27 May 2016

FEATURE POST: Free, Anonymous, and Fast HIV Screening for AIDS Memorial & LGBT Pride


LoveYourself, Inc., the leading non-government organization on HIV awareness and testing in the country, will be holding its first free, anonymous, and fast HIV screening on May 29 at Victoria Court Malate in an effort to support the causes brought about by the Philippine International AIDS Candlelight Memorial 2016 and the LGBT Pride Month this May and June respectively.

Anchoring this HIV screening event on the military secrecy rule "What you see, what you hear, when you leave, leave it here," the organization named the event as LoveYourself Incognito to ensure utmost confidentiality and promptness of the procedure.

By being anonymous, LoveYourself will employ a system of client identification known as the Unique Identifier Code to distinguish a client without revealing its name, and to eliminate filling out of lengthy identification forms leading to reduced times and increased efficiency. Clients will then be subjected to “Rapid Test” which involves pricking a finger to get just two (2) drops of blood for screening. The entire procedure will not take more than 15 minutes inclusive of counseling on safer sex practices to lower the risk of HIV infection as well as an explanation on the results of the test.

As the event promises anonymity and speed, the organization earnestly calls all interested individuals to simply register at go.loveyourself.ph/incognito to avail of a slot. Then prospective clients will just need to arrive on the said screening date and venue between 10:00 a.m. -7:00 p.m.

“Through LoveYourself Incognito, we aim to encourage the untapped populations who are afraid to go out in the open and get screened,” said LoveYourself Executive Director Ronivinn G. Pagtakhan. He added that while the event focuses on the male population, the group also welcomes females and transgender friends to avail of the free HIV screening services.

The group also emphasizes its Tatak LoveYourself promise of service that is Iniingatan at Inaasikaso (being well-taken care of) by carefully considering the needs of individuals in affected populations who may be anxious or uncomfortable to avail of any sexually transmitted infections-related services.

Meanwhile, the group also assures the public of the same quality of services that they can avail in LoveYourself’s established testing clinics -LoveYourself Anglo along Shaw and LoveYourself Uni in Taft-Buendia.


LoveYourself Incognito is also in response to the alarming rise of HIV infections, in which the Department of Health reported 736 new cases in March 2016, wherein 97% of which were males. This is 10% higher than the 667 cases in the same period last year.

In the first quarter of 2016, an average of 25 Filipinos daily now get infected with the virus that when left untreated may severely weaken the immune system and lead to acquired immune deficiency syndrome or AIDS, a condition where the body is no longer able to fight off various diseases and infections.

For more details on Incognito and other LoveYourself’s services, individuals may visit the group’s official website at www.loveyourself.ph or follow and like its social media channels: Facebook- @loveyourself.ph, Twitter- @loveyourselfph, and Instagram- @loveyourself.ph.

24 May 2016

Jon Snow

hold the door.

someone's coming back.

did anyone miss me?

;-)

PS: baka may magtanong lang... nope, i'm not a GoT fan. pasensya.

20 February 2016

Hanggan[g]

ayoko sanang magpost tungkol dito, pero mukhang kailangan...

hanggang saan ang kaya pa? hanggang saan ang tama na? hanggang saan ang hanggan?

minsan yung alam mong pareho na lang kayong kumakapit at naghihintayan na lang kayo kung sino ang unang bibitaw, pero kapag may isa na sa inyo na nag-umpisang bumitaw, bigla naman kayong kakapit sa isa't isa, umaasa at aasa na magiging maayos pa kahit, mahirap man tanggapin, alam n'yong dalawa na mahirap na.

masakit na nakikita n'yo ang isa't isa na hindi masaya sa nangyayari. masakit na nakikita n'yo ang isa't isa na gusto ng pagbabago. pero mas masakit na nakikita n'yo ang isa't isa na hindi masaya sa piling ng isa't isa, pero alam n'yong hindi rin kayo masaya kapag hindi n'yo kapiling ang isa't isa.

hindi ako napanghihinaan ng loob. hindi nga ba? hindi ko rin alam.

patuloy pa rin akong umaasa na magiging maayos ang lahat. mahirap ibalik sa dati, pero kaya pang ayusin. kung gugustuhin, hindi lang ng isa, kundi ninyong dalawa.

sa ngayon, patuloy na lang muna akong kakapit. kakapit sa tiwalang magiging maayos pa ang lahat.

ayokong hintayin ang hangganan ng kaya pa. ayokong hintayin ang hangganan ng tama na. ayokong hintayin ang hangganan ng hanggan.

ayoko sana. pero mukhang kailangan...

19 January 2016

FEATURE POST: Having the Time of Your Life in a Fukuoka Getaway




The new year is rolling in and there’s a lot to look forward to.  For starters, there are several long weekends to plan getaways for.   The long Holy Week break right down to the April 9 Araw ng Kagitingan holidays are just perfect for a Fukuoka Getaway.  That’s about the time when the Cherry Blossom Festivals are held in the southernmost part of Japan.  Since there’s a new Cebu Pacific route straight to Fukuoka, there’s no need to travel from another city.  This early, you can already start planning and booking your travel arrangements to avoid the hassles of the peak season.  Doing so also gives you more time to save up and prepare all your travel needs.

Here are some tips to ensure that you will have the time of your life in your Fukuoka getaway:

* Plan your itinerary and activities – there are various tours available for exploring Fukuoka’s attractions.  Several parks and historic sites are home to thousands of Cherry Blossom trees.  Interspersed with strolls and picnics amidst the trees with their blooms en masse are activities that allow tourists to immerse themselves in the city’s rich culture.

Aside from the Fukuoka Castle Sakura Festival, tourists can visit other parks and enjoy day-long Hanami picnics.  Among the top Hanami sites are the Atago Shrine, the Nishi Park, the Higashi Hirao Park, and the Kameoka Park in Nagasaki.  The historic Ogi Park is also a great place to visit with its shrines and koi carp lake.  It’s also wonderful to view the Sakura trees after nightfall at Kumamoto Castle.

No vacation will be complete without shopping and dining, of course.  There are plenty of yatais or open air food stalls in Fukuoka where you can taste the flavors of Japan.  A must-try is Fukuoka’s tonkotsu ramen and yakitori.   At the shopping district, Tenjin, another recommended treat are the kinako and matcha Japanese cakes.  This Fukuoka downtown area has several department stores, specialty shops, and other commercial establishments.    

* Pack right – you want to have all the necessities when you travel to Japan.  Especially if you are going to be out enjoying the Sakura trees, you want to pack comfortable clothes.  It is generally warm during this season, but the nights can get quite cold and breezy.  Pack warm clothes to wear during the day time and bring a jacket or a scarf that you can use to cover up and get warm towards the late afternoon and evening.  If you are planning to have day-long Hanami picnics, you might want to bring along things to keep you and your vacation group entertained.  You can perhaps bring one of those “travel-sized” versions of popular game boards.  Or you can opt to bring a new book that you can read while listening to your favourite relaxing music.

* Check flight and tour schedules – if you want to catch the Sakura Festival in Fukuoka, you have to go towards the end of March.  As airline tickets could get expensive during the peak season, you want to take advantage of the cheaper rates by booking early.  Check out the tour and festival schedules and book your flight accordingly.  The timing could get quite tricky as the exact period when the Cherry Blossoms are in bloom cannot be predicted.  The Sakura Zensen forecasts from the Japanese Meteorogical Agency are fairly accurate.  Cebu Pacific’s flight schedules to Fukuoka are available at www.cebupacificair.com.

14 December 2015

FEATURE POST: Laser Tag is “Childish”? Think Again

posting this for a friend. :)

* * * * *

Laser Tag is “Childish”? Think Again

Many people think that playing laser tag is “childish”, and that it is no longer suitable for “grownups”, but is that really true? Do people really grow out of their childhood fantasies? Is it true that you can become “too old” for laser tag? Of course not. If you meet someone who tells you that you should stop playing this “kids’ game” then here are some of the things that you should say in return.

Laser tag helps relieve stress

What could be more therapeutic than making your childhood fantasies come to life? If you are a fan of Star Wars, Star Trek, or any other sci-fi show (if you aren’t then shame on you!) then you might have fantasized about taking part in a fierce laser-infused battle at least once in your life.

Even if you are an adult with responsibilities, it is actually quite refreshing to let go of your worries even for just a couple of hours and revert back to your childhood. Back to the times when things were simpler, and all you wanted to do was to blast away your enemies using a high-powered laser rifle. After a couple of rounds of laser tag with your mates, you will find that your mind is suddenly refreshed and ready to face all of the challenges that lie ahead of you.

You will get some much needed exercise

If your work requires you to sit in front of a computer screen all day then your muscles might soon deteriorate because of lack of activity. Of course, you can just hit the gym after office hours, but really, who has enough mental energy left to force themselves to work out after a tiring day? Not everyone can motivate themselves to change into their gym clothes and hop on the treadmill. However, you can usually make people become more active if you place a laser rifle in their hands and tell them to shoot anything that moves.

Although laser tag matches are just fifteen minutes each, the sheer amount of physical activities that you will be doing (running, ducking into corners, climbing stairs, etc.) will have you sweating more than you ever thought you could.

After just a couple rounds of brisk laser tag battles, you would get enough exercise to make you more energetic and much more focused than you were before. Even though you are just “playing”, you are also getting a good physical and mental workout.

So, if you are planning a birthday party, or any kind of event for that matter, you should seriously consider holding it in a laser tag arena. Grab your phone, get in touch with the nearest Laser Extreme laser tag arena, and let them show you how you can make your childhood fantasies come alive.

06 December 2015

The Big Three

ang astig ng setup kagabi dito sa compound kung saan kami nakatira ni Jack Frost. may birthday party. hindi lang isa, hindi rin dalawa, kundi tatlo! tatlong magkakaibang party na may kanya-kanyang handa, bisita, at paandar. yung isa, children's party complete with balloons and party hats. yung pangalawa naman, tatay yung may birthday, so mga manginginom ang bisita with matching videoke. tapos yung ikatlo, debut (pero wala namang cotillion). but since kabataan ang mga bisita, parang college party ang peg nila, with matching glowsticks and malalakas na speakers na puro trance at edm ang tugtog. at bilang hindi naman kalakihan yung common area nitong compound, royal rumble talaga ang kinalabasan! labu-labo na. for one night, naging instant Metrowalk ang compound namin. pero ang inaakala naming isang sure-fire recipe for a disaster... aba! it wasn't! actually, sobrang ang saya pa ng kinalabasan! medyo weird nga lang dun sa part na kumakanta ng "happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" yung mga bata sa children's party ay may sumasabay na "kabilin-bilinan ng lola, wag nang uminom ng serbesa, ito'y hindi inuming pambata, magsopdrinks ka na lang muna" sa videoke ng mga lasenggo at meron pang "tugs tugs tugs tugs ten ten tenen tenen ten tenen tugs tugs tugs tugs" sa party ng mga tinedyer. in short, it's Happy Birthday Song featuring The Teeth and David Guetta. astig!! natapos ang gabi ng mapayapa at matiwasay. masaya naman lahat. walang batang nalasing, walang tatay na nag-emo tungkol sa lovelife, at walang dalagang nag-tantrums.

ang galing no? alam n'yo kung bakit? kasi tatlo yung party. hindi dalawa. hindi rin apat. tatlo. at, sa maniwala kayo't sa hindi, may kakaibang kapangyarihan ang numerong iyon.

ayaw mong maniwala? halika, explain ko sa'yo basta open-minded ka. don't worry, hindi ito networking.

pag kukuha ka ng litrato, pwedeng tutok, pindot, tapos! pero ang  mga photographers, hindi basta ganun. sa photography kasi, may tinatawag na rule of thirds. iyon yung nagiging guide nila sa tamang framing ng subject na kinukunan nila. yun din ang magiging gabay para ma-achieve nila yung effect na gusto nila sa litrato. yung depth, drama, balance... yung mga yun, sa rule of thirds umiikot.

punta naman tayo sa storytelling. di ko alam kung may exact term ba for it, pero kung gusto mong mag-build ng climax sa kwento mo in an interesting way, rule of 3s din. gamitin natin yung Three Little Pigs as example. (oo, yung kwento ng tatlong baboy na walang mga magulang at wala rin namang mga trabaho pero afford nilang magpatayo ng tig-iisang bahay).imagine kung dalawa lang sila... ang boring ng kwento diba? walang thrill! ngayon, imagine mo naman kung apat sila... ang boring din nun kasi masyadong mahaba. sakto lang yung tatlo sila. kasi sa ganung paraan, nabibigyan ng sapat na tensyon yung kwento para lalong ma-excite ang mga mambabasa pero di mo naman pinapatay yung atensyon nila to the point na tatamarin na silang tapusin ang kwento.

sa sports din, malaking bahagi ang numer 3. halimbawa, sa baseball... 3 strikes and you're out. sa volleyball naman, hanggang tatlong beses lang dapat matamaan ng koponan n'yo ang bola bago mailipat sa kabilang team (maliban na lang kung iba-block mo... ikaw na ang magaling!). at para mas maintindihan mo kung gaano kalakas ang impact ng number 3 pagdating sa sports, maghanap ka ng taga-UST tapos kumustahin mo yung Game 3 ng UAAP men's basketball... ay, nako, tiyak, mararamdaman mo talaga yung malakas na impact. pwedeng sa ulo, sa pisngi, o sa sikmura.

marami pa akong pwedeng ibigay na example, pero ayoko nang ikwento kasi hindi ko masusunod ang rule of thirds. baka tamarin ka pang tapusin itong entry ko, or worse eh baka makatanggap pa ako ng malakas na impact sa ulo, sa pisngi, o sa sikmura.

pero, isipin mo... ang galing no? isang number lang s'ya, pero parang ang laki ng nagiging papel n'ya sa kung papaano nagiging balanse pero exciting at hindi boring ang buhay... nakaka-amaze.

three. tatlo. tres.

which reminds me...

tatlong tulog na lang mula ngayon, bertdey ko na. TATLONG TULOG!
maaabot ko na ang dulo ng kalendaryo sa loob ng tatlong araw. TATLONG ARAW!
in three days, i'm going to hit the big three-zero! THREE DAYS!

whoah! teka lang. tatlong araw? ang bilis lang nun. you can't even consider it as half-a-week. WAAAAHHHHH!!!

eh ano ngayon? malamang napapatanong kayo kung bakit masyado akong concerned about it. eto...

una... wala pa rin akong matinong trabaho at hindi ko pa masasabing "stable and steady" na ang buhay ko. lumaki ako sa turo ng mga nakatatanda sa akin, gaya ng mga magulang ko, mga naging guro ko, at ni Winnie Cordero, na kapag dumating ka na sa edad na trenta, dapat ay nakapagsimula ka nang magpundar para sa maayos at matiwasay na buhay. yung tipong may sarili ka nang bahay, kaunting assets, at ipon sa banko. ang 20s ay nakalaan para mag-eksperimento ka sa buhay, sumubok ng kung anu-ano, at pumalpak ng ilang ulit ng hindi napanghihinaan ng loob. and as ironic as it may sound, dito pa nga madalas nangyayari ang mid-life crisis. and it's okay. kasi sa ganung edad, hindi mo pa talaga alam kung paano ang takbo ng mundo dahil malamang sa malamang ay kakalabas mo lang mula sa ilang taong pagkakakulong sa eskwelahan. kaya normal lang na wala kang kasiguruhan sa mga ginagawa mo, na di mo alam ang gusto mong gawin, na wala kang matinong priorities in life. pero sapat na naman siguro ang sampung taon para maintindihan mo kung paano ba umiikot ang mundo at paano tumatakbo ang buhay. hindi naman yan derivative at integral calculus na keri lang kahit lumagpas ka sa 10 years. sapat na ang sampung taon ng kawalan ng direksyon para malaman mo kung saan ka pupunta. and once you reach 30, handa ka na para sa napili mong paglalakbay ng wala nang mga palusot na "checking my options" or "testing the waters" or "searching for myself." ang kaso, sa estado ko ngayon, hindi ko masasabing nakita ko na ang direksyon na tatahakin ko. ni hindi ko alam kung ano nga bang gusto kong gawin sa buhay. and, priorities? teka... mag-cr lang muna ako.pero, seryoso, malayong-malayo pa ako sa "stable and steady" na buhay na yun, at hindi sapat ang tatlong araw para makarating, o kahit makalapit man lang, ako doon.

pangalawa... dahil nga wala akong matinong trabaho, wala akong perang pwedeng gastusin para sa bertdey ko. oo na, mababaw na kung mababaw pero nakasanayan ko na kasi talaga na kapag mismong araw ng bertdey ko ay nagcecelebrate ako. dati nga week-long pa eh. di ko alam kung dahil ba yun sa galante ako, o dahil mayabang ako, o dahil talagang nararamdaman ko lang yung pagka-special nung araw kapag mayroong celebration. not necessarily party, pero yung tipong maggagala lang sa mall at kakain sa labas (na hindi jollibee, mcdo, or kfc) kasama ang mga mahal ko sa buhay, okay na sa akin yun. pero ngayong taon na ito, mukhang kahit sa karinderya ay hindi ko madadala ang pamilya ko. dahil wala akong kasiguruhan kung kailan ulit ako magkakapera, minabuti ko nang mamili ng mga ipangreregalo sa kanila sa pasko (isa pang tradisyon na nakasanayan ko na rin). hindi ko na inisip kung wala akong panggastos sa importanteng araw ng buhay ko, kasi mas hindi ko masisikmura na hindi ko mabigyan ng regalo ang pamilya ko sa importanteng araw ng buhay namin. alam ko naman na hindi sila magtatampo at maiintindihan naman nila kung hindi kami makakapaglaboy sa bertdey ko kagaya ng nakagawian na. pero ako... nalulungkot ako para sa sarili ko. nalulungkot ako na hindi ko magagawa sa kaarawan ko ang isang bagay na isang taon kong hinintay. oo, malaking bagay yun para sa akin. well, may tatlong araw pa naman ako... sana magawan ng paraan...

at ikatlo... naaalala ko na ipinangako ko sa sarili ko at sa blog na ito na once i reach 30, ito na ang katapusan ni BoyShiatsu. ito na ang tamang edad para tuluyan nang ilagay at ikandado sa cabinet ang baby oil, bimpo, at travel-size toiletry kit na ginagamit ko sa pagmamasahe. at kasabay na rin nito ang tuluyang pagsasara ng email address ko, twitter account ko, at ang blog account na ito. sabi ko sa sarili ko, hanggang 30 years old lang dapat ang yugtong ito ng buhay ko. dahil sa ganung edad ay mayroon na akong matinong trabaho para sa "stable and steady" na buhay. dahil sa ganung edad ay may sapat na pera na ako para matustusan ang mga pangangailangan at mga luho ko at ng pamilya ko. dahil sa ganung edad ay di ko na yata kakayaning magperform kagaya ng kung paano ako magperform nung kasagsagan ko sa kalakaran. pero, kagaya ng pangako ko sa sarili ko na maayos na buhay at pangako ko sa pamilya ko na masayang birthday celebration, isa rin ito sa mga pangakong hindi ko matutupad. kung tutuusin, malaki ang naitutulong sa akin ng kinikita ko sa pagpopokpok. pangsagot yun sa mga pang-araw-araw na gastusin. at napapagkasya ko naman yun hanggang sa makadiskarte ulit ako ng pera. at yung performance? kaya pa naman siguro. kakayanin. kailangang kayanin. pero sa totoo lang, alam ko sa sarili ko na kahit may matino na akong trabaho at sapat na pera, hindi ko pa rin bibitawan ang pagiging BoyShiatsu ko. bakit? kasi, ako na ito eh. bahagi na ito ng buhay ko at hindi ako ang kung sino ako ngayon kung hindi dahil sa pagiging BoyShiatsu ko. kapag ibinaon ko sa limot ang yugtong ito ng buhay ko, para ko na ring pinatay ang sarili ko. walang ako kung walang BoyShiatsu. at bagama't sa tingin ng karamihan ay hindi ito tama... wala akong pakialam. basta ang alam ko ay nabubuhay ako sa paraang gusto ko at ng walang inaapakang tao.

at ngayon... naisip ko... bakit nga ba ako nagpapaapekto sa kung anong idinidikta sa akin ng lipunan? wala namang batas na nagsasabi na kailangang may sarili ka nang bahay at may ipon ka sa banko sa edad na 30? bakit ko kailangang sumunod sa kung anong inaasahan sa akin ng mga nasa paligid ko kung alam ko naman na wala naman akong ginagawang ikasasama nila? eh ano naman kung hindi pa ako "stable and steady"? eh ano naman kung walang birthday celebration? eh ano naman kung ipagpatuloy ko ang pagiging BoyShiatsu kahit lagpas na sa 30? basta ang alam ko, nabubuhay ako sa paraan na alam ko, kaya ko, at gusto ko habang buong-buo pa rin ang pagmamahal ko sa mga mahal ko sa buhay, ang mga prinsipyong pinaniniwalaan ko, at ang tiwala sa sarili ko? for me, that's "living a life."

haha! ang galing no? ang inaakala kong sure-fire recipe for recipe for a disaster... aba! it wasn't! ang galing talaga ng number 3. may kakaibang power nga!

with that... uulitin ko...

tatlong tulog na lang mula ngayon, bertdey ko na. TATLONG TULOG!
maaabot ko na ang dulo ng kalendaryo sa loob ng tatlong araw. TATLONG ARAW!
in three days, i'm going to hit the big three-zero! THREE DAYS!

handang-handa na ako para sayo! matagal na pala akong handa. so, ano... bring it on, big three!

27 November 2015

Animersary

This sentence has exactly six words.
The same as this next line.
I woke up at six o'clock.
Still sleepy, but I am fine.
Oh, something is hard down there.
That meaty six-inch *toot* of mine!

letse! ang dami kong alam! hahaha! yan ang nagagawa ng nagigising ng maaga. yung wala sa nakasanayan. alas-sais, to be exact. ang mas nakakainis, yung kahit anong pilit kong bumalik sa pagkakahimbing, kahit anong pagsusumamo ko kay antok na dalawin ako ulit, kahit anong pakiusap ko kay Mr. Sandman na sunduin ako ulit, at kahit anong klaseng pagbibilang ko ng mga putanginang puting tupang tumatalon sa fence, eh di naman ako makatulog ulit! di ko naman maintindihan kung bakit "i'm alive, alert, awake, enthusiastic" na agad ang peg ng utak ko eh ka-aga-aga pa. aligaga. di mapakali. parang batang excited sa educational field trip sa factory ng coca-cola o sa planetarium (na di hamak na mas okay naman kaysa sa mga field trip ngayon na kung hindi sa enchanted kingdom ay sa star city!). the last time i checked, hindi na ako elementary student so wala akong scheduled field trip ngayon. kung meron man, malamang di din ako makakasama kasi wala akong permission slip na may pirma ng nanay ko. ah, basta alam ko, wala naman akong field trip o kahit anong scheduled appointment ng ganitong kaaga ngayong araw. mamayang tanghalian pa ang AlDub. sa isang araw pa kami manonood ng Popoy at Basha. almost two weeks to go pa bago ang bertdey ko. (naka-bold, italics, at underline pa yan for emphasis, para di n'yo makalimutan. ehem. hoverboard lang, masaya na ako, haha!). isang buwan pa bago magpasko, tapos additional six days pa after that bago magpalit ang taon. in short, walang okasyon. walang espesyal. walang ganap.

eh bakit ako excited? aba malay ko. basta, almost two weeks to go pa bago ang bertdey ko. (inulit ko lang. for emphasis.)

at dahil nga tila wala nang pag-asa na makatulog ulit ako, at kagaya nga ng nabanggit sa panimulang tula ko kanina (by the way, napansin n'yo ba yung tula? six lines. tapos six words per line. syet! talent!), kailangan kong palambutin ang tigas at palabasin ang galit ng naghuhumindig na ulong namumula at nag-iinit. hmmm... agad akong umupo sa harap ng computer at nagbukas ng browser. pinindot-pindot ko (ang keyboard) habang pinipisil ko (ang mouse) at hinihimas-himas ko (ang scroller sa mouse). ayan... di na mainit ang ulo (ko)...

pero di ko pa rin alam kung bakit ako excited. ah, ewan. basta, almost two weeks to go pa bago ang bertdey ko. (again, emphasis.)

tuloy-tuloy lang ako sa pagba-browse-browse at paglipat-lipat sa mga kung anu-anong social media sites tulad ng facebook, twitter, facebook, pinterest, facebook, instagram, facebook, pornhub, facebook, facebook, facebook, facebook... ng maisipan kong... teka nga... mabisita nga ang blog ko.

boyshiatsu.blogspot.com

basa... tawa... basa... inalala... basa... baba... basa... halakhak... basa... victor... basa... kala... basa... hindi tuyo... basa...

read... laugh... read... reminisce... read.... scroll... read... hahaha... read... james... read... gren... blo... yilu... penk...

PRENO!

tama ba yung nakita ko?

scroll up ng kaunti para balikan ang title ng kasalukuyang entry na binabasa ko...

Ten Percent Golden Anniversary
27 November 2014

sabay tingin sa kalendaryong galing sa Mercury Drug na nakasabit sa dingding...

ang daming number. tsaka discount coupons. tsaka pictures ng Babyflo products.

kaya chineck ko na lang ang date sa computer...

27 November 2015!!

kaya naman pala ako excited! sixth year anniversary ng BoyShiatsu! wow, fantastic baybeh!

aba'y akalain mo, anim na taon na pala akong nagdadadakdak at nagkukukuwento ng mga kung anu-anong karanasan, kamalasan, karahasan, kapangahasan, at iba pang ka-a-a-san dito sa blog! di nga lang ako sigurado kung may nagbabasa pa ba sa mga isinusulat ko, pero wapakels! anim na taon, mehn. six years! parang college life na yun nung kapitbahay ko dati (ang dami n'ya kasing ibinagsak na subjects, kaya ayun, nadagdagan ng dalawa yung dapat 4 years lang). six years! halos kasingtagal ng pag-ere ng original na Mara Clara sa tv. six years!

sobrang natuwa ako ng mag-sink-in sa akin na anim na taon na pala akong nagbabahagi ng buhay ko bilang isang, ehem, "service provider" sa internet. parang kailan lang ay di ako makapaniwala na nagsusulat ako ng entry tungkol sa ikalimang taon ng blog ko. tapos eto, i'm writing about the sixth year na! ang sarap sa pakiramdam. nakaka-proud. pero agad ding nawala ang sense of achievement kong iyon at napalitan ng pagka-asar ng may marealize ako...

mula sa 5th year anniversary entry ko hanggang sa ngayon, naka-apat na entries lang pala ako. apat! potcha! hindi man lang naging anim, para one for each year sana. apat. four. bwiset.

and to make it more ironic, isa lang sa apat na entries na ito ang may kinalaman talaga sa pagiging masahista ko! yung isa, theater play review. yung dalawa, tungkol sa lovelife. pure english pa yung isa. anak ng potato chips!

nagkaroon ako ng pagkakataon na makapanood ng isang magandang palabas last week: Tangahalang Ateneo's "Rite of Passage: Sa Pagtubu Kang Tahud." sa text pa lang, halata nang matalino si Sir Denny. and yet, here i am again. now i get it.

o, nalito ka ano? walang sense yan. pinagsama-sama ko lang yung first sentences ng bawat isa dun sa apat na entries ko from last year to this year. apat. four. bwiset.

pero, bakit ka ba! wala namang masama dun diba? kung ang ASAP nga nagrereformat at lumalayo sa original concept nila eh, blog pa kaya! tsaka, kwento ko pa rin naman yun ah. at least, buhay pa rin ang blog ko, kahit parang nagbubuntung-hininga na, hehehe...

napakarami ko nang dahilan na ibinigay dati kung bakit di ako madalas at consistent na nakakapagsulat. kesyo busy. kesyo walang access sa internet o sa computer. kesyo maraming ginagawa. kesyo writer's block. kesyo tinatamad. kesyo abala ako sa paggagantsilyo. at marami pang iba. at kadalasang kasunod ng mga dahilan na yan ay samu't saring pangako. daig ko pa ang kandidato sa pagka-pangulo sa dami ng pangako. may nalalaman pa akong cross my heart, hope to die, save, double save, do not erase, lock, double lock, double double lock. pero wala rin naman. buti na lang never akong nangako na magpapasagasa ako sa tren, hehehe...

ngayon, wala akong ipapaliwanag na dahilan. wala din akong bibitiwang pangako. ni hindi ako hihingi ng tawad. isa lang ang gusto kong sabihin...

salamat.

salamat kasi kahit di na ako regular na nakakapagsulat ay may mga sumusubaybay pa rin sa mga kwento ko. yung iba nga, nangungulit pa kung kailan daw ba ang susunod na entry. nakakatuwa, kasi hindi kayo nagsasawa na mag-abang sa mga kwento ko kahit ako mismo ay walang maibigay na kasiguruhan kung kailan ba yun.

salamat kasi kahit di niyo naman ako kilala ng personal ay pinaglalaanan n'yo ng oras ang pagbabasa ng mga kwento ko. pinapakinggan n'yo ang mga sinasabi ko, taliwas man sa personal ninyong paniniwala kung minsan. pinapatuloy n'yo ako sa inyong kalooban para sa ilang minutong chikahan at kulitan. nakikitawa kayo sa mga kalokohan ko, nakikiiyak sa mga paghihirap ko, nakikiisa sa mga ipinaglalaban ko, at umuunawa sa mga kapalpakan ko.

salamat kasi nandiyan kayo, kung ilan man kayo, para sumuporta sa pagtupad ko sa simpleng pangarap ko na makapagbahagi ng kwento at makapagpasaya sa sinumang magbabasa nito.

salamat sa kung sino man ang magbibigay ng hoverboard sa akin bilang bertdey gift kahit almost two weeks to go pa bago ang bertdey ko. (emphasis)

salamat sa mga nagtetext, tumatawag, nag-i-email, nagmemessage, nagcocomment, nagti-tweet, nagtetelegrama, nagpe-page, at nagpapadala ng mga kuwagong may nakataling parchment paper sa paa para mangumusta, mag-inquire, at makipagkwentuhan.

salamat. showbiz na kung showbiz, pero kung hindi dahil sa inyo, wala si BoyShiatsu. salamat sa anim na taon. di ko alam kung hanggang kailan pa, pero ayoko na munang isipin yun. basta tuloy-tuloy lang to kung saan man tayo abutin. sa ngayon, at para sa nakalipas na anim na taon, isang malaking salamat.

ay... dapat pala malaki...

SALAMAT!!!

(bold, italics, and underlined ulit for emphasis, parang bertdey lang, hehehe...)

grabe, anim na taon na agad.  ibang klase talaga ang panahon no, parang career lang ni Pastillas Girl... ang bilis lumipas! hahaha! anyway, dahil sinimulan ko sa isang tula, tatapusin ko rin sa isang tula. consistency, ika nga.

sa bawat kwentuhan, luha, at halakhak
sa inyong lahat, isang malaking pasasalamat
anim na salita sa isang pangungusap
kagaya sa unang tula ang format
teka, nauubusan na ako ng salita
ummm... ahhh... yeah... ooohhh... wehh... PAK!!!


hahaha... o s'ya, hanggang sa susunod na kwentuhan. manonood na ako ng tv, Spogify na.

* * * * *

EDIT: matapos kong i-check ang kauna-unahang entry ko, nalaman kong hindi pala November 27 bagkus ay November 20 pala ang date ng introduction ko, at November 21 naman ang pinaka-unang kwento... eh ano naman? wapakels! basta ang mahalaga, anim na taon na. and almost two weeks to go pa bago ang bertdey ko. (huling reminder lang, baka magkalimutan)

17 October 2015

Now I Get It

now i get it.

because relationships are not always fun and joyful. sometimes, you will be caught off guard and things suddenly go out of hand that you cannot afford to smile anymore not because you don't want to but because you must not. there are times that both of you have to pause, step back, look at the bigger picture, and analyze the whole situation. because sometimes, you have to be a few steps away from each other to be closer together. and on that moment, when you are looking at your relationship at a different angle, minus the glitter and gold, minus the cheesy music and funny faces, minus the flying butterflies and colorful rainbows, you might be surprised with what's left. sometimes, even if things look pretty and ideal on the outside, there might be a big mess lying underneath the surface, weakening the core like a termite slowly eating the insides of a wooden foundation.

and that's where the ugly part starts. you both start blurting out questions, shouting at one another or whispering to yourselves. fingers are pointed and harsh words (and sometimes, random things like ash trays or mobile phones) are thrown in the air, yet you try to dodge them as you wash you hands clean. the blame game begins. the tension ignites a spark. emotions start to fire up. and it goes on and on and on until you both stop, exhausted and hurt, when you realize that you don't even know what you're fighting about or, worse, what you're fighting for.

silence follows. long and loud silence. dragging. deafening. disturbing. tiring. you both blankly look at different directions, breathing heavily and uncomfortably, as you start questioning and doubting everything and nothing about you, him, and you and him. and then you ask yourself... i love him, but is this still worth it?

now i get it.

because love is an emotion. it makes you smile from ear to ear, float in the air, or pee in your pants. yet it also makes you cry under the rain, scream like a warrior, or shiver like a little girl who sees a ghost. it tickles you. it entices you. it teases you. it scares you. it's an exciting and thrilling roller coaster of feelings. and when you feel that you love someone, then you go on a relationship. because a relationship is about love. and love is an emotion.

people say that a good relationship is all about that feeling of happiness, contentment, and completeness. and if that feeling is gone, it's the end of the line. if you feel unhappy, un-contented, and incomplete, it's time to leave and let go. or is it? there are times that you would just like to wave the white flag and give up. it may be hard, it will be hard, but it must be done. when things seem to already fall apart, it might be best, it will be best, to walk away and part ways. it's for the better, they say, for both of you. but then, just the simple thought of losing him...i just can't. and i won't. because i can't. because i love him.

now i get it.

because love is a decision. it is a commitment filled with tasks that you need to accomplish. it trains you to do a lot of things that you never thought you can do. it makes you think of situations, analyze pros and cons, and come up with feasible solutions. it pushes you out of your comfort zone until you're already comfortable with it. it puts you to a never-ending cycle of assessment, adjustments, and applications. it is like a job contract, bound with terms and conditions, that requires you to be effective, efficient, alert, and reliable yet not boring and insensitive. it prides you with achievements, yet it crushes your pride when you do something wrong. and when you think you have everything under control, it challenges you further more. and then you improve and you grow. and it all starts and ends when you decide to go on a relationship with someone. because a relationship is about love. and love is a decision.

admitting that there is something wrong in a relationship is never easy. once agreed , you then start to identify what these mistakes are. and the worse part is accepting that you did these mistakes, whether you intended it or not. it's like a bitter pill that you need to swallow.  it may be hard, it will be hard, but it must be done. and then you strategize, plan your course of action, and hope that things will be better. maybe that's the reason why people use the term "make it work" when talking about relationships... it does feel like one. sometimes you may just want to quit. but then, just the simple thought of losing him...i just can't. and i won't. because i can't. because i love him.

now i get it.

because a relationship is about love. and love is an emotion. and love is a decision. they are always together. when you feel that the excitement is gone, you decide on what to do. and once a decision is made, things start to get exciting.

06 October 2015

And Yet/So, Here I Am Again

and yet, here i am again.
just when i have promised to myself that it's not gonna go this way anymore.
and yet, here i am again.
after all the efforts done and adjustments made to keep things the way i want it to be.
and yet, here i am again.

picking up the pieces scattered on the floor
cleaning the awful mess that i never saw coming
disappointingly talking to myself
going in circles and wondering

what have i done?
where did  things go wrong?
when will i ever manage?

and yet, here i am again.
left with many choices and no choice

oh well, i better start moving...



yan ang tumatakbo sa utak ko habang nakatingin sa paligid ng kwarto naming sobrang kalat. paulit-ulit na lang kasi eh. lilinisin, aayusin, ire-rearrange ang mga gamit, lalagyan ng kung anu-anong design ang pader, mag-se-set ng mga rules like "dito ang sabitan ng susi," "bawal magyosi sa computer table," at "ilagay sa ilalim ng kama ang sapatos pagkatapos hubarin". pagkatapos ng dibdibang pag-o-overhaul ng kwarto, bibili ng sisig at calamares at papartneran ito ng super lamig na softdrinks or juice para sa pananghalian. liligpitin ang pinagkainan, hihiga sa kama, at tititigan lang ang resulta ng buong umaga naming pagpapagod. mapapangiti dahil ang lakas na naman maka-page ng good housekeeping magazine ang kwarto, hanggang sa makatulog. pero magugulat na lang kami na pagkalipas ng ilang araw ay mukha na namang binagyo at dinaanan ng ipu-ipo ang love nest namin. alam mo yung tipong hindi man lang gradual. yung biglaan lang talaga. ganun. ayun.

naka-repeat mode. paulit-ulit. same old same old just like a never-ending merry-go-round. sabi nga ng Sugababes. round round baby round round. sabi naman ni Sarah Geronimo, ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang. tapos sabi ng Sheppard, say Geronimo, say Geronimo! but, nope, i'm not complaining. ang saya nga eh! ramdam na ramdam ko yung pagiging domesticated ko. daster at hair rollers na lang ang kulang, nanay na nanay na ang peg ko. and, surprisingly, i'm loving it! hahaha!

matagal-tagal na rin kaming live-in (wheeee!!! kinikilig ako everytime i say this word, hee hee!) ni Jack Frost. sa loob ng matagal-tagal na panahon na yun, ang daming nangyaring changes and developments sa sarili ko. yung inaakala kong ako na kilala ko, hindi pa pala. yung mga bagay na akala ko eh hindi ko kayang gawin, magagawa ko pala. mula sa pagiging gimikero, naging home bud ako. marunong pala akong mag-budget ng pera at oras. kaya ko palang magsalansan at mag-ayos ng damit sa cabinet depende sa kung ito ay pambahay, panlabas, o pangtrabaho, at depende pa yan kung madalas ba gamitin o hindi. pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako marunong magluto! darating din tayo d'yan. para saan pa't sobrang tinutukan at sinubaybayan ko ang Mastercher Australia kung di ko rin magagamit yung mga napanood ko diba? badtrip nga lang, talo si Reynold. ang pogi pa naman n'ya, hehehe...

pero di maiiwasan na sa kabila ng pagmamature kong ito (kung yun nga ang tamang word for that) ay may mga bagay-bagay rin akong namimiss. yung mga bagay na tipong pang Xerex Xaviera. may mga pagkakataon na iniisip ko na sana, pwede ko pa ulit gawin yung *insert an activity here* at tsaka yung *insert another activity here*. pero agad-agad ko ring mare-realize na hindi na pwede.

una, masyado na (yata) akong matanda para sa mga ganoong kalokohan. eto, honestly, hindi ko matanggap. ang sakit kaya sa pakiramdam kapag may kinakausap kang mas bata sa'yo, tapos kapag nagsimula ka nang magdadaldal ng tungkol sa family computer, pacman, super mario, piko, syato, tumbang preso, monkey monkey annabelle, ghost fighter, julio at julia, fushigi yuugi, sarah ang munting prinsesa, cedie, ang tv, sang linggo na po sila, 101.9 radio romance, campus radio 97.1 wlsfm, joe d mango, macarena, lick it, choo choo train, at ang hindi malilimutang magandang samahan ng cassette tape at mongol (kung gets mo to, astig ka!). isama na rin natin si Xerex Xaviera. basta yung kapag nagsimula ka nang magkwento ng pop culture, mapapatitig lang sila sayo at magtatanong... "ha? ano yan?" syet! ang sakit!

and pangalawa, syempre, is committed na rin ako. ang pangit nga naman kung magbubuhay binata at pakawala pa rin ako kahit na may ka-live-in na ako (wheeee!! kilig ulit!). ano na lang ang sasabihin ng mga tao diba? baka magulat na lang ako na bigla akong ipadakip isang araw, kaladkarin paakyat sa isang bundok, punitan ng damit, itali sa puno, at batuhin ng bato ng mga tao, mostly Republicans (hehehe...), habang sumisigaw ng "imoral ka, imoral ka!" hindi ko matatanggap yun. hindi ko matatanggap na pupunitin nila ang damit ko, ang hirap kaya plantsahin nun. wala naman akong issue na tawagin akong imoral. maliit na bagay.

kaya alam ko sa sarili ko na kahit gusto ko man gawin ulit ang mga bagay bagay na bad at bawal, hindi na rin pwede. tanggap ko yun, gusto ko yun actually. at kasama na dito ang pagiging masahista.

pero...

isang araw habang kumakain kami ni Jack Frost ng champorado (peborits namin to eh, yung nabibiling ready mix na, lalagyan mo lang ng tubig at asukal papakuluan mo na lang, presto! makes up to 5 bowls pa!) eh may nabanggit lang siya bigla.

JF: kailan last blog entry mo?
BS: um... february? bakit?
JF: bakit di ka magsulat ulit?
BS: hmmm... wala lang. tinatamad ako.
JF: magsulat ka. alam mo namang i'm your number one fan.
BS: ashushuss...
JF: oo nga. magsulat ka.
BS: sige na nga. mag-client, pwede ulit?
JF: bakit, kailan ba kita pinigilan?

napaka-supportive na asawa diba? hahahaha! and so, here i am again, blogging and writing. as for accepting clients... hmmm... mapag-uusapan yan! hahahaha!

03 February 2015

The Psycho

sa text pa lang, halata nang matalino si Sir Denny. tunog edukado. tunog diploma. buti na lang nasabayan ko (matalino rin kaya ako, wala nga lang diploma, hehehe...). at di lang sya basta matalino, may pagka-businessman pa yata. he knows what he wants.

SD: magkano service?
BS: *insert price here* po
SD: anong included?
BS: *insert service template here*
SD: sure yun?
BS: opo.
SD: i wanna edge you. do you know that?

patay tayo dyan! hinding-hindi ko nagustuhan ang idea ng edging kasi (1) hindi ko talaga kaya yun, and (2) lugi sa business.

teka, sa mga hindi nakakaalam kung ano ang edging, eto yung lalaruin ka ng lalaruin tapos kapag malapit na malapit ka nang labasan, biglang titigil saglit. tapos paulit-ulit lang hanggang sa hindi mo na talaga kayanin.

ayoko nun. masakit sa puson. tsaka, ibig sabihin mahabang time for extra. eh kaso may offer si Sir Denny.

BS: edging? naku! i haven't tried that and i don't think i can.
SD: bakit? mabilis ka labasan?
BS: di naman. masakit lang sa puson yun, feeling ko. ang hirap kayang magpigil.
SD: dagdagan ko bayad sayo. additional 500 for every 30 minutes.

enticing ang offer. magaling ang businessman. kaso, ayoko naman sumugal at mag-false promise tapos di ko madedeliver. pero, wala namang mawawala. so sige na.

BS: ok po. pero, basta sir, di ko pa talaga sya nasusubukan, so di ko po talaga alam kung makakaya ko.
SD: basta yun yung deal. after the massage, additional 500 for every 30 minutes na tatagal ka.
BS: ok po.

the date was set, he gave his address, and dumating na ang araw ng appointment. pagdating ko sa gate ng bahay ni Sir Denny, medyo hindi pleasant ang naging welcome nya sa akin.

SD: you look very stressed.
BS: medyo nahirapan lang sa byahe.
SD: and you look thinner.
BS: yup, i lost weight.
SD: naligo ka na ba?
BS: opo. pero i can shower naman ulit.

aba, at pinapaandaran talaga ako nito ha. mukha nga syang edukado, pero so far, yung treatment nya sa akin, parang walang pinag-aralan. dapat yata kasi may gmrc pa rin kahit college para di nakakalimutan ng mga estudyante ang kagandahang asal. pero, kahit hindi maganda ang tono ng panimula namin, buntong-hininga na lang ako. habang paakyat kami sa kwarto nya, bigla syang nag-impose ng rule. no cellphones. walang problema sa akin yun. pero mas nawindang na ako pagdating namin sa kwarto nya.

SD: can you empty your bag?
BS: po?
SD: empty your bag. i wanna make sure that there are no weapons or such.
BS: um... okay.

inilabas ko ang laman ng bag ko na kakaunti lang naman... wallet, coin purse, cellphone, baby oil, toothbrush, bimpo, and susi ng bahay na nakalagay sa isang key-shaped keychain.

BS: there! safe po! nothing harmful. *dinadaan ko na lang sa biro, pero napipikon na ako*
SD: well, yung keychain mo. with the right force, you can stab it in my chest and kill me.
BS: sir naman, di ko naman gagawin yun.
SD: ok. place your bag sa may door na lang.
BS: ok

habang naglalakad ako papunta sa pinto, nag-start ng conversation topic si Sir Denny na medyo favorable at light sa akin.

SD: i've read some of your entries. nice blog ha.
BS: salamat po.
SD: yung sinabi mo sa isang entry mo na youngest client mo, ilang taon nga?
BS: 17 po.
SD: when was this?
BS: um, a few years ago. why?
SD: that can actually fall as rape. and rape is not a crime against a person. it's a crime against the republic.
BS: i'm sorry?
SD: meaning, hindi lang yung taong ni-rape ang pwedeng magsampa ng kaso. anyone who has knowledge to the crime can file a case against you.
BS: um...
SD: so, if i want, i can actually arrest you now, call the police, and have you jailed.
BS: oh! hahahaha!
SD: seriously.

sa puntong yun, di ko na alam kung ano ang dapat kong reaksyon at kung anong dapat kong gawin. here i am stuck in the room of a person who mocked me, prevented me from using my phone, accused me of possibly stabbing him, and is now threatening to have me jailed. tangina! anong nangyayari? anong topak nitong mamang ito?

napansin yata ni Sir Denny na hindi na ako komportable kaya binasag nya ang mood.

SD: anyway, how do we start?
BS: ah, eh... massage po muna tapos extra na. mag-shower lang po ako.
SD: di na. ok na yan. so pano?

pinapwesto ko si Sir Denny at sinimulan ang masahe when i noticed something... his phone is right beside us. hindi sana ako maba-bother kung hindi sya text ng text, making me a lot more nervous. tapos, he made a phone call pa and spoke to someone in chinese. di ko na alam ang nangyayari pero pinipilit ko na lang na wag pansinin. sa kalagitnaan ng masahe, nagtanong sya.

SD: i noticed that you blog in tagalog, but it seems that you're fluent in english. what do you use to converse to people?
BS: tagalog.
SD: ahhh... mas ninanais mo palang makipagtalastasan sa wikang tagalog. ngunit hindi ka ba nahihirapan?
BS: syempre hindi naman ganyang tagalog.
SD: sabi mo tagalog? ano ba talaga?
BS: conversational tagalog. taglish
SD: so not tagalog?
BS: taglish. magkahalong tagalog at english. kung anong comfortable, yun.
SD: um... okay... whatever.

talagang nababadtrip na ako sa nangyayari. kung di lang maganda yung offer nya na additional 500 for every 30 minutes after the massage, talagang mamadaliin ko na to. pagkatapos ng masahe, nakita kong libog na si Sir Denny, pero dinahan-dahan ko ang extra. as slow as possible. enjoy na enjoy naman ang mokong. hanggang sa sumabog na sya. time check... 45 minutes! ayus! may 500 nang additional.

SD: wow! that was good.
BS: hehehe...
SD: okay, pwesto ka dun sa may chair sa may computer. i'll get my timer so we can start timing you for the edging.

TEKA TEKA TEKA!!! akala ko ba 500 per 30 minutes AFTER THE MASSAGE? anong kalokohan to? pero, hindi na ako nagreklamo. baka kung ano pang gawin sakin nito. umupo na lang ako sa itinuro nyang upuan. at, hindi nagbibiro si Sir Denny. meron nga syang timer!

SD: ayan. start na tayo ha.
BS: ok.

sinimulan ni Sir Denny na laruin si junjun ko. pero hindi ko talaga alam kung anong bang trip sa buhay nitong loko-lokong to. habang nilalaro ang putotoy ko, bigla syang nagtanong.

SD: so, do you like watching telenovelas?

WHAT?!?! SERIOUSLY?!?! TATANUNGIN MO AKO TUNGKOL SA TELENOVELA HABANG NAGPAPATIGAS AKO?!?! pero kaysa magalit, i simply said "no" na lang and continued with my business (tumigil na kasi sya sa pag-play, he's just watching me.)

and that was just the beginning! from time to time, he will call someone on the phone, then he will ask me random questions like "nakapag-travel ka na ba outside the country?" or "who's your favorite actor?" and even "what did you have for dinner?"... ALL WHILE I WAS TRYING TO MAKE MYSELF HARD!

putangina! hindi na nga sya tumutulong, nambabasag pa sya. okay, siguro fault ko rin na hindi ko mapatigas in a snap ang junjun ko. hindi kasi ako teenager na madampian lang ng kamay, matigas na agad. and, come on, seriously... WHY ALL THESE QUESTIONS AT THIS TIME?!?!

alam ko sa sarili ko na wala na ako sa mood, na mahihirapan na talaga akong tumigas.but i'm still trying. tumingin si Sir Denny sa timer.

SD: oh, lagpas 30 minutes na ha. akala ko ba di mo kaya?
BS: ah...
SD: sa bagay, eh ni hindi ka nga tumitigas eh. how will i even edge you.
BS: saglit lang, i'm gonna get there na *trying to redeem myself*
SD: no, hindi na titigas yan
BS: kaya yan
SD: hindi na. lambot kaya oh.
BS: wait ka lang.
SD: hindi na titigas yan. wala nang pag-asa. useless.

at that moment, medyo nag-snap na ako.

BS: ok, if you say so. then what?
SD: anong what?
BS: anong gusto mong gawin ko?
SD: ewan ko sayo. how will i edge you, you're not even hard.
BS: kaya nga nagpapatigas diba?
SD: hindi na nga titigas yan.
BS: ok, then what? stop na?
SD: haaaayyy... waste of time.

that's it. i took it as a sign na to end this bullshit. nagbihis na ako at nagprepare when i noticed na nakatitig lang sya sa akin.

BS: bakit po?
SD: you're pretty tall.
BS: ah, hehehe...
SD: pero i think i can pin you down.
BS: whoah!

kinuha ko na agad yung bag ko at sa pinto na naghintay habang nagbibihis sya, constantly checking on me.

SD: no phones.
BS: yup.

after magbihis, iniabot nya sa akin ang bayad (hindi ko na binilang, basta ko na lang ibinulsa). ipinakita kong medyo nagmamadali ako dahil gusto ko na talagang makalabas sa lugar na yun.

SD: o, bakit parang nagmamadai ka?
BS: medyo late na rin kasi. may appointment pa ako bukas.
SD: ahhh...

i offered a handshake and agad na lumabas ng gate, naglakad ng mabilis palayo, at hindi na nagtangkang lumingon. basta ang alam ko, sobrang kabado ako dahil baka sinusundan na pala ako ng psycho na yun na may bitbit na itak or baril.

nasobrahan yata sa aral si Si Denny, nagkasaltik na. mabuti na lang palang sakto lang ako sa aral, at least marunong akong makipag-ugnayan ng maayos sa mga tao.