and yet, here i am again.
just when i have promised to myself that it's not gonna go this way anymore.
and yet, here i am again.
after all the efforts done and adjustments made to keep things the way i want it to be.
and yet, here i am again.
picking up the pieces scattered on the floor
cleaning the awful mess that i never saw coming
disappointingly talking to myself
going in circles and wondering
what have i done?
where did things go wrong?
when will i ever manage?
and yet, here i am again.
left with many choices and no choice
oh well, i better start moving...
yan ang tumatakbo sa utak ko habang nakatingin sa paligid ng kwarto naming sobrang kalat. paulit-ulit na lang kasi eh. lilinisin, aayusin, ire-rearrange ang mga gamit, lalagyan ng kung anu-anong design ang pader, mag-se-set ng mga rules like "dito ang sabitan ng susi," "bawal magyosi sa computer table," at "ilagay sa ilalim ng kama ang sapatos pagkatapos hubarin". pagkatapos ng dibdibang pag-o-overhaul ng kwarto, bibili ng sisig at calamares at papartneran ito ng super lamig na softdrinks or juice para sa pananghalian. liligpitin ang pinagkainan, hihiga sa kama, at tititigan lang ang resulta ng buong umaga naming pagpapagod. mapapangiti dahil ang lakas na naman maka-page ng good housekeeping magazine ang kwarto, hanggang sa makatulog. pero magugulat na lang kami na pagkalipas ng ilang araw ay mukha na namang binagyo at dinaanan ng ipu-ipo ang love nest namin. alam mo yung tipong hindi man lang gradual. yung biglaan lang talaga. ganun. ayun.
naka-repeat mode. paulit-ulit. same old same old just like a never-ending merry-go-round. sabi nga ng Sugababes. round round baby round round. sabi naman ni Sarah Geronimo, ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot lang. tapos sabi ng Sheppard, say Geronimo, say Geronimo! but, nope, i'm not complaining. ang saya nga eh! ramdam na ramdam ko yung pagiging domesticated ko. daster at hair rollers na lang ang kulang, nanay na nanay na ang peg ko. and, surprisingly, i'm loving it! hahaha!
matagal-tagal na rin kaming live-in (wheeee!!! kinikilig ako everytime i say this word, hee hee!) ni Jack Frost. sa loob ng matagal-tagal na panahon na yun, ang daming nangyaring changes and developments sa sarili ko. yung inaakala kong ako na kilala ko, hindi pa pala. yung mga bagay na akala ko eh hindi ko kayang gawin, magagawa ko pala. mula sa pagiging gimikero, naging home bud ako. marunong pala akong mag-budget ng pera at oras. kaya ko palang magsalansan at mag-ayos ng damit sa cabinet depende sa kung ito ay pambahay, panlabas, o pangtrabaho, at depende pa yan kung madalas ba gamitin o hindi. pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako marunong magluto! darating din tayo d'yan. para saan pa't sobrang tinutukan at sinubaybayan ko ang Mastercher Australia kung di ko rin magagamit yung mga napanood ko diba? badtrip nga lang, talo si Reynold. ang pogi pa naman n'ya, hehehe...
pero di maiiwasan na sa kabila ng pagmamature kong ito (kung yun nga ang tamang word for that) ay may mga bagay-bagay rin akong namimiss. yung mga bagay na tipong pang Xerex Xaviera. may mga pagkakataon na iniisip ko na sana, pwede ko pa ulit gawin yung *insert an activity here* at tsaka yung *insert another activity here*. pero agad-agad ko ring mare-realize na hindi na pwede.
una, masyado na (yata) akong matanda para sa mga ganoong kalokohan. eto, honestly, hindi ko matanggap. ang sakit kaya sa pakiramdam kapag may kinakausap kang mas bata sa'yo, tapos kapag nagsimula ka nang magdadaldal ng tungkol sa family computer, pacman, super mario, piko, syato, tumbang preso, monkey monkey annabelle, ghost fighter, julio at julia, fushigi yuugi, sarah ang munting prinsesa, cedie, ang tv, sang linggo na po sila, 101.9 radio romance, campus radio 97.1 wlsfm, joe d mango, macarena, lick it, choo choo train, at ang hindi malilimutang magandang samahan ng cassette tape at mongol (kung gets mo to, astig ka!). isama na rin natin si Xerex Xaviera. basta yung kapag nagsimula ka nang magkwento ng pop culture, mapapatitig lang sila sayo at magtatanong... "ha? ano yan?" syet! ang sakit!
and pangalawa, syempre, is committed na rin ako. ang pangit nga naman kung magbubuhay binata at pakawala pa rin ako kahit na may ka-live-in na ako (wheeee!! kilig ulit!). ano na lang ang sasabihin ng mga tao diba? baka magulat na lang ako na bigla akong ipadakip isang araw, kaladkarin paakyat sa isang bundok, punitan ng damit, itali sa puno, at batuhin ng bato ng mga tao, mostly Republicans (hehehe...), habang sumisigaw ng "imoral ka, imoral ka!" hindi ko matatanggap yun. hindi ko matatanggap na pupunitin nila ang damit ko, ang hirap kaya plantsahin nun. wala naman akong issue na tawagin akong imoral. maliit na bagay.
kaya alam ko sa sarili ko na kahit gusto ko man gawin ulit ang mga bagay bagay na bad at bawal, hindi na rin pwede. tanggap ko yun, gusto ko yun actually. at kasama na dito ang pagiging masahista.
pero...
isang araw habang kumakain kami ni Jack Frost ng champorado (peborits namin to eh, yung nabibiling ready mix na, lalagyan mo lang ng tubig at asukal papakuluan mo na lang, presto! makes up to 5 bowls pa!) eh may nabanggit lang siya bigla.
JF: kailan last blog entry mo?
BS: um... february? bakit?
JF: bakit di ka magsulat ulit?
BS: hmmm... wala lang. tinatamad ako.
JF: magsulat ka. alam mo namang i'm your number one fan.
BS: ashushuss...
JF: oo nga. magsulat ka.
BS: sige na nga. mag-client, pwede ulit?
JF: bakit, kailan ba kita pinigilan?
napaka-supportive na asawa diba? hahahaha! and so, here i am again, blogging and writing. as for accepting clients... hmmm... mapag-uusapan yan! hahahaha!
congrats naman :)
ReplyDeletehaha! salamat naman!
DeleteGreat to see you back! I'm happy with how your life has developed. :)
ReplyDeleteI've never had a man, and I've come to the point when I think I am ready. So I've been coming back to your blog repeatedly. From years of reading your posts, I felt like I'd be most comfortable with you. But seeing the pages blank for months now, I could only hope you were in a better place. Now that I know you're happy and domesticated, sobrang happy ko na din for you. I can only hope to find my own Jack Frost eventually. ;) ×○×○
thanks! yours will come, don't worry. i'm sure he will.
Delete