ayan, mas matino na yung edit. mas nababasa na yung nakasulat, ahahahaha! anyhow, simulan na natin ang second day.
kahit lasing at mabigat ang katawan, pinilit namin ni Jack Frost na gumising ng maaga-aga para abutan ang sunrise. pero dahil may low pressure area nung mga panahong yun, medyo maulap. kaya natulog na lang ulit kami... ag galing diba?
nagising kami ng mga bandang 9am, just in time for us to have breakfast bago maglangoy-langoy sa beach. and nope, di na ako nag-pancake tower. oa na yun! ahahaha! and while enjoying our breakfast, kalmado lang ang kahabaan ng white beach... wala pa ring mga tao...
pagkatapos kumain, nagplano kami ng activities. dapat mag-a-island hopping kami, eh tinamad. kaya naisipan na lang naming mag-ocular... ng mga padating! baka sakaling may mga hotness. ahahaha! ganyan kaming dalawa. magka-canvass ng mga may hitsurang sangkabaklaan na darating, tapos mag-aaway. ahahahahaha! ilang bangka rin ang dumating, pero sawi kami. kaya nag-moment na lang kami sa buhanginan.
habang nakaupo sa buhanginan, kwentuhan lang kami ng kung anu-ano. walang topic. walang saysay. anything goes... and that made everything special. nandito ako sa isa sa pinakapaborito kong lugar, kasama ang isa sa mga pinakamamahal ko, ginagawa ang isa sa mga pinakahilig kong pampalipas oras... this is life.
inabot kami ng tanghali sa kakakwentuhan at paminsan-minsang lubluban sa dagat. naisipan na naming mananghalian bago ituloy ang pagliliwaliw sa dagat. ang what's the best option for lunch... inihaw!!
pusit at pork kebab... winner! and, oo, may beer na naman! ahahahahaha!
matapos ang masarap na lunch, umuwi na kami at sinipa na kami ng kalasingan namin nung gabi. nakatulog kami ng mahaba-haba! hapon na kami nagising, pero okey lang... naisipan na naming kumain ulit. binalikan namin ang al piatto at umorder. at dahil made to order ang mga pagkain dun, pinatay muna namin ang oras namin sa paglalaro ng monopoly deal.
haha! panalo na naman ako... as always! ahehehehe... at finally, dumating na ang order namin.
this time, we went with reddies. siciliana pizza (tuna, corn kernels, onion) and amatriciana spaghetti (bacon and cheese). and syempre, hindi mawawala ang beer! kain kain kain... fun.
matapos ang hearty early dinner, umuwi ulit kami at uminom sa bahay. partly, dahil maaga pa. and partly, para makatipid. ahahahaha! matapos ang ilang bote ng red horse (mabuti naman wala nang brownout), naisipan na naming matulog. pero di kami nagpatalo sa idea na yun, kaya tuloy pa rin kami sa tabing dagat.
sinalubong ulit kami ni Danica, kaibigan kong waitress sa Mikko's bar. sa kasamaang palad, hindi nya pala kami naipag-reserve ng table. mabuti na lang at may bakante pang isang table. umupo at umorder ng mindoro sling, inum-inom lang kami ni Jack Frost ng lumapit sa amin ang isang waitress at tinanong kung pwede daw kaming magpashare. mahaba naman ang table at dadalawa lang naman kami ni Jack Frost. pero hindi pa ako nakakapayag, umupo na yung isa sa dalawang makikiupong guys sa amin. yung nakiupo na wala man lang "excuse me" or wala man lang "um, ok lang ba?" basta sya umupo! so hindi na rin ako tumanggi. umupo ang kasama nya, and sa isang pitik, apat na kami sa lamesa. bigyan natin sila ng pangalan, para masaya... yung unang umupo na masungit, intrimitida, at may attitude, itago natin sa pangalang Ferb. yung kasama nya na mukhang mabait, nakangiti, at jolly yung aura, si Phineas. ayun,. Phineas and Ferb. tuloy lang kami sa pag-inom ni Jack Frost na parang wala kaming kasama sa table. napansin naming ang light light lang ng mood ni Phineas, pero si Ferb, maldita much. alam nyo yung mukha na parang naiinis sya na may kasama sila sa table? ganun! hello, kayo ang nakiupo! anyway, nagkakabulungan na kami ni Jack Frost.
JF: alukin mo sila ng tagay
BS: nyek, ayoko. nahihiya ako.
JF: si Phineas ang alukin mo, papayag yan.
BS: ayoko. tsaka kita mo naman, bakud na bakod ni Ferb.
at dun lang napansin ni Jack Frost. magjowa si Phineas and Ferb... nga ba? hindi rin ako sure. kasi kitang-kita na ineenjoy lang ni Phineas ang paligid, patingin-tingin sa kung kani-kanino, samantalang si Ferb naman eh magdamag lang na menopausal.
umalis si Jack Frost para mag-cr. at sinubukan kong alukin ng tagay sina Phineas and Ferb. nakangiting nakitagay si Phineas, pero si Ferb, plastic na plastic ang ngiti. at pagkatagay, sumimangot agad at masama ang tingin kay Phineas. ahhh... gets ko na... insekyora! pagbalik ni Jack Frost, di ko maiwasang ikwento ang nangyari. and may tig-isa na naman kaming theory.
The Jack Frost Theory states that Ferb likes Phineas but they're not really in a relationship. Most probably, Ferb is insecure because he's scared that it will be easy for Phineas to lure boys.
The Boy Shiatsu Theory states that Phineas and Ferb is in a relationship, it just so happened that Phineas is a light, fun-loving person and Ferb is more of a jealous whats-mine-is-mine type of guy.
unlike sa una naming battle of the theories (na wala ring nanalo, dahil may nagdatingan ding sangkabaklaan, but not enough to consider that Jack Frost won the bid), hindi rin namin nadetermine kung kaninong theory ang tama dahil maya-maya pa ay umalis na ang dalawa. solo na ulit namin ang table, yehey!
sa kalagitnaan ng pag-inom namin at panonood ng fire dancers at gay performers, bigla akong may naalala. may kakilala nga pala ako na nasa galera that time. agad ko syang tinext.
BS: hey, musta?
Kakilalang Friend: ayus naman
BS: nasa galera ka, right?
KF: oo!
BS: cool! nandito rin ako.
KF: nice! nasaan ka?
BS: dito sa Mikko's
KF: sige, puntahan kita.
at maya-maya pa nga ay dumating na ang kilalang friend ko. i've been waiting for this moment for all my life, and finally, nangyari na nga. kinakabahan pa ako, kasi i don't know what's going to happen... but i just did it, keeping my fingers crossed.
"Jack Frost, this is Boy Gyoza. Boy Gyoza, this is Jack Frost."
THE EPIC MOMENT! ang paghaharap ng ex ko at ng current partner ko. many may think that this is just normal, but not in my case. flashback tayo ng kaunti...
alam nyo naman siguro ang naging history namin ni Boy Gyoza, kasama na ang hindi maayos naming paghihiwalay, at kung gaano ako nahirapang maka-move-on sa kanya. there was even a time, i will admit, na habang nagsisimula kami ni Jack Frost ay sya pa rin ang naiisip ko. at hindi lingid kay Jack Frost yun. ilang beses naming pinag-awayan yun, pero sa awa ng diyos ay naka-move-on ako at hindi bumitaw si Jack Frost.
okay, back to the present.
eto na nga, magkasama na sa iisang lamesa si Boy Gyoza, si Jack Frost, at ako. masasabi kong maganda naman ang kinalabasan ng una nilang paghaharap, at light lang ang naging usapan. maya-maya pa, iniwan na muna kami ni Boy Gyoza. my first instinct was to check on Jack Frost.
BS: ok ka lang?
JF: oo naman!
BS: ayan, finally, nagkakilala na kayo. i feel better.
JF: he is nice.
BS: yes, he is.
whew! akala ko magagalit si Jack Frost. mabuti naman at naging maayos ang pagkikita nila. inenjoy lang namin ang gabi. tuloy-tuloy lang sa pag-inom ng mindoro sling at panonood ng mga performers. may pa-picture-picture pa.
ayan, crush naming fire dancer, si Raymond. di namin maiwasang hindi magpapicture, ahahahaha!
habang paubos na ang ikalawa naming pitsel, nagtext ulit sa akin si Boy Gyoza if he can join our table. nagpaalam ako kay Jack Frost, at pumayag naman sya. maya-maya pa ay eto na si Boy Gyoza... and meron syang kasama.
"Boy Shiatsu, this is Kikkoman (code name lang na ginawa ko for the guy), my partner. Kikkoman, this is Boy Shiatsu, my ex. and that is Jack Frost, his boyfriend"
now this is really getting monumental! Boy Gyoza and i met our exes' and their new partners all in one night... this is life!
nakiupo sa amin sina Boy Gyoza at Kikkoman, hudyat para mapabili ulit kami ng isa pang pitcher ng mindoro sling. at sa gitna ng maingay na musika ng galera, kasama na ang sipa ng alak sa aming apat, nagsimula ang isang masayang kwentuhan na matagal ko nang pinangarap at hindi ko sukat akalain na matutupad... at sa galera pa!
maraming masasayang kwentuhan ang nangyari. sa kung paano nagkakilala si Boy Gyoza at si Kikkoman, sa kung ilang beses nang napagselosan ni Jack Frost si Boy Gyoza. ako ang paandar ng kwentuhan, dahil ako naman talaga ang likas na madaldal sa lahat. nakakahiya na nga dahil lagpas lagpas na sa kwentuhan ang nangyayari... laglagan na! pero ang sarap isipin na lahat kaming apat ay matured na sa kwentuhan. alam kong walang selusang nangyayari. alam kong sincere kaming apat na nag-eenjoy sa usapan. and i feel happy that Jack Frost and Kikkoman accepted the fact na talagang may espesyal na puwang pa rin kami ni Boy Gyoza para sa isa't isa, and it's more than being lovers. we are really better as friends, super friends, sisters pa nga. and i feel relieved that both parties accepted it sincerely. natapos ang masayang kwentuhan ng kinailangan nang bumalik nina Boy Gyoza at Kikkoman sa tropa nila.
habang inuubos namin ni Jack Frost ang natira sa huling pitsel ng mindoro sling, i still have the feeling na baka nagpapaka-civil lang si Jack Frost sa paghaharap na nangyari. but his words while we were finishing the last shot assured me...
JF: he is really a nice person
BS: hindi ka talaga nagseselos ha?
JF: hindi.
BS: mahal na mahal kita
JF: mahal na mahal din kita. and i'm really happy that this night happened. napatunayan ko kung gaano mo ako kamahal, and napatunayan kong wala na talaga akong dapat ipagselos kay Boy Gyoza. in fact, i would like to be friends with him nga. he really is a nice guy.
at umuwi kaming dalawa na may ngiti sa mga labi at may panibagong pagtitibay sa relasyon namin.