24 March 2014

BoyShiatsu TV: Galera 2014, Day 1


tanga ako mag-edit... kaya hindi ko napansin yung kulay. basta, gets nyo na naman yung idea diba? for this blog entry, mag-a-ala Kris Aquino ako sa pagkukwento ng galera weekend ko. blame it on our break schedule na kasabay ng Kris TV sa umaga, and habang lumalaklak ako ng kape eh puro pagdadakdak ni Kris ang nakikita ko sa tv kasama ang mga makaluwa-matang features nya ng mga lugar na pinupuntahan nya na "economical and budget friendly" daw... for her, siguro. pero for the masses... HELL TO THE NO!

pero at least, itong kwento ko, economical, budget-friendly, and relatable naman... yata...


father and son... sa maraming beses na nagpunta ako ng galera, di ko alam kung bakit laging sa kanila ako sumasakay despite the commentaries na mabagal daw yung bangka nila. sa bagay, kung ilalaban mo nga naman sa golden eagle, ano ba naman ang laban ng blue penguin? ahehehehe... pero ang dilaw na ticket na yan ang simula ng masayang weekend ko.

and pagdating na nga dun... ayan na! sinalubong na ako ng medyo puti atr medyo yellow na buhangin! bumilis na agad ang tibok ng puso ko... i missed this! para akong bata na nagtatalon pa sa buhangin pagdating na pagdating ng galera.

and syempre... ano pa ba ang una naming gagawin ni Jack Frost pagdating ng galera... maghanap ng room! maganda naman yung nakuha naming room, mura pa. sayang, di ko napicturan. then, after mag-settle at magpahinga saglit... sugod na agad sa unang target... breakfast!



kilala na sa galera ang "food trip sa galera" bilang sentrong kainan ng mga taong hindi makapagdecide kung anong kakainin. in that case, kami yun! dahil wala pa kami sa mood mag-explore ng ibang kainan at gusto pa lang namin malamanan ang malalaki naming tiyan, dito na lang kami kumain. but i decided to fulfill a dream na matagal ko nang tinatarget sa kainang ito.


yan! yan ang breakfast! six layers of fluffy pancakes, three meaty burger patties, hefty serving of crispy-and-chewy bacon, a mountain of flavorful scrambled eggs, topped with shreds of tasty ham, smothered with a generous mix of maple syrup, butter, and jam... YAN ANG BREAKFAST!!! wag nyo na lang akong tanungin kung naubos ko, ahehehehe...

matapos ang life and figure changing breakfast, nag-ikot-ikot na kami ni Jack Frost sa dagat. gusto ko ang panahon. dahil sa low pressure area, hindi katirikan ang araw at may panaka-naka pang ambon. paiba-iba rin yung hampas ng dagat. magiging kalmado, magiging malakas. paulit-ulit, pero paiba-iba. parang babae. (naks naman sa comparison!)


syempre, kasama na sa pag-iikot namin ang pag-o-observe ng mga tao. at di nga ako nagkamali. kahit kakaunti pa lang ang tao sa galera, nandun na agad ang mga success stories ng my pinay wife dot com. nandun na rin ang mga babaeng ayaw maarawan. pero wala pa ang sangkabaklaan. ang theory ni Jack Frost, baka daw nasa work pa at kinabukasan pa darating. ang theory ko naman, walang sangkabaklaan na magdadatingan kasi nag-iipon sila para sa bonggang-bonggang mandatory holy weekend vacation galore. sa next entry nyo na malalaman kung kaninong theory ang naging law.

anyway... so ayun nga. babad babad sa beach, langoy langoy ng kaunti, at naisipan na naming magpahinga muna. matapos ang saglit na tulog, it's time for early dinner. dinala ko si Jack Frost sa isang kainan sa galera na hindi masyadong alam ng tao (hindi kasi beach front) pero super sulit at super sarap...


i discovered "al piatto" two years ago, nung nagpunta ako dun kasama si Chino. (backread na lang kayo ng entries ko). ang gustong-gusto ko dito, sa halagang Php145, may pizza or pasta ka na. pero dati, ang liit lang nung pwesto nila, parang garage lang. ngayon, totally nag-improve na yung place! at may draft beer pa! kaya ayan, hindi pa man din kami kumakain, nag-alak na agad! eh kasi ang hirap mamili eh. kung ito ang menu, sige, di ba kayo mahihirapan?


o, diba? ang daming options! nakakalito talaga. kung pwede lang orderin lahat, kaso hindi kaya ng budget (kahit kayang-kaya ng tiyan! ahahahaha!). so for our dinner, we chose some classics na lang.


pesto pasta and prosciutto e funghi pizza... plus beer... this is life!

matapos ang masarap na dinner, at para na rin makatipid, bumili na lang muna kami ng tatlong red horse at tostillas para uminom sa bahay bago sumugod sa mga bar sa beach. kwentuhan sa balcony tungkol sa relasyon namin, masaya at malaman ang naging conversation namin ni Jack Frost.

Jack Frost: ewan ko ba, sa dami ng pinag-awayan natin, wala na yatang makakasira sa atin.
BoyShiatsu: walang bitawan
Jack Frost: walang bitawan

and that night, sa harap ng tatlong bote ng pulang kabayo at pakete ng tostillas, we rekindled our promise of love for each other... sarap...

kaso, biglang nag-brownout!

panira ng moment! dala na rin ng bagyo, medyo pawala-wala ang kuryente. mabilis din namang bumalik. naisipan na naming ubusin ang mga beer namin at pumunta na sa beach. simulan na ang tunay na galera drinking session...


mindoro sling! ilang beses na akong pumupunta sa galera, pero di ko pa rin alam kung ano ba ang mix nito., basta alam ko may tanduay sya. tsaka apple. tsaka stick (yup, kasama sa mix yung stick!). ang inumin na ito ang naglalabas ng kakaibang espiritu ng galera experience... i wonder what's in store for Jack Frost and i that night. inum-inum-inum lang, kulitan at tawanan, may kaunting kantiyawan at asaran (yung nasa kabilang table kasi, tingin ng tingin sa amin, hehehehe...). naghahanap pa rin ako ng sign sa kung ano bang sasapi sa amin ni Jack Frost sa gabi iyon sa tulong ng mindoro sling. hanggang sa nakita ko na ang sign, salamat sa isa sa mga performers ng Mikko's bar.


so, ayan nga... nagsusunog si ate habang kumakanta ng "this girl is on fa-yar, this girl is on fa-yar-yaha-yaha-yahayahar." as in literally pinasiklab nya ng apoy yung balcony ng stage nila! tawa kami ng tawa... ng naisip ko... ito na yun! this is the sign! our night will be on fire!

and, yup... it was, indeed, on fire! hee hee!

4 comments:

  1. I assume Jack Frost is a blogger?

    And a former flame...

    ReplyDelete
    Replies
    1. nope, he's not a blogger.

      what do you mean "a former flame"?

      Delete
    2. Oh I see.

      An ex. :)

      Anyway, looks like you had fun.

      Delete
  2. So boy gyoza yata hung blogger :)

    ReplyDelete