20 February 2016

Hanggan[g]

ayoko sanang magpost tungkol dito, pero mukhang kailangan...

hanggang saan ang kaya pa? hanggang saan ang tama na? hanggang saan ang hanggan?

minsan yung alam mong pareho na lang kayong kumakapit at naghihintayan na lang kayo kung sino ang unang bibitaw, pero kapag may isa na sa inyo na nag-umpisang bumitaw, bigla naman kayong kakapit sa isa't isa, umaasa at aasa na magiging maayos pa kahit, mahirap man tanggapin, alam n'yong dalawa na mahirap na.

masakit na nakikita n'yo ang isa't isa na hindi masaya sa nangyayari. masakit na nakikita n'yo ang isa't isa na gusto ng pagbabago. pero mas masakit na nakikita n'yo ang isa't isa na hindi masaya sa piling ng isa't isa, pero alam n'yong hindi rin kayo masaya kapag hindi n'yo kapiling ang isa't isa.

hindi ako napanghihinaan ng loob. hindi nga ba? hindi ko rin alam.

patuloy pa rin akong umaasa na magiging maayos ang lahat. mahirap ibalik sa dati, pero kaya pang ayusin. kung gugustuhin, hindi lang ng isa, kundi ninyong dalawa.

sa ngayon, patuloy na lang muna akong kakapit. kakapit sa tiwalang magiging maayos pa ang lahat.

ayokong hintayin ang hangganan ng kaya pa. ayokong hintayin ang hangganan ng tama na. ayokong hintayin ang hangganan ng hanggan.

ayoko sana. pero mukhang kailangan...

4 comments:

  1. Hnaggang sa gusto ilaban, kapit lang.
    Kahit gusto mang bumitaw, kung ang isa ay handang akayin laban pa.

    ReplyDelete
  2. kaya yan. tiwala lang. sa kanya. sa sarili. sa inyong dalawa.

    ReplyDelete
  3. There's a fine line between what we want and what we need. Oftentimes, we think it's what we need when in fact, it's just what we want and what we actually need is exactly the opposite. Parang pati ako naguluhan dun sa sinulat ko. LOL

    ReplyDelete
  4. Pwede magpa home service? Any contact #? Thanks..

    ReplyDelete