Bak.
so, finally, after two months of hiatus, here i am again. ready to write about anything i please, hoping that it will also please the readers. pasensya naman. yun ang problema sa akin eh. i'm a mood writer. pag wala sa mood, pag walang creative juices, walang output. mabuti na rin siguro na di ako nagtuloy-tuloy sa pangarap ko dati na maging newscaster. malamang sa malamang, bembang ako madalas sa boss ko, or i may end up reporting about, hmmm, flesh-eating skin diseases, maybe?
anyways... this time, i'm back. and i'm committing to blogging a little bit more regular. hindi yung pasumpong-sumpong lang. sana lang palagi akong atakihin ng mood.
* * * * *
Bek.
simula nung lumabas yung advertisement ng "I Am Pogay" sa showtime, kitilin nyo na ako pero pinangarap ko talagang sumali. pero potah naman, unang araw pa lang, si Mhar na agad ang nakasalang! (yup, first name basis. kilala ko sya eh, ahahaha!). sumunod pa si Wilbert. and ang pinaka-threat sa lahat, si Caloy! (kilala ko rin sya personally.) Caloy, aysus... crush ko pa man din yun dati. hehehehe...
pero on fairness, nakakatuwa yung concept ng contest. pero ang nakakatawa, may ilang contestant na namali yata ng sasalihan. akala yata ni Ms Gay ang pinasukan nilang contest. ahahahaha!
i have nothing against effeminate guys. heck, i am sometimes effeminate (yup, sometimes lang, pramis!). so okey na rin. nakakatawa lang.
and, as expected, ang isang ikinakainis (not sure if that's the right word, can't think of one eh) ko sa contest (na medyo expected ko na ring mangyayari) is yung kanya-kanyang oa na paandar. merong kesyo first time daw sumali ng contest. merong kesyo hindi daw out sa family. merong kesyo hindi daw tanggap ng pamilya ng jowa pero pagkasali sa i am pogay eh biglang suportado na. merong nabuyo lang daw ng friends kunyari (pero kontodo sa outfit at talent). kanya-kanyang marketing strategy!
nakakatawa lang. kailangan ba talagang may paandar na ganun para maging "standout" ka sa competition? di ba pwedeng sumali ka lang hindi dahil sa may gusto kang patunayan or may mensahe ka sa buong pilipinas, kundi dahil gusto mo lang? walang-wala sa mga contestant ng That's My Tomboy na ang simple lang lagi, pero mas kabog. pero sa bagay, sabi nga nila, kung beks ka pero hindi ka paandar, hindi ka beks.
anyhow... kung tatanungin ako kung gusto ko sumali... ayoko na lang. wala din naman akong pag-asa. at tsaka wala na akong maiisip na paandar, kasi lahat na yata ng pwedeng padrama eh nagamit na ng mga contestant. tsaka, pag sumali ako... magiging reunion lang ang kalalabasan! eh halos lahat ng sumasali dun, kilala ko eh. ahahahaha!
* * * * *
Bik.
guys, saan ako pwedeng magsampa ng kaso sa mang inasal? yup, sasampahan ko ng kaso ang mang inasal. pesteng sabaw kasi yan, ang sarap. napaparami tuloy ako ng kanin!
nagiging normal routine ko na ang dalawang rice kapag tanghalian, five times a week. and ang results, ayun, nananaba na naman ako. para akong biik na matangkad. yup, biik pa lang, pero mukhang papunta na sa baboy. pero syempre hindi ako papayag dun. bago pa ako maging baboy, sisiguraduhin ko nang nakakulong na ang management ng mang inasal dahil sa masarap na sabaw nila at unli rice. ipapasara ko rin ang lahat ng buffet. at paparamihin ko ang branches ng bodhi, kung saan eh dalawang kutsara lang halos ang rice nila, tapos healthy pa yung ulam.
or mag-exercise na lang ako siguro. tama. baka sakaling magamot din ang kabaliwan ng utak ko. lintek na utak to eh, ang taba, ang sarap i-sisig!
pero, ayun nga. bitter reality. tumataba na naman ako. ang laki na naman ng tiyan ko. yung tipong kapag nakatungo ako, ulo na lang ang kita ko doon (ehehehehe...).
* * * * *
Bok.
naaalala nyo ba yung palabas na Barkada Trip sa studio 23? yung animated? eh naaalala nyo si Bok, yung character dun na kalbo? yung oa sa kulit? yung palaging panimula ng kalokohan sa barkada nila? oo, yung pasaway? oo, yung astig? ano, naalala mo na? kung di mo maalala, i-google mo yung photos nya. ano, nakita mo na? naalala mo na?
wala lang. naalala ko lang din. tsaka wala akong maisip na topic for Bok eh. ayun, naalala ko sya.
* * * * *
Buk.
katext ko yung isang kaibigan ko kailan lang, nang may ibalita sya sa akin.
"nakita mo yung fb post ni Migs about sa book? Amalganation yung title. you were featured there ah. interviewed by the author."
nagulat talaga ako! kasi alam ko, ilang beses na akong na-interview bilang Boy Shiatsu, pero wala akong alam na ilalagay sa libro ang interview kong iyon, kung sino man sa kanila yun.
agad akong nagtanong-tanong at nag-research tungkol sa librong ito, pero sawi. di ko sya makita. kahit sa google, wala, no related search results (kaya i ended up researching about photos ni Bok). di ko tuloy alam kung di pa ba released yung book, o pinagtitripan lang ako ng kaibigan ko (which i doubt.)
speaking of books... nakakatuwa na ang daming mga indie blogs na ang narerelease as books. yung iba, nagiging movies pa. as a blogger, natutuwa ako for them. pero, at the same time, naiinggit ako. buti pa sila, natupad ang pangarap nila na maging "legit writers." from blogs, naging books, naging movies pa. nakakalungkot na hindi man lang ako magkaroon ng ganung chance. hanggang pangarap na lang yata talaga ang libro ko. mukhang di na talaga mabibigyan ng pagkakataon na makita ko ang pangalan ko (well, code name ko) sa displays ng bookstores. yung tipong wala akong pakialam kung hindi sya mabenta, basta mapublish lang sya as libro, okay na ako. magseselfie pa ako kasama ng mga books.
kaso, yun nga eh... mukhang wala na talaga. well, siguro dahil kasi pasumpong-sumpong ako magsulat. or siguro dahil hindi ako marunong mag-market ng sarili ko. at kahit na mataba at pang-sisig ang utak ko, at punong-puno ako ng kapasawayan at kakulitan at happy energy, mananatili na lang yatang "no related search results" ang libro ko.
haaayyy... kakalungkot... kuya, pa-refill nga ng rice. tsaka pa-refill din ng sabaw. penge ring tubig. tenkyu!
welcome back. kala ko retired ka na. ano pang balita sa yo aside from nadadagdagan yang baby fats mo? anyway, it's nice to hear again from you boy, keep em cumming ;-)
ReplyDeleteHi! Try www.amalganations.com. I can send you the book if you like?
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteRaffy -- ahahaha! maraming balita! si Deniece Cornejo, ayun, nag-iba na naman ng statement. may bagong album ang 2ne1. tapos si Leo di Caprio, bigo na naman sa oscars.
ReplyDeleteDoug -- please do!
Have you got a Kindle account? That's easiest if so.
ReplyDeleteDoug -- i don't. sorry.
DeleteSa wakasss! I miss you boy
ReplyDelete