyayari. totoo ba ito? baka naman nananaginip lang ako. at kung ganun man, ano ang panaginip? ang noon na masaya kaming magkasama ni Yuan, o ang ngayon na isa na lang akong estranghero sa buhay nya?

at tila naglalaro ang pagkakataon... nakita ko sya sa megamall ilang buwan pagkatapos... kasama si kuyang nakaputi.

ayokong isipin pero hindi ko matanggal sa isip ko na naging panakip-butas lang ako. sa bagay, kasalanan ko rin naman. part na ng trabaho ko ang maging malambing at maging panakip-butas, pero hindi part ng trabaho ko ang mahulog sa kliyente. ngayon, ako ang sobrang nasasaktan dahil ako ang nawalan, samantalang si Yuan ay patuloy lang sa buhay nya, masaya, hindi sa piling ko, kundi sa piling ng isang taong naging tulay para, kahit sa isang saglit lang, ay mabigyan ako ng atensyon ni Yuan.

at ngayon, sa tuwing naririnig ko ang kanta ni Richard Poon na kinanta nya sa akin ng unang gabi kaming nagkasama, lalo akong naiiyak dahil ito mismo ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya...



maybe give this love another try
or maybe our love is just a lie
so baby, goodbye

21 July 2011

The Dinner and After

this is a continuation to the entries "Si Kuyang Naka-Blue" which can be viewed here and "Si Yuan" which can be viewed here.

* * * * *

"nandito na ako sa labas ng office mo." text ni Yuan 15 minutes bago matapos ang shift ko. at dahil nga ayokong paghintayin ang bagong kaibigan, kinailangan kong gumawa ng kasunduan sa boss ko para payagan akong umalis after shift ("sige, bigyan kita ng isang commendation before shift ends, tapos papayagan mo ako umalis agad?"). at salamat sa diyos, nagkaroon ako ng commendation (talk about pwersahan! haha!).

agad agad akong lumabas ng opisina pagpatak ng alas-singko, at nakita ko ngang nakatayo sa hindi kalayuan si Yuan. naka-sandong itim, bakat na bakat ang magandang hubog ng katawan, at naka-jogging pants na gray. halatang galing sa gym dahil sa malaking bag na bitbit, pero mukhang bagong paligo at talagang fresh. sa tatlong beses na nakita ko syang nakadamit, masasabi kong ito na ang pinaka-bagay sa kanya. brusko pero maamo pa rin ang chinitong mukha.

"bakit naman sinundo mo pa ako." tanong ko agad sa kanya paglapit ko.
"dinner nga tayo. tsaka magpapasama lang ako."

hindi ko na tinanong kung saan sya magpapasama. naglakad kami papunta sa megamall at pumunta sa isang pizza restaurant ng biglang nagbago ang isip nya.

"ay, tara, let's go japanese na lang."

at naglakad kami papunta sa isang japanese restaurant. langya! nasakto pa ni mokong ang weakness ko! order ng ilang piraso ng sushi at tig-isang curry meal, hindi ko maiwasang magtanong sa kanya.

"bakit naman naisipan mong ayain ako for dinner?"
"wala lang. nakakatamad mag-dinner mag-isa eh. bagay sayo yung polo ha."

tsaka ko lang naalala na polo nya nga pala yung suot ko.

"naku! pasensya na ha. eto yung nasa ibabaw eh, kaya eto na yung kinuha ko. ipa-laundry ko agad pag-uwi, then isauli ko agad sa'yo."
"okay lang. no need to rush."
"salamat."

tuloy tuloy ang kainan ang kwentuhan tungkol sa mga random stuff. we ended dinner with two servings of yogurt.

"gusto mo uminom?" tanong nya sa akin habang busy ako sa pagsimot ng yogurt ko.
"ha? saan naman?" tanong ko.
"sa bahay." sagot nya. "gusto mo pa ba ng yogurt? eto o, di ko maubos eh." sabay abot ng yogurt cup nya.
"hmmm... okay lang, wala naman akong pasok bukas eh." sagot ko habang sinisimulan ko nang kainin ang yogurt nya.

bumaba kami sa groceries para bumili ng alak at ilang chips. nag-grocery na rin sya. bayad sa counter at pagkatapos ay lumabas ng mall.

"pwede ba daan muna tayo ng simbahan?" sagot nya.
"ok lang."

pumunta kami sa malapit na simbahan. dahil hindi naman ako catholic, hindi ko na sya sinamahan palapit sa altar, bagkus ay umupo lang ako sa isa sa mga bangkong nakahilera sa loob ng malaking simbahan. si Yuan naman ay lumapit sa altar at lumuhod. matapos ang ilang minutong pagdarasal, lumapit naman sya sa lalagyan ng kandila, nagsindi ng isa, at muling nagdasal.

mula sa kinauupuan ko, pakiramdam ko ay nakikita ko ang isang anghel na mataimtim na nakikipag-usap sa kanyang Panginoon. hindi ko maiwasang mapadasal habang nakatingin kay Yuan.

"Lord, kung ano man ang pinagdadaanan nya, sana ay patuloy mo lang syang i-guide for him to have a peaceful mind. alam ko na sa hindi magandang paraan kami nagkakilala, pero if you need to use me to make him feel better, i would gladly be your instrument. salamat sa pagkakataong ibinigay mo sa akin para makatulong sa iba."

lumapit sa akin si Yuan at umupo sa tabi ko. tahimik kaming nagdasal. at sa gitna ng katahimikang iyon, naramdaman kong hinawakan ni Yuan ang kamay ko.

"okay ka na?" tanong nya sa akin pagkalipas pa ng ilang saglit.
"oo."
"tara! magtaxi na tayo. tinatamad akong maglakad eh."

pumara kami ng taxi paglabas ng simbahan papunta sa place nila. pagdating sa bahay, automatic na syang nagsalang ng karaoke cd sa dvd player nya bago pa man ayusin ang mga pinamili namin. sabay naming inayos ang mga groceries nya habang kumakanta ng mga kanta ni Jed Madela.

"wag mo na ilagay dyan yung spaghetti. lulutuin ko yan para may pulutan tayo."

sa pangalawang pagkakataon, ipagluluto na naman ako ni Yuan. aglio-olio with some pesto. amoy pa lang, mukhang masarap na. abalang-abala ako sa pagkanta ng "Love Always Finds a Way" ng hindi ko mapansing tapos na pala ang niluluto nya.

"tara, dalhin mo na yung alak tsaka yung yelo. sa rooftop tayo."

pumanhik kami sa rooftop kung saan tanaw namin ang kabuuan ng pasig. inilagay sa lamesang nasa rooftop ang mga bitbit namin at bumaba pa ulit sya para kunin naman ang pitsel ng iced tea at mga baso. ilang minuto pa ay bumalim na sya at sinimulan na ang inuman.

"bakit napaaya ka ng inuman?" tanong ko sa kanya.

hindi sya sumagot. tuloy tuloy lang ang tagay at kain. medyo tahimik kaming dalawa. mga kanta lang mula sa cellphone nya ang naririnig namin ng bigla syang magtanong.

"wala kang boyfriend?"
"wala. mahirap sa akin yung ganun."
"bakit naman?"
"hindi ko alam. minamalas talaga eh. siguro karma ko to dahil sa nature of job ko."
"wala naman akong nakikitang masama sa trabaho mo ah."
"sa pagpopokpok? ikaw, kunyari, matatanggap mo bang kung kani-kanino nakikipagsex ang boyfriend mo?"
"hmmm... sa bagay... o sya, tagay mo na!"

tagay. kaunting kwento. tagay. kain. paulit-ulit lang ang cycle.

"pero, buti na nga ring wala kang boyfriend. walang sakit ng ulo."
"ahahahah! tama! masarap yata maging single."
"masakit."

at biglang natulala si Yuan. isang lagok ng tagay at isang malaking subo ng pasta ang sumunod.

"tagay ka na." sabay abot sa akin ng baso.
"sorry."
"naku! wag ka mag-sorry. sya ang dapat mag-sorry sa akin."

sya. dalawa lang kami sa rooftop nun pero binanggit nya ang word na sya. kung hindi patungkol sa akin, para kanino yun? napatingin ako sa paligid, baka may third eye si Yuan. pero naisip ko agad kung posibleng para kanino ang "sya" na yun.

kay kuyang nakaputi.

hindi ko alam kung paano sasagot sa huling statement nya. minarapat ko na lang na tumagay at manahimik.

"may problema kasi kami ng boyfriend ko ngayon... what i mean is, ex-boyfriend ko."

dito ko na napagtagpi-tagpi ang lahat. ang eksena sa megamall, ang phone call pagkatapos ko maligo, ang pizza restaurant...

"we just broke up yesterday."
"oh. i'm sorry."
"don't be. wala ka namang kasalanan."

at hindi ko na naman napigilan ang sarili kong bibig.

"i actually saw you nga yata yesterday sa foodcourt sa megamall."
"oh! shit. nakakahiya."
"sorry."
"okay lang. mukhang tanga lang. para kaming teleserye."

nagtuloy tuloy ang kwento ni Yuan. kung paanong nagsimula ang relasyon nila ni kuyang nakaputi, who happens to be a nurse. idinetalye ni Yuan kung paanong nagsimula sila ni kuyang nurse as textmates hanggang sa una silang magkita. ikinuwento nya ang una nilang date (sa pizza restaurant sa megamall) at ang una nilang sex. sa loob ng ilang minuto, naikwento sa akin ni Yuan ang naging buhay nya sa piling ni kuyang nurse for 1 year.

hindi ko na inisip na tanungin kung bakit sila naghiwalay. basta ang alam ko, ang trabaho ko lang that night ay makinig at masigurong mailabas ni Yuan ang bigat ng loob na nararamdaman nya. tuloy lang sa kwento si Yuan, at maya-maya pa ay naiiyak na sya. hinawakan ko na lang ang kamay nya ng bigla nya akong hinila at niyakap ng mahigpit. tuloy lang sa pag-iyak si Yuan, at hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong maiyak. ilang minuto pa syang iyak ng iyak hanggang sa finally ay kumalma na sya.

"naku, sorry, di ko na napigilan." sabi pa nya habang nagpupunas ng luha.
"ano ka ba. okay lang yun."
"salamat kasi nandyan ka."
"it's okay. basta kung kailangan mo ng makikinig, nandito lang ako."

tuloy lang ang kwentuhan tungkol sa mga disappointments, failures, at mga pangarap na hindi naabot sa buhay. pero kahit puro negative ang pinag-uusapan namin, may ngiti naman sa mgha labi namin na hindi naaalis, kasama pa ang panaka-nakang pagtawa. kasama na sa kwentuhan ang mga paborito naming bagay (he loves yogurt so much pala... kaya nagtaka ako kung bakit ibinigay nya sa akin yung yogurt nya during dinner). maya maya pa ay naubos na ang iniinom namin. niligpit ang lahat ng ginamit namin, bumaba kami sa kwarto nya. dala siguro ng sobrang kalasingan, nakaidlip ako sa sala at hindi ko na natulungan si Yuan sa paghuhugas ng mga ginamit namin. nagising lang ako sa isang hindi ko inaasahang paraan.

hinalikan ako ni Yuan sa bibig habang dahan dahang ipinupuwesto ang mga braso nga sa likod ko para buhatin ako.


*to be continued*

20 July 2011

Si Yuan

this is a continuation to the entry "Si Kuyang Naka-Blue" which you can view here.

* * * * *

"pwede bang dito ka na lang muna matulog? kahit ngayong gabi lang?"

yan ang tanong ni Yuan sa akin na medyo ikinagulat ko. napaisip ako dahil may pasok pa ako sa trabaho kinabukasan, pero naisip ko rin na kailangan talaga siguro ni Yuan ng karamay, or at least kasama, ngayong gabi. kaya pumayag na rin ako.

"sige, pero alis din ako ng mga 4am bukas. may pasok pa ako, 8am, at wala akong baong damit."
"okey lang. gusto mo pa kumanta?"

at nagsalang pa ng karaoke cd si Yuan. kanta lang kami ng kanta, walang pakialam kung nakakaistorbo kami sa kabilang unit. maya-maya pa ay napagod na ang mga vocal chords namin at naisipan na naming matulog. pumwesto na si Yuan sa kama nya at ako naman ay nagsimula nang umayos sa sofa.

"dito ka na lang, tabi tayo." pag-aaya nya.
"naku, wag na, okay lang ako dito."
"mahirap matulog dyan, i'm telling you." sagot nya, na may kasamang kakaibang tingin sa mata.

na-hypnotize ako. kahit kakapiranggot ang mata ni Yuan, kitang-kita dito ang emosyon nya at na-convince nya ako na tumabi sa kanya (ang arte ko pa, ano?). paghiga... yumakap agad sya sa akin.

"okay lang ba?"
"na ano?"
"na nakayakap ako sayo"
"okay lang, naghihilik pala ako pag natutulog ha."
"ayus lang. duet tayo."

natawa kami pareho sa sinabi nyang iyon, pero nasundan ito ng katahimikan. matahimik lang na nakayakap sa akin si Yuan habang tahimik kong hinahaplos ang ulo nyang walang buhok. malumanay ang bawat segundo ng pagkakayakap namin, para bang hindi na namin kailangang magsalita upang maiparamdam na okay lang kami. na, bagamat isa akong bayaran, nandito ako para mapakalma sya sa kung ano mang nararamdaman nya. at bagamat isa syang client, nagtitiwala sya sa akin.

"pasensya na ha." binasag nya ang katahimikan.
"bakit naman?"
"may problema lang kasi ako."
"wag mo na isipin yun. kung ano man yung problema mo, things will be okay."

lalong humigpit ang yakap nya sa akin.

"salamat. at least may kayakap pa rin ako tonight."

at nakatulog kami sa ganung posisyon, ngunit hindi ko maiwasang isipin... ano nga kaya ang nangyari sa kanila ni kuyang naka-white?

...

...

...

"good morning!" banat sa akin ni Yuan ng nagising ako sa tunog ng alarm ko, alas-cuatro ng madaling araw. "breakfast ka muna."

posturang postura si Yuan. naka-business attire. kung gwapo syang tignan sa kulay blue nyang shirt kahapon, mas pogi syang tignan sa cream na long sleeves at gray na slacks.

"kanina ka pa gising?" naitanong ko sa kanya.
"yup, mga 3am."
"bakit di mo pa ako ginising? nakakahiya naman."
"eh ang lakas pa ng hilik mo eh! haha! tara, sabay na tayo kumain."

nakahanda na sa dining table nya ang ilang pirasong pritong hotdog, tapa, yang chow rice, some slices of fruit, and a pitcher of juice.

"ang dami naman nito."
"eh hindi ko alam kung malakas ka kumain eh."

habang nagbebreakfast, tuloy tuloy lang ang kwentuhan namin ni Yuan tungkol sa trabaho at sa ibang pinagkakaabalahan kapag walang work. pero, kahit na masarap ang pagkain at masarap ang kwentuhan, kitang-kita pala sa mata ko na antok na antok pa ako. natapos ang almusal.

"sure ka makakauwi ka ng ganyan? eh parang antok na antok ka pa eh."
"oo, kaya ko to, tsaka hindi naman pwedeng hindi ako umuwi. wala akong isusuot."
"i can lend you a polo, and kahit undies."

nagulat ako sa suggestion niya. i mean, sino ako para pahiramin nya ng mga personal na gamit nya? hindi ako pumayag.

"hinde, hinde pwedeng tumanggi. matulog ka ulit after breakfast and mag-alarm ka na lang ulit. 8am pa naman pasok mo diba? pumili ka na lang ng polo dyan sa cabinet, yung undies naman nadun (sabay turo sa isang maliit na box katabi ng cabinet)."
"sigurado ka?"
"yup!"

hindi na ako nakatanggi. antok na antok pa kasi talaga ako kaya pumayag na rin ako sa suggestion. right after eating, nagprepare na ako para matulog ulit.

"i have to go to work na. paki-lock na lang yung door when you leave mamaya. i'll text you later."

tango na lang ang naisagot ko at para bang automatic eh nakatulog agad ako paghigang-paghiga ko sa kama. ilang oras pa, tumunog na ulit ang alarm at nagprepare na ako papunta sa office. kumuha ng undies at polo, nagbibihis na ako ng mag-ring ang phone ko. si Yuan.

"nasa office ka na?" tanong nya.
"preparing na, will leave in a bit. salamat ha."
"no worries. up to what time work mo?"
"5pm."
"sa may shaw yung office mo diba?"
"yes."
"sige. i'll just go to the gym after work, then sunduin kita so we can have dinner. ingat ha! by the way, please don't make any attempt to clean my room."
"ha?"
"sabi ko, please don't clean my room."
"yah, i heard that. pero, susunduin mo ako?" why?"
"so we can have dinner nga. okay? o sya, will go back to work na. ingat pagpasok."

and the call ended, with an unexpected dinner appointment right after work.



*to be continued*

19 July 2011

Si Kuyang Naka-Blue

"pwede ka ba ng alas-otso kung sakali?"
"opo"
"sige, text kita kung hindi matuloy yung gagawin ko."

alas-singko pa lang nung nagtext si sir. at dahil wala naman akong gagawin, naisipan ko na lang na maggala sa megamall habang nagpapalipas ng oras. wala na akong pera, kaya window shopping lang ang ginawa ko noon. napagod sa kakalakad, umupo muna ako sa foodcourt at nagmasid-masid ng mga tao. sa hindi kalayuan, may nakita akong mukhang mag-boyfriend na nag-aaway. hindi naman eskandaloso, pero bakas sa mukha nilang dalawa na hindi maganda ang usapan nila. or posible din naman na usapang trabaho ang pinag-uusapan nila, or baka naman tungkol sa katapusan ng mundo sa 2012, or baka naglalaro lang sila ng "ugly faces." pero, kahit malayo ako, nararamdaman ko yung tensyon sa kanilang dalawa. hindi ko na lang pinansin, bagkus ay kumain na lang ako ng takoyaki balls... ng biglang napalingon ulit ako sa nag-aaway (yata) na mag-boyfriend (yata). nagdadabog na tumayo si kuyang naka-blue at naglakad palayo. habang si kuya namang naka-white ay hindi natitinag sa pagkakaupo. haaayyy... yan ang hirap sa mga relasyon. tuloy lang ang pag-nguya ko sa takoyaki balls ko ng biglang may nagtext.

"tuloy tayo, 8pm, text kita ng instructions papunta sa place ko."

pagkatapos ay itinext na nga niya ang instructions papunta sa place nya. may isang oras pa ako para magliwaliw, kaya naisipan ko munang bumili ng isang order pa ng takoyaki balls (ang sarap eh!) bago maglakad papunta sa place ni sir (sobrang lapit lang naman kasi, parang distance lang ng china sa taiwan).

habang naglalakad, nakita ko na naman si kuyang naka-blue. sumakay ng taxi. hindi nya pa rin kasama si kuyang naka-white. mukhang hindi nga maganda ang naging resulta ng away nila. pero, wapakels.

lakad lakad lang habang kumakanta kanta pa ng kung anu-anong pumapasok na kanta sa utak ko. ilang taon pa ang nakalipas at dumating na ako sa bakery kung saan namin napagkasunduang magkita ni sir.

"teka lang, sunduin kita dyan."

naghintay lang muna ako ng maya-maya pa ay may lumapit na sa akin at nagtanong...

nagtanong ng oras. sumagot ako.

hintay hintay pa ulit ng nagtext ulit si sir.

"dumiretso ka na lang pala dito sa unit ko." at kasunod ay ang instructions papunta doon.

naglakad, kumanta habang naglalakad, dumura habang kumakanta at naglalakad, nagtext habang dumudura at kumakanta at naglalakad... at nakarating ako sa harap ng pinto ni sir.

tok tok tok

bumukas ang pinto at nagulat ako sa nakita ko...

si kuyang naka-blue!

"uy, pasok ka. pasensya na, kararating ko lang eh."

pumasok ako sa place nya at hindi na lang nagsalita.

"nga pala, i'm Yuan!" sabay handshake.

hindi ko napansin sa malayo, pero cute pala si Sir Yuan. mukhang bata pa, mga late 20s siguro. medyo matipuno ang katawan, maganda ang kayumangging balat, at kakapiraso ang mata.

"teka lang ha, maliligo lang ako, upo ka lang dyan."
"sige po"

habang naliligo si Sir Yuan, hindi ko maiwasang pansinin ang place nya. studio type. nasa isang sulok ang kama na nakalatag lang sa sahig, habang ang tv nya naman ay nakapatong lang sa dalawang monoblock chairs, at nakapatong sa ibabaw nito ang dvd player nya. may isang maliit na sofa, isang posh na dining table, at isang tambak ng magazines and cd's sa tukador na katabi ng cabinet nya.

lumabas si Sir Yuan ng banyo at ako naman ang naligo.

"nga pala, medyo barado yung drain dyan for the shower. pagpasensyahan mo na. sorry talaga ha."
"naku! okay lang yun sir!"
"Yuan na lang! sorry ha." sabay ngiti.

parang aligaga si Sir Yuan. siguro dahil nga dun sa away nila ni kuyang naka-white. pero, since wala ako sa pwesto para magtanong, hindi ko na inusyoso. naligo na lang ako.

maya-maya pa ay tapos na. paglabas na paglabas ko ng banyo, sumenyas agad si Sir Yuan. tahimik lang daw ako. may tumatawag pala sa kanya sa telepono. sinagot nya ito. bilang courtesy, pumasok na lang ulit ako ng banyo. ilang minuto pa, kinatok na ako ni sir.

"okay ka lang?" hindi ko napigilan ang sarili kong tanungin sya.
"ha? ah! yah! okay lang ako!" sagot nya, may halong pagkagulat.
"simula na tayo."

pinapwesto ko na sa kama si Sir Yuan at sinimulan ang masahe. ang swerte ko naman. pogi si Sir Yuan, maganda ang katawan, at mukhang may problemang pinagdadaanan. masarap ang magiging extra ko nito, for sure! habang nagmamasahe, tahimik lang kaming dalawa. parang nagpapakiramdaman, pero walang umiimik. papatapos na ang masahe ng finally ay magsalita sya.

"kailangan ba talagang may extra?"

hindi na ako nagulat sa tanong. dahil nga halatang may malalim na iniisip si Sir Yuan, nakita ko nang medyo magdududa sya sa extra.

"well, kung ayaw mo naman, ayus lang."
"eh kasi naiilang ako eh"
"edi, sige, okay lang kahit walang extra."
"pasensya ka na ha."

sa totoo lang, nainis na ako nun. abot ko na halos ang langit, na-unsyami pa! pero, i have to be professional. so tuloy lang ang masahe.

"okay, may masakit pa ba?" tanong ko kay Sir Yuan matapos ang masahe.
"wala na, salamat."
"sige, shower lang ako."

diretso sa shower at naligo, naiinis pa rin ako at hindi ko natikman si Sir Yuan, pero inirespeto ko naman yung kung ano mang pinagdadaanan nya kaya hindi sya kampante makipag-sex. paglabas ko ng banyo, nakita kong naglagay ng cd si Sir Yuan sa dvd player nya.

"okay ka lang Yuan?"
"oo. teka, aalis ka na ba?"
"well, if you want me to stay muna, sige, hindi muna ako aalis."
"sige. salamat. upo ka lang dyan. kakantahan kita."

nagtaka ako dito. bakit ako kakantahan ni Sir Yuan? pero, since medyo napagod rin ako, pumayag na rin ako. and besides, i actually find what he did sweet.

"pakinggan mo to, maganda to. kanta ni Richard Poon."

pindot ng play sa remote control at kumanta na si Sir Yuan. kahit malamig at malamyos ang boses nya, halatang punong-puno ng emosyon. maya-maya pa ay parang napapaluha pa si Sir Yuan habang kumakanta. i can't help but get carried away. nakakaiyak yung message nung kanta, at mas lalo ko pang nararamdaman dahil sa emosyon ni Sir Yuan. hindi ko maiwasang mapapalakpak after the song.

"ayun! ang ganda no?" sambit ni Sir Yuan, very casual, as if hindi sya naantig or naiyak sa kanta nya.
"kaya nga eh... naiyak ako. unreleased yan diba?"
"yes. sa second album nya."
"nice! nice!"
"ikaw, do you sing?"
"ah... ehehehe... konti...."
"tara! mamili ka dito ng kanta"

at ipinakita sa akin ni Sir Yuan ang koleksyon nya ng mga videoke. hindi na ako nahiya. nagsalang ako ng isang Janno Gibbs classic. (so, gets nyo na yung sa teaser?) kumanta. nagrecord. kumanta pa ng kumanta. naka-isang oras din kaming nagkantahan ni Sir Yuan.

medyo ginagabi na at nagsabi na ako kay Sir Yuan na kailangan ko nang umuwi dahil may pasok pa ako kinabukasan. iniabot nya sa akin ang bayad. nagpaalam na ako na aalis na ako ng bigla syang nagtanong...

"pwede bang dito ka na lang muna matulog? kahit ngayong gabi lang?"



*to be continued*

16 July 2011

Sikat

celebrity blogger. yan ang tawag sa akin ng ilan sa mga nagmemessage sa akin thru text or email. dahil daw marami na akong readers at marami na akong fanmails, sikat na daw ako. sa totoo lang, ayokong mag-sink-in sa akin ang ideyang ito, kasi baka lumaki ang ulo ko at yumabang ako (oo, hindi pa ako mayabang ngayon! ahahahaha! at yung ulong malaki sa akin eh yung isang ulo, naks!). in fact, i feel humbled sa mga messages sa akin. nakakatuwang isipin na may mga natutuwa, nakiki-simpatya, at higit sa lahat eh naiinspire sa mga kwento ko. maraming salamat po.

pero, ang hindi ko lang ikinakatuwa sa ganitong sitwasyon ay nag-iiba ang tingin sa akin ng mga tao. may mga nagsasabi na suplado na daw ako at hindi nagrereply sa mga emails. may iba namang nagsasabi na malaki na daw ang ulo ko at madalas na daw ako magsungit sa mga nagtatanong sa akin. dahil daw "sikat" na ako, hindi na daw ako ang dating BoyShiatsu na kilala nila.

tanong po... sino ba ang BoyShiatsu na kilala nyo?

i'll be honest this time. medyo masungit talaga ako, pero alam kong nasa lugar naman ang pagsusungit ko. mahirap i-explain, pero let me just give you some sample scenarios.

Scenario 1: may isang guy na nag-add sa akin sa messenger, and he's expecting me na mag-usap kami sa ym para daw makita nya ang hitsura ko. pumayag ako. wala namang problema sa akin ang mag-webcam. pero gusto nyang maghubad ako sa webcam... kahit nasa internet cafe ako! syempre, hindi ako pumayag. at tsaka kahit nasa private place ako, hindi ko gawain ang maghubad sa webcam. simula nun, nung tinanong ko sya kung iha-hire nya ako, pag-iisipan nya daw. okay lang sa akin yun. pero kung araw-araw kang kukulitin na maghubad sa cam, at magagalit kapag hindi ka pumayag, yun ang hindi maganda for me. mayabang na daw ako, kasi daw sikat na ako.

Scenario 2: may nag-inquire, magkano daw ang masahe at extra, at kung ano daw ang extra ko. nung nalaman n'yang hindi ako nagpapatira, nagalit sya. babayaran nya daw ako so dapat daw ay gawin ko kung anong gusto nya. naintindihan ko yun. pero kung hindi ko kayang gawin ang ipinapagawa nya, might as well tulungan ko na lang sya na humanap ng kung sinong makakagawa nun. nagalit ang mokong, ang yabang at ang arte ko na daw palibhasa "sikat" na ako.

Scenario 3: may napagbigyan ako ng number ko, and nagtext sya. hindi nya daw ako iha-hire, makikipagkaibigan lang daw sya. wala akong issue sa ganito, so pumayag ako. pero, sana maintindihan naman na hindi sa bawat text eh makakareply ako, lalo na kung yung text eh "ah, okay" or mga replies na hindi na, er, repliable. tapos pag hindi ka nakareply. magmimiskol. then pag finally nagreply ka sa last text, kung anu-ano sasabihin, and it all boils down to one point... hindi na daw ako nagrereply at nagsusuplado daw ako kasi sikat na ako.

Scenario 4: may kumontak sa akin thru email at nagpaservice. pinagbigyan ko naman, syempre. kaso, since "bloggable" ang experience namin, ikinuwento ko. nagtext sa akin si sir ilang araw ang makalipas. nainis. ang kapal daw ng mukha kong i-blog ang nangyari sa amin. ang yabang ko daw palibhasa "sikat" ako.

guys... eto ang totoo... kahit hindi pa ako BoyShiatsu, ganyan na ang ugali ko. hindi ko talaga ginagawa ang mag-show sa webcam, hindi talaga ako nagpapatira, at medyo tamad talaga ako magtext lalo na kung wala nang flow ang conversation. ngayon, kung patuloy nyong iisipin na kaya ako nagkakaganito eh dahil "sikat" na ako, kayo na ang bahalang mag-isip nyan.

as for the blog entry... ano ba ang BoyShiatsu blog in the first place? blog ko ito ng mga kwentong nangyayari sa akin bilang masahista, sa piling man ng client o sa piling ng pamilya. siguro naman bago nyo ako i-hire, may idea kayo about this blog, right? at tsaka, hindi naman ako nag-ne-namedrop, wala naman sigurong issue dun.

malamang ay maraming maiinis sa post kong ito. pasensya na po. pero, bagamat kagaya nga ng sinasabi ng iba na celebrity blogger na ako, sana wag nating kalimutan na tao lang din ako na may karapatang mainis paminsan-minsan, at blog ko pa rin ito kaya pwede ko sabihin kung ano man ang gusto kong sabihin. sikat man ako sa paningin ng iba, sa paningin ko, ako pa rin si BoyShiatsu na mahilig magkwento ng mga kwentong kulit tungkol sa mga karanasan ko, and kahit anong kasikatan kuno pa ang abutin ko, mananatili ako sa primary purpose ng blog ko.

kung meron man akong naoffend sa entry kong ito, taos-pusong paumanhin po.

15 July 2011

Taksikab

dahil bahagi na ng trabaho ko ang magbyahe-byahe sa mga nakakalitong lugar (sa mga eskinita, mga tagong condo units, mga barung-barong, mga exclusive villages, at mga kuta ng npa), nakagawian ko na ang magtaxi. in fact, isa ako sa mga nagplanong mag-aklas nung itinaas ang panukala noon na gawing 40 pesos ang flagdown ng taxi at gawing 3.50 ang bawat patak. kaya naghihirap ang mga pilipino eh, kasi mahal ang pamasahe sa taxi! pero, walang nagawa ang one-day noise barrage ko sa bahay, kasi hindi naman mga nagtataxi ang kasama ko sa bahay kaya hindi sila nakiisa. nanood na lang kami ng wowowee at sabay-sabay na gumiling-giling.

and dahil nga hindi naging matagumpay ang one-day noise barrage ko, nagtuloy-tuloy ang pagtaas ng singil sa taxi. medyo natuwa pa ako nung may kumalat na tsismis noon na lahat daw ng taxing ang plate number ay nagtatapos sa 9 and 0 eh hindi magtataas ng fare. so kung sakali, kailangan ko lang magtiyaga paghihintay ng ganung taxi. kaso, hindi pala totoo yung tsismis. biktima ako ng false puclicity.

nakaisip ako ng paraan... taxi boycott! simula nung araw na yun, ipinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako sasakay ng taxi bilang protesta sa pagtataas ng presyo nila. pero kagaya ng pangako ko sa sarili ko na mag-iipon ako, or hindi na ako iinom, or hindi na ako muling iibig pa, napako ang pangako. nanatili pa rin akong patron ng mga lintek na taxing yan! nangingibabaw pa rin yung katangahan ko sa pagbibiyahe kaysa sa prinsipyo ko! haha!

pero, kung sa bagay, napansin ko naman na naging mas maayos ang serbisyo ng mga taxi. hindi na sila nangongontrata. hindi na sila tumatanggi sa pasahero (well, most of them). hindi na rin sila nagdedemand ng dagdag sa metro, at mas friendly na sila (mahilig kasi ako makipagkwentuhan sa mga taxi drivers). yun ang akala ko...

isang araw, pagkagaling sa isang appointment, naisipan ko na lang magtaxi papunta sa makati. sinuwerte ako at maganda yung taxi na nasakyan ko. batmobile! (alam nyo ba yung taxi na ganun? yung bilog yung aircon!). at hindi lang yan... may mini-tv at portable dvd player pa! tumingin nga ako sa likod eh, baka sakaling may ref at may washing machine sya dun, pero wala akong nakita. taxi nga pala ito, hindi rv.

"manong, sa paseo po"

andar naman agad si manong. maganda at swabe ang takbo, pero parang hindi friendly si manong driver. hinayaan ko na lang. naglaro na lang ako sa ipod habang nagbibiyahe (hulaan nyo kung anong game? clue, hindi fruit ninja!).

liko dito, tigil doon. busina dito, hikab doon. hanggang sa dumating na kami sa aming destinasyon. tingin sa metro... 113.50 pesos. nag-abot ako ng 500 at inayos ang gamit ko ng makita ko ang reaction ni manong.

"wala ka bang barya?"

napaisip ako... 113.50 ang metro ko... 500 ang pera ko... the meter is almost 25% of my money... mahihirapan pa ba sya magsukli? kung isang libo ang pera ko at 50 pesos lang ang metro ko, i would understand kung bakit wala syang panukli. pero this time, hindi ko ma-gets.

"wala eh," casual na sagot ko.
"ano ba yan! eh kalalabas ko lang eh! wala akong barya! kalalabas ko lang eh!" galit na sagot ni manong.

sanay na akong walang barya ang mga taxi, pero hindi ako sanay na sinisigawan ng taxi driver. in the first place, responsibilidad ko pa ba na magbayad ng barya? eh diba bilang driver, kahit bagong labas ka pa, o nagpalabas ka (ehem!), dapat lagi kang handa at lagi kang may barya! hindi ako naniniwala sa "barya lang po sa umaga" dahil fresh pa ang mga tao sa ganitong oras, buo pa ang mga pera nila. at, ayun nga, hindi responsibilidad ng pasahero na magkaroon ng barya. bagkus, responsibilidad ng driver na magkaroon ng panukli. pasalamat nga sila at nagbabayad pa yung pasahero at hindi nag-1-2-3.

"eh manong, wala po talaga akong barya eh. pasensya na." malumanay kong sagot, pero may halong sarcasm.
"aysus! ano ba yan! eh kalalabas ko lang eh. dapat kasi sinabi mo na 500 ang pera mo."

aha! kasalanan ko pa pala! kasi nga naman BoyShiatsu. dapat sinabi mo kay manong na 500 ang pera mo. tapos, dapat sinabi mo na rin na bukod sa 500, may dalawang one thousand ka sa wallet, tatlong limang pisong coin, isang sampung pisong coin, dalawang pisong coin, tatlong bentesingkong coin, isang jollibee tipid card, isang kfc frequency card, at tsaka ilang pirasong tiket ng bus. tapos ireport mo na rin ang laman ng kikoy kit mo at ng bag mo. naku naku BoyShiatsu! next time ha! ayan, nagalit tuloy si manong!

ang pinakanakakainis pa dito, kaysa humanap ng paraan kung saan pwede magpapalit ng pera, naka-hazard lang si manong sa tabi ng kalsada! aysus! subukan mo kayang umandar o pumunta sa malapit na gasoline station. bagkus, nagtititigan lang kami sa loob ng taxi. ang plano yata ni manong eh paabutin ng 500 pesos yung metro ko para hindi na sya magsukli. pero, matapos ang ilang segundo, bumalik sya sa ulirat.

"teka nga muna. pucha naman o!" sambit ni manong habang papalabas sya ng taxi at patawid sa katapat naming nagtitinda ng yosi, may kasamang dabog sa pagsara ng pinto.

that's it! as if hindi pa sapat yung nagmura sya, nagdabog pa si gago. that's it! punong-puno na talaga ako. pero, para mas dramatic, hinintay ko muna bumalik si manong bago ako gumawa ng move. ilang segundo pa, ayan na si manong, naka-kunot pa rin ang noo.

"wala talagang mapapalitan eh! dapat kasi naghahanda ka ng barya!"
"wait, manong, gumagana itong phone number na ito diba?" sabay turo sa cellphone number na nakasulat sa gilid ng taxi. "matawagan nga at makapagreport."
"eh sa wala talaga akong barya eh."
"wala akong pakialam! pero para murahin mo ako at dabugan mo ako dahil sa lintek na barya, hindi tama yun! iliko mo dyan sa gilid, may ministop dyan at bibili na lang ako ng yosi."

biglang may sumagot sa tawag ko habang si manong naman ay galit na galit na nagmaneho papunta sa ministop.

"hello? are you the operator of *name of taxi* with plate number *plate number of taxi*?"
"opo sir! ano pong problema?"
"pwede pakituruan ng tamang modo yung driver nyo! galit na galit sa akin na wala akong barya, at pinagdadabugan pa ako! hindi ko kasalanan kung bagong labas sya at wala syang panukli!"
"naku naku, pasensya na po sir. ano po bang pangalan ng driver?"
"ikaw ang operator, so dapat alam mo kung sino ang naglabas ng taxi mo. ayoko sya kausapin at baka murahin na naman nya ako."

bigay pa ako ng personal details at natapos ang conversation, saktong tigil naman ng taxi sa ministop. bumaba, bumili ng yosi (kahit hindi naman talaga ako nagyoyosi) at bumalik kay manong driver. 138 pesos na ang metro. iniabot ko ng mahinahon ang 140 pesos sa driver na hanggang sa mga oras na yun ay mainit pa rin ang ulo.

"ayusin mo trabaho mo manong! kung badtrip ka, wag kang mandamay!" sabay alis.

sa totoo lang, nahiya din ako sa ginawa ko. naintindihan ko na frustrated lang si manong. pero, syempre, bilang service provider, hindi mo dapat pinaparamdam sa customer mo na frustrated ka dahil sa kung anong mang nagawa nila, kasalanan man nila o hindi. sabi nga isa isang comment sa previous entries ko... patience it not just a virtue. it is a skill. and kasama sa pagmamaneho at pagsingit sa matraffic na kalye ng pilipinas, kailangan kasama na sa skills ng isang taxi driver ang maging pasensyoso at maging friendly. dahil kasama sa pagtaas ng presyo ng metro nila ay ang pagtaas ng expectation ng mga pasahero na makakakuha kami ng matinong serbisyo bilang tugon sa pansari-sarili naming mga noise barrage sa mga bahay-bahay namin na, kagaya ko, ay nauwi lang sa pagsayaw ng "igiling giling."

tinawagan ako ng operator kinabukasan. 5 days daw suspendido yung driver. sa totoo lang, naawa ako. pero, leksyon nya yun, at kung kailangang dumaan sya sa ganung parusa para matuto, then he must do it. buti na lang pala ang pagiging masahista, walang suspension. walang metro metro. hindi kailangan ng barya... pero palaging gumigiling-giling!

14 July 2011

Ranma 2/3

madalas na akong natatanong kung ano ang ginagawa ko sa service ko. and masasabi kong hati sa tatlong parte ang tinatawag kong The Boy Shiatsu Experience (parang Justin Bieber Experience lang! hahahaha!) eto sila.

Part 1: Da Kwento -- dahil nga madaldal ako, likas na sa akin ang maging makwento. at tsaka dahil nga naniniwala akong isa ito sa strongest assets ko, siguro naman hindi mamasamain ng client ko kung magkakaroon kami ng kaunting chit chat habang naglalakad papunta sa motel, habang kumakain, or habang nagdadalawang-isip sya kung itutuloy nya ba ang pag-hire sa akin. filler din ang kwentuhan habang nag-iisip ang client ng alibi para i-cancel ang service (kung sakaling hindi nya ako trip), and madalas eh magandang filler ito dahil sa haba at sa saya ng kwentuhan, natutuwa si client (or naaawa?) at ihahire na lang ako. ano ang pinagkukwentuhan? iba-iba! mula sa mga blog entries, hanggang sa trabaho, hanggang sa rh bill, at kung anu-ano pang mga bagay bagay na madalas pinag-uusapan ng mga langgam kapag nagkakabangaan sila. one thing's for sure... when Boy Shiatsu starts to talk, prepare for mental orgasm! naks!

Part 2: Da Himas -- eto yung massage part. mayabang na kung sa mayabang, pero kampante ako sa kalidad ng masahe ko. salamat sa pangkabuhayan program ng tesda noon, nagkaroon ako ng kaalaman tungkol sa iba't ibang paraan ng paghimas ng bahagi ng katawan, may libog man o wala. pero, more than the training, natuto na rin ako thru self-study. dahil mahilig ako magpamasahe, nagpapaturo ako minsan sa mga masahista ng mga strokes (pramis! ginagawa ko to!) and ang kapalit eh mas malaking tip. win-win situation! and when Boy Shiatsu starts to massage, physical orgasm! naks!

Part 3: Da Ekstra -- self-explanatory, sexual orgasm guaranteed! hahahaha!

isang araw, may nagtext sa akin, nagtatanong ng service ko. and, as always, sumagot ako with the template. then nagtanong sya ng isang question na medyo madalas na rin itanong sa akin.

paano kung masahe lang?

kabisado ko na ang tanong na ito. madalas eh itinatanong ito kung (1) walang pera or (2) didiskarte ng discount. pero, dahil mabait naman ako, may cheaper rates pa rin ako kung talagang masahe lang ang gusto.

nag-confirm si sir, na itago na lang natin sa pangalang Ranma. pero masahe lang daw, walang extra. pumayag na ako. pumunta ako sa lugar nya makalipas ang ilang minuto. pagbukas ng pinto... wow... yummy si Sir Ranma! pumasok ako sa bahay nya at sinimulan na ang The Boy Shiatsu Experience.

Part 1: Da Kwento

usap-usap lang kami ni Sir Ranma tungkol sa mga random stuff. apparently, he has also seen my blog and natuwa daw sya kasi magaling daw ako magsulat. although tila marami pa syang hindi nababasa kasi may mga tanong sya na nasa blog ko na ang sagot. he apologized naman, kasi daw di pa sya nakakapag-backread talaga. sige na, pagbigyan na, tutal masarap naman si sir! makalipas pa ang ilang kwento tungkol sa mga future blog entries, sa "The Boy Shiatsu Experience", sa interiors ng bahay nya, sa buhay-buhay, at sa patay-patay, nagpaalam akong gamitin ang cr para makapag-prepare. shower, brush, facial wash, and kaunting pampapogi pa bago lumabas ng cr. pinaghubad ko na sir Sir Ranma hanggang sa underwear na lang ang matira at pinapwesto sa kama. ako naman ay naka-shorts.

mental orgasm... check!

Part 2: Da Himas

masakit daw ang lower back nya, and medyo ngalay din daw ang shoulders. gamit ang aking mahiwagang oil, hinilot ko ang masakit na part ng katawan ni Sir Ranma. mukhang nagugustuhan naman nya ang masahe at naririnig ko pa ang bahagyang pag-ungol-ungol n'ya. tuloy tuloy pa rin ang kwentuhan habang nagmamasahe, pero this time, medyo nilalagyan ko ng kaunting "naughtiness" (tama ba yung word?) yung mga kwento, at nakikiride naman si Sir Ranma. pinatanggal ko na ang underwear nya at tumambad na sa akin ang masarap na puwet ni sir. himas himas, masahe masahe... sinasadya kong gawing sensual ang masahe instead na standard lang (kagaya ng napagkasunduan), baka sakaling ma-demonyo ko si Sir Ranma at pumayag na magpa-extra (at yun ang gusto ko talagang mangyari! haha!). mukhang kinakagat naman ni Sir Ranma ang mga senyales ko at napansin kong natatahimik na sya at medyo napapalakas na ang mga ungol nya.

pagkatapos ng backside, tumihaya na si sir, at confirmed... nagugustuhan nga ni Sir Ranma ang mga sensual touches ko, may nagalit na hindi dapat magalit eh! tuloy tuloy lang ang masahe ko kay sir, at tuloy tuloy lang din ang pagpapalibog. ako mismo eh tinitigasan na, pero hindi ko pa rin tinatanggal ang shorts ko dahil (1) professional ako at (2) gusto ko si Sir Ranma mismo ang mag-utos na tanggalin ko ito. pinagpatuloy ko lang ang pagmamasahe sa binti nya, sa hita, at paangat sa kanyang putotoy. "wala ka namang problema sa pag-massage ko sa part na to?" tinanong ko pa si Sir Ranma, at wala naman daw s'yang problema dun. tuloy tuloy lang ang "paglalaro" ko sa kanyang junior, at mukhang na-e-enjoy naman ni Sir Ranma ang ginagawa ko. matapos ang ilang minuto, iniangat ko na ang paghaplos papunta sa dibdib nya at sa braso, at mas lalo ko pang ginagawang sensual ang masahe, at lalo pang sumasarap ang mga ungol ni Sir Ranma. tinapos ko ang masahe ni sir hanggang sa ulo nya at pagkatapos ay dahan dahan ko syang iniayos ng higa sa kanyang kama.

physical orgasm... check!

Part 3: Da Ekstra

wala. matapos ang isang oras ng nakakalibog na masahe, walang extrang naganap!

sexual orgasm... ekis! isang malaki at naghuhumindig na pulang ekis!

"okay ka lang sir?"
"yes, ayus na ayos. ang sarap ng masahe mo."

iniabot ko kay Sir Ranma ang shorts nya, pagkatapos ay dumiretso ako sa shower upang magbanlaw. paglabas ko ng banyo, nakaupo na si Sir Ranma sa kama nya.

"ang galeng! tama nga yung nasa blog. hindi ka lang pala magaling magsulat, magaling ka rin magmasahe."
"salamat po. pero, bukod sa pagsusulat at sa pagmamasahe, magaling din ako sa happy ending."

hindi ko alam kung bakit dire-diretso kong nabanggit kay Sir Ranma yun. siguro dahil nadala din ako sa ginawa ko sa kanya, plus the fact na yummy talaga si sir.

"haha! faithful eh. mahirap na."

ahhhh... kaya naman pala. in fairness, napapalakpak ako sa sagot ni Sir Ranma. may mga tao pa palang faithful!

"tsaka sabihin na lang natin na malakas ang self-control ko." banat pa ni Sir Ranma.

napapalakpak pa ulit ako, with standing ovation pa. may mga tao pa palang malakas ang self-control!

"naku! buti ka pa! sana ako rin malakas ang self-control ko." sagot ko.
"well, actually, i think malakas ang self-control mo! kasi kung hindi... hehehehe..." biro pa ni sir.

walangya! so nahalata rin pala ni Sir Ranma! hahahah! napaisip tuloy ako, siguro kung hindi malakas ang self-control ko, or kung ginalingan ko pa lalo yung pangti-tease ko, ano kaya ang posibleng nagyari? hmmm...

kaunting kwentuhan pa at iniabot na sa akin ni Sir Ranma ang bayad nya.

"salamat sir. sana nagustuhan mo yung service ko, kahit two-thirds lang."

natawa si sir sa sinabi ko.

"kahit naman two-thirds lang, very commendable pa rin. there's definitely a repeat service."
"i would suggest, for you to really enjoy The Boy Shiatsu Experience, try mo yung other third!"

nagpaalamanan at umalis na ako ng bahay ng Sir Ranma, with a satisfied smile on my face dahil sa achievement ko. bagama't hindi ko natikman si sir (nanghihinayang pa rin ako hanggang ngayon! haha!), natuwa naman ako kasi kahit walang extra service na naganap, nakita ko naman ang sincerity sa mukha ni Sir Ranma when he told me that he really liked my service. nakakatuwang isipin na may mga tao pa palang kagaya ni Sir Ranma who can appreciate a service from a sex worker kahit walang sex involved.

nga pala.. yung sagot nya dun sa banat ko na "try mo yung other third."...

"we'll see! maybe!"

yes! mukhang may chance!

Halika, Kape Tayo

kaunting silip sa bagong paborito kong tambayan (free advertisement na rin for them!)


coffeebreak! nadiskubre ko ang coffee shop na ito sa ortigas a few months ago, pero lately ko lang sya nagustuhan. kasi bukod sa mura ang kape (wala silang drink na abot sa 100 pesos ang presyo! asteg!). they have a long list of coffee options (imagine... 30 types of frappe!!! and pwede pang customized! kung gusto mo mag-mix ng two flavors, they will do it!) libre pa ang wifi (na sobrang bilis) at tsaka pogi ang barista!


isa pang nagustuhan ko dito ay maliit lang yung pwesto at hindi masyadong pasosyal, kaya hindi sya tinatambayan ng mga malalanding "bisexual" na madalas eh tumatambay sa labas ng starbucks, yung tipong walo silang nakaupo pero isa lang ang may order, espresso pa!. hindi rin sya ginagawang pugad ng mga babaeng naghihintay "daw" ng kasama nila habang nakaupo sa isang couch, at ang handbag nya ay nakaupo sa isa pang couch, at ang make up kit nya ay nakaupo sa isa pang couch, at ang anino nya ay nakaupo sa isa pang couch, habang libu-libong customers ang walang maupuan at nagtitiis na mag-takeout na lang kahit may importanteng meeting na gagawin sa kapihan. maraming pang istoryang ganyan sa mga sosyal na kapihan, at walang ganyan sa coffeebreak, kaya talagang marerelax ka, or kung may kasama ka man, makakapagkwentuhan kayo ng mahinahon. at tsaka pogi ang barista!



masarap din yung mga pastries nila. and, mura din! may version sila ng "better than sex" na mini-cake... i can say it's better than "normal" sex... but it's not better than "Boy Shiatsu sex" haha! asteg din yung chocolate cookie nila, kinse pesos lang! meron din silang nakakabusog na pizza and pasta. at tsaka pogi ang barista!


medyo tabing kalsada nga lang sya, so medyo maririnig mo yung mga busina ng bus at wangwang ng pulis. and since maliit nga yung place, pag gumawa ng frappe yung poging barista, maririnig sa buong coffee shop yung tunog ng blender na hindi masyadong kaaya-aya. pero, mas matitiis ko na yung ganung ingay kaysa naman sa mga college girls na nagtitiliian, or sa mga baklang pa-girl na nagpapa-mhin, or sa mga baklang pa-mhin na nagpapagirl, or something something. at tsaka pogi ang barista!

dalaw kayo dun one time, baka sakaling makita nyo ako, kwentuhan tayo. kung gusto nyo rin, imasahe ko na rin kayo dun, kung daring kayo! hee hee! love ko na yung place na yun... at tsaka yung poging barista.

Gusto n'yo ng teaser?

eto, kung gusto n'yo marinig ang boses ko sa kakaibang mode (iba compared sa boses ko sa fabcast ni Migs)...

...

...

...

then play!



(pasensya na, bitin yung recording, one minute lang eh! hahaha!)

11 July 2011

Initial Interview

isang kaganapan thru text between me and a potential client, na itago na lang natin sa pangalang Mister Human Resources, or HR. (disclaimer: hindi hr representative si potential client, pero hindi ko alam kung anong work nya. kung bakit Mister Human Resources ang tawag ko sa kanya, you will find out)

hr: hello, are you *insert name of pogi here*
pogi: yes
hr: hi! magkano service mo?
pogi: *sends rates template on mobile phone while playing fruit ninja*
hr: ahhh... ano extra mo
pogi: *sends extras template on mobile phone while slicing a banana, watermelon, and a bomb in fruit ninja, na-dead tuloy*
hr: chumuchupa ka rin? pwede ka ba i-fuck?
pogi: *lets go of ipod and uses two thumbs to text, medyo umiinit na ang ulo*

preno muna. para mas maintindihan nyo, eto yung dalawang templates.

rates template: massage and extra po is *price (confidential muna)*. where are you located?
extras template: i kiss, lick, suck, rim, fuck. romansahin kita ng todo. hindi ako nagpapatira at hindi pwede magpalabas sa bibig ko, the rest pwede na.

okay... so siguro naman na-gets n'yo na kung bakit uminit ang ulo ko dun sa first four texts ni Mister Human Resources. i guess malinaw naman sa templates ko kung chumuchupa ako at malinaw rin na hindi ako nagpapa-fuck. i can only think of three things kung bakit ganun ang reply ni Sir HR.

una, isa syang autobot na hindi nakakaintindi ng conversation at system-generated ang reply.
pangalawa, isa syang pokemon na hindi nakakaintindi ng english o tagalog at pero conversant sa wikang pikapikamon.
pangatlo, isa sya sa mga batang umiinom lang ng am nung sanggol pa sya kaya kulang ang nutrisyon ng utak.

balik tayo sa conversation

pogi: i suck. hindi ako nagpapatira
hr: pero tumitira ka

at this moment, natetempt na akong turuan si Sir HR ng english 101, para maintindihan nya yung half ng extras template ko. but, no can do... kailangan kong maging patient. pero, sa tindi nito, baka maging impatient ako... or worse, in-patient!!!

pogi: yup. i fuck po.
hr: good. may masahe na bang kasama yun

eto, tumambling na talaga ako... parang gusto ko na lang patayin yung phone ko at maglaro ng fruit ninja sa ipod instead. for sure, sa init ng ulo ko, gagaling ako sa paghiwa ng saging, pinya, pakwan, kaimito, strawberry, pomelo, at leeg! pero, again... patience is a virtue. so tuloy pa rin.

pogi: *inhale, outhale. inhale, outhale* opo, masahe at extra na po yun.
hr: kung walang masahe, magkano?
pogi: same charge lang po
hr: pero dalawang beses ka magpapalabas?
pogi: isa lang po.
hr: eh hindi naman ako magpapamasahe eh
pogi: yun po talaga charge ko eh
hr: pero magaling ka magmasahe?
pogi: confident po ako sa massage skills ko.
hr: san ka natuto?
pogi: tesda po.
hr: okay... humahalik ka ba?
pogi: *cartwheel muna, mga tatlong beses, sabay split bago nagreply* opo
hr: ano pala size ng titi mo?
pogi: 6 po pag hard, medyo mataba
hr: madami ka bang tamod?
pogi: madami naman po, ahehehehe...
hr: may buhok ka ba sa pusod?

napaisip ako dito, pero tuloy lang ang reply. silip muna sa tiyan kong puno ng bilbil, baka dahil sa kunsumisyon ko eh tinubuan na pala ako ng black forest sa pusod ko.

pogi: wala po (napaisip ako bigla... hindi naman nagkakabuhok sa pusod diba? sa paligid ng pusod, oo. pero sa pusod mismo? potah! nililinlang lang pala ako ni sir. tinitignan kung may common sense ako!)
hr: eh sa hita
pogi: yung binti ko po, medyo balbon, pero yung hita, hindi
hr: makapal ba buhok mo sa kilikili?

eto, sa totoo lang, tawa na ako ng tawa. hairstylist yata ang katext ko at hindi client. baka kailangan nya ng model for hair fashion. pero, sige lang Boy Shiatsu, reply lang ng reply.

pogi: tama lang po
hr: nice. why should i hire you?

eto na! ang ultimate question sa mga job interviews! maraming beses na ako nag-job interview, at sa lahat ng interview kong yun, hindi nawawala ang magic question na ito. buong akala ko, makakawala na ako sa tanong na ito. hindi pa pala! ayoko na talaga magreply, sa totoo lang. pero tila makulit si sir

hr: uy, di ka na sumagot
pogi: ay. sir. kumain lang po (pero ang totoo, naghiwa lang ulit ako ng prutas. high score! 573!!! yehey!)
hr: nakikipag-sop ka ba?

yes! nakalimutan ni sir yung tanong nya kanina! ayus!

pogi: hindi po eh.
hr: ganun ba?
pogi: opo
hr: ano suot mo ngayon

aba aba aba! palibhasa hindi ako nakikipag-sop, mukhang sinusubukan ni Sir HR na mag-sot (sex on text) kami!

pogi: naka-gown, tapos naka-rollers. *message sending failed*

naubos ang load ko. ibang network kasi ang gamit ni sir, kapuso. eh kapamilya yung sa akin.

that's it! sign na yun na kailangan ko nang ituloy ang paghiwa ng mga lumilipad na fruit salad! pero dahil mabait akong tao (ehem), nagpaload ako at nagreply.

pogi: nakaboxers po, tsaka sando. bakit po?
hr: wala naman
pogi: ok. kailan po ba kayo magpapamasahe?
hr: just wait for me text.

sa job interview, eto na yung magic line. eto yung nicer way of saying "bobo ka, tanga ka sa english, ang pangit ng suot mo, mababa ang credentials mo, at may tinga ka sa ngipin kaya hindi ka tanggap." yung ibang companies, ginawa pang sosyal... "we're going to put your application in our active file so we can match your profile on some of our accounts." pero ang ibig sabihin lang din naman nun ay "isa kang autobot kaya hindi ka tanggap." or "wala kaming pikapikamon-speaking account kaya hindi ka tanggap." or "am lang yata ang iniinom mo nung sanggol ka kaya hindi ka tanggap."

just wait for my text... it means one thing... hindi interesado ang client. matapos ang ilang libong tanong at matinding pagbusisi sa curriculum vitae ko, "just wait for my text" lang pala ang kahihinatnan ko.

binitiwan ko ang cellphone ko, kinuha ang ipod, at naglaro na lang ulit ng fruit ninja. panibagong high score... 607!

iba talaga kapag inspired mag-slice! iniimagine ko kasi na mga lumilipad na ulo ni Sir HR yung hinihiwa ko!

06 July 2011

Something Random

Random Statements

isa sa tatlong pangungusap ay totoo, habang ang dalawa naman ay kathang-isip. alin ang naiba?

1. i had laing for breakfast habang nanonood ng tv at nagjajakol.
2. i watched star world habang nagjajakol at nagbe-breakfast.
3. nagjakol ako gamit ang butter as lube habang nag-be-breakfast at nanonood ng tv.

* * * * *

Random Thoughts

na-access ko pa yung isa sa mga lumang blog ko, kung saan ang alter-ego ko ay isang matandang driver. binasa ko ulit, at natuwa ako. eto yung isa sa mga paborito kong entries.



Gamot na Hindi Sigurado kung Epektibo?

Isa sa mga hilig ko ang manood ng telebisyon. At isa sa mga napapansin kong nauuso sa commercial ng mga gamot o food supplement ngayon ay ang linyang "No Approved Therapheutical Claims" sa dulo. Makikita sa commercial ang endorser na malaki ang nawala sa timbang, gumaling ang sakit ng buto, naging maganda ang mukhang bata, naging mas aktibo, nawala ang kahit anong karamdaman, at naging magaan at masaya ang buhay matapos inumin ang gamot... tapos pagdating sa dulo ay sasabakan ng "no approved therapheutical claims?"

Napapakamot ako ng ulo. Hindi ba bulgarang pag-iwas sa responsibilidad ng gamot ang ginagawa nilang ito?

Noong panahon namin ay palakasan ng epekto ang ginagawang laban ng mga gamot. Bago ilabas sa publiko, samu't saring pagsusuri ang dinadaanan ng gamot, upang makasiguro sila na ito ay epektibo.

Ngunit ngayon, panay ang labas ng sari-saring gamot na may kung anu-anong epekto, pero ito ay nilalagyan lagi ng "no approved therapheutical claims." Tama ba ang pagkakaintindi ko sa linyang ito, na ang ibig sabihin ay walang pagsusuring nagpapatunay na epektibo ang gamot? Para ano pa at naging gamot ito? Nagagawa ng mga kompanya na magbayad ng mahal sa mga artista upang i-endorse ang gamot nila, pero hindi nila magawa na magbayad ng eksperto at suriin ang gamot? Sa tingin ko, isang epektibong paraan itong ginagawa nila para walang magdemanda sa kanila kung sakaling may gumamit ng produkto nila at hindi nakamit ang resulta na kanilang ihinahayag. Halimbawa:

Kustomer: Hindi totoo yang produkto n'yo! Ang mahal ng nagastos ko sa pagbili sa pag-aakalang gagaling ang sakit sa puso ng aking ama, dahil iyon ang sinasabi n'yo. Pero wala rin namang nangyari.
Produkto: Hallo!!!! No approved therapheutical claims nga po diba?

Ibig ba sabihin nito ay ang taong mga bumibili ng produkto ang nagiging guinea pig ng mga nasabing gamot? Mali naman yata yun!

Bilang mga taong may pinag-aralan sa siyensya at kalusugan, sana ay maging responsable ang mga manggagawa ng gamot na isipin ang kalusugan ng kanilang mga patron. Sana maisip nila na sigurado at ligtas ang gamot bago ito ilabas sa publiko, at huwag puro pera at kita ang itanim sa utak nila.

Mabuti pa ang mga halamang gamot, walang nakasulat sa sanga nila na "No Approved Therapheutical Claims," ibig sabihin, siguradong epektibo!



ang sarap mag-reminisce!


* * * * *

Random Facts

naisip ko lang, why not share some random stuff about me? yung walang kinalaman sa pagiging masahista ko? eto, i'll give you 10.

1. paboritong kulay ko ang orange. pag na-turnover na sa akin ang condo ko, iniisip kong maglaro sa colors black, white, and orange for my room. kung paano, hindi ko alam.

2. mahilig ako sa logic games, yung mga larong ginagamitan ng utak. yan ang dahilan kaya mahilig ako maglaro ng angry birds. pero, favorite ko rin ang fruit ninja.

3. hindi ako kumakain ng kalabasa, ampalaya, okra, laing, at kahit anong may gata (except ginataang mais). mahilig ako sa japanese food. at sa kfc.

4. bukod sa pagmamasahe, may talent ako sa pagsayaw, pagkanta, pag-arte, at pagsisinungaling. may talent din ako sa pagtsupa, pero hindi ko pwedeng ilagay sa resume yun.

5. may best friend akong kulot, and may nakakatawang kwento akong ipopost soon about him. (question: sino sa inyo nakakaalala nung commercial sa radyo dati? yung "bagay ba sa'kin ang kulot?" peborit ko yun!)

6. may ringtone talaga ako ng sm sa cellphone kong sira-sira na ang housing. meron din akong bad romance, manny villar jingle (in japanese!), at yung size 5 (yung edd12, yung may tassles!)

7. walang cable sa boarding house namin. may cable kami sa bahay namin sa rizal, pero wala namang tv. (kung bakit, long story)

8. sa mga nagtatanong, at sa mga hindi pa nakakaalam, wala na ako sa call center industry. pero bukod sa pagmamasahe, meron pa naman akong work... sales. commission-based. kaya mahirap! (tulong!!)

9. hindi ako suplado, pero kung may makikipagtextmate sa akin at wala namang kwenta yung last text, hindi na ako magrereply. ano ba naman ang irereply mo sa "ah, okay" diba? minsa, nireplyan ko ng smiley, sumagot din ng smiley yung katext ko. then after a few minutes, nagtext, galit. bakit daw di ako nagreply. gusto kong puntahan sa bahay nya yung katext ko at dudukutin ko mata nya ng magkaroon sya ng ibang pagkakaabalahan!

10. may pakalat-kalat na dairy creme sa bahay kanina, kasama ang nakakalat na pandesal at pakete ng orange juice. kinain ko yung pandesal at ininom yung orange juice. and as for the butter... do the math! ;-)

Up

habang naggagala ako sa gateway noon dahil pinaplano kong manood ng "up" (oo yung may batang mataba at matandang malaki ang ilong, yung maraming balloons... in 3d!!!), may nagtext at nagtanong kung pwede daw ako right at that moment. mabuti na lang pala at hindi pa ako nakakabili ng ticket para sa "up" (oo yung may batang mataba at matandang malaki ang ilong, yung maraming balloons... in 3d!!!), pwede naman maghintay yun kinabukasan.

bumili ng oil, condom, lube, at robust (wala kasi talaga akong dala kahit ano), pagkatapos ay nagtaxi papunta ng ortigas kung saan nakatira si client. makalipas ang ilang minuto, dumating din ako sa bahay ni sir. sosyalin, kasi nasa isang posh village sya. pumunta sa sinabing unit at naghintay sa pinto. maya-maya pa ay bumukas ang pinto... at kinailangan ko pang kurutin ang sarili ko to make sure na hindi ako nananaginip.

hindi nga ako nakapanood ng up, pero nasa harapan ko ngayon ang isa sa mga main cast nito... si Mister Fredricksen, isang matandang malaki ang ilong!

"gandang gabi po sir"
"oy, pasok, upo ka muna"

umupo ako sa isang bakanteng sofa na katabi ng isang antigong chest. maraming antigo sa bahay ni sir (isa na sya dun!) pero napansin ko yung worktable sa gilid (na hindi antigo, thank god!). maraming libro si sir, maraming nakabukas, at patung-patong naman yung iba. napansin ko na iisang topic lang ang mga libro, at dun ko naconfirm kung ano ang trabaho ni Mister Fredricksen... lawyer!

kwento kwentuhan pa kami ng kaunti ng may sinabi sa akin si Mister Fredricksen.

"hindi ako ang iseservice mo ha, yung boyfriend ko. manonood lang ako."

nakahinga ako ng maluwag. hindi ko kasi ma-imagine kung paano ko iseservice si Mister Fredricksen. baka habang dinidilaan ko to eh bigla itong atakihin sa puso! hahaha!

pinaligo na ako ni sir para daw pagdating ng boyfriend nya ay ready na ako. naligo lang ako habang patingin-tingin sa paligid, baka sakaling makita ko yung talking dog or yung malaking ibon. pero wala. baka nakatago.

lumabas ako ng banyo at pinadiretso na ni sir sa kwarto. humiga lang daw ako dun at ilang minuto na lang daw ay darating na ang boyfriend nya. sumunod naman ako at humiga. wala pang isang minuto, narinig ko nang may kausap si Mister Fredricksen sa labas ng kwarto. baka iyon na yung boyfriend nya. tunog okay naman. tunog pogi. hanggang sa bumukas ang pinto.. at tama nga ang naging hinala ko... NASA LIVE TAPING NGA AKO NG UP!

pumasok sa pinto si Russell... ang matabang boyfriend ni Mister Fredricksen. ang pinagkaiba lang, yung tunay na Russell sa pelikula ay bata, cute, at masarap kurut-kurutin. pero itong pumasok sa pinto, yung pagiging mataba lang ang similarity nila!

wala nang take 2, wala nang atrasan. cornered na ako sa kama. tumabi sa akin si Russell at sinimulan akong halik-halikan, habang si Mister Fredricksen naman ay nakaupo sa isang bangko na para pang nanonood ng porn (ay, oo nga, sa bagay... porn talaga pinapanood nya... live pa!). tuloy-tuloy lang ang pagromansa sa akin ni Russell at gumaganti naman ako ng kinagat nya ang tenga ko. yun pala, may ibubulong sya.

"sumakay ka na lang ha, ganito talaga gusto nya eh"

ahhhh... kung si Russell pala ang tatanungin, ayaw nya ng ganitong setup. siguro dahil ayaw nya sa mga bayarang lalaki, o mahal nya si Mister Fredricksen at sya lang ang gusto nyang makasex (everybody join me... awwwww... sweeeeeeet!).

"basta, kunyari na lang nag-e-enjoy tayo"

tuloy tuloy lang ang sex namin hanggang sa tumayo si Mister Fredricksen at lumapit. akala ko naman eh dito na nagtatapos ang role ko at silang dalawa na ang magnanaig (Up, adult version?) pero hindi pala. instead na maging main character, magiging director pala si attorney!

"dilaan mo yung nipple nya"
"jakulin mo sya"
"dilaan mo yung balls nya"

sunod sunod ang utos ni Mister Fredricksen, parang nag-uutos lang sa kasambahay. pero buti pa ang katulong, pwede sumagot ng "sandale lang pu ser," dito, hindi pwede. pag sinabi, sunod agad! so wala akong choice kundi dilaan yung nipple, jakulin si Russell, at dilaan yung balls. ilang minuto pa, iniabot sa akin ni Mister Fredricksen ang condom na binili ko.

"isuot mo, tapos fuck mo sya"

walang choice kundi sumunod, isinuot ko ang unang condom at nilagyan ng lube, at pumormang papasukin si Russell. pero nanlalaban si Russell, iniiiwas nya yung butas nya, halatang ayaw magpatira. dahil sa pag-iwas na yun, nawala ang tigas ng putotoy ko, at kinailangan kong hubarin ang condom.

"sir, ayaw po yata ni sir [Russell] eh"
"hindi yan, papayag yan!"

si Mister Fredricksen na ang nagsuot sa akin ng ikalawang condom at hinawakan nya ng mahigpit si Russell, pero talagang matigas si Russell. sinisikipan nya ang butas nya para hindi makapasok si junjun ko. matapos ang ilang attempts, lumambot na naman ang putotoy ko.

"putangina... dun ka na nga lang sa cr. wag ka munang lalabas hanggat hindi ko sinasabi ha." galit na sambit ni Mister Fredricksen.

tatanungin ko pa sana si sir... "are you in need of any assistance today, sir?" pero nagsimula na silang magchukchakan ni Russell kaya dumiretso ako na lang ako sa cr bitbit ang ikatlong condom. naghilamos, naligo, at naghintay. pinalobo ko ang ikatlong condom sa boredom (at tsaka para kumpleto na talaga ang setup ng up!) hanggang sa kumatok na si Mister Fredricksen.

"dun ka muna sa sala, hintayin mo na lang ako."

naghintay ako as instructed, habang paligid-ligid ang tingin sa buong sala nya, nagbabaka-sakali pa ring makita ko yung talking dog o yung malaking ibon. lumabas si Russell at umupo sa tabi ko.

"pasensya ka na ha."
"okay lang po yun sir"
"ewan ko ba dyan kay *toot*, lagi syang ganyan. mas gusto nya pang makita na nakikipag-sex ako sa iba kaysa yung kaming dalawa ang mag-sex"

bago pa ako maka-react sa sinabi nya, lumabas na si Mister Fredricksen mula sa banyo, mukhang hindi maganda ang ngiti. mas nakamukha nya si Charles Muntz. automatic na tumayo si Russell at pumasok sa kwarto.

"wala ka naman kwenta eh"
"ano po sir?" tanong ko, kunyari hindi ko narinig yung sinabi nya"
"wala... hindi mo man lang na-fuck yung boyfriend ko."
"ah... eh... pasensya na po sir" sagot ko na lang. ayoko naman kasing barahin si sir na nagmamasikip ang boyfriend nya kaya hindi ko maipasok ang titi ko. mahirap i-fuck ang taong ayaw magpa-fuck, diba? tsaka attorney yun, baka matalo lang ako sa diskusyonan, lalo pa't alam kong ayaw na ayaw magpapatalo ng mga attorney.

"eh pano yan? magkano ibabayad ko sayo?"
"sir, diba nasabi ko na po kung magkano?"
"oo nga, eh kaso, wala namang kwenta performance mo eh. eto o..."

sabay abot ng limangdaan, kulang ng 75 percent sa napagkasunduan naming presyo.

"sir, kulang po ito. 2k po yung rate ko."
"bakit kita bibigyan ng buo, eh hindi naman worth it yung performance mo?"
"pero sir.."
"oh, eto pa isangdaan, pangtaxi. lumabas ka na at itatawag na kita sa guard, kung hindi, pulis ang tatawagan ko. pwede kang makulong sa ginagawa mo."

natameme na ako. gusto ko na maiyak kasi mismong attorney na kung tutuusin eh dapat marunong tumingin ng pantay sa mga tao, sa kanya pa mismo manggagaling ang threat na ganito. wala na rin ako sa mood makipag-away dahil alam kong kahit anong kontra-apela pa ang gawin ko, wala ring mangyayari. nakita kong nakasilip si Russell mula sa pinto ng kwarto, at may lungkot sa mukha nya na nagsasabing "pasensya ka na." wala na akong magagawa...

lumabas ako ng bahay, nagtaxi pabalik ng gateway, at nanood ng up gamit ang limangdaan na binigay sa akin ni Mister Fredricksen. buti na lang at maganda yung pelikula. at least dito sa pelikula, mabait si Mister Fredricksen at cute si Russell, pero sa totoong buhay, hindi.

03 July 2011

mabilisan lang ulet

tagal ko na rin palang di nakapag-post, pasensya naman! ahahahahaha!!! been busy for the past week, and now i have to fight over a volcanic, gigantic, enticing-to-pop pimple in my left cheek! sabi ng mga kasama ko sa bahay, para daw akong nasuntok... and muntik ko na silang suntukin dahil sa comment na yun! nakakainis! namamaga mukha ko!

and parang nag-ra-writer's block ako! siguro kasi kulang ako sa tulog, o dahil sa dami ng lava na nasa mukha ko ngayon.