30 September 2012

Teaser: Sa Ngalan Ng Ama

minsan, inisip ko... ano kaya ang nangyari sa akin kung kagaya nya ang tatay ko? siguro nakatapos ako ng pag-aaral. siguro nakahanap ako ng magandang trabaho. siguro maganda ang estado ko sa buhay. pero naisip ko rin... kung ganun ang naging buhay ko, ganito kaya ako katatag at kalakas?

22 September 2012

Amnesia

"uy! kumusta ka na? long time no see ah!"

yan agad ang banat sa akin ni Sir Deo pagbukas na pagbukas ng pinto. sobrang friendly at sobrang warm. at dahil sobrang accommodating ang pagbati nya sa akin, bigla tuloy akong napaisip... pucha! kilala nya ako pero di ko sya kilala!

eto yung mga nakakatakot na scenario. medyo mahina kasi talaga ang memory ko pagdating sa tao, lalo na sa names. kung ibabase sa pagka-perky ni Sir Deo, mukhang may kaunting lalim yata ang pinagsamahan namin... pero talagang hindi ko maalala. anyare?!

pero hindi dapat mahalata ni Sir Deo na di ko sya maalala, so ngiti pa rin ako at go with the flow lang.

"ayus naman po. kaw, kumusta?"
"okay naman. grabe no, tagal na since the last time na nagkita tayo."
"kaya nga eh.'
"so, ano nang balita sayo?"
"eto, jobless."
"eh wala ka naman talagang trabaho ah!"

patay! mukhang matagal na nga yata ang pagkikita namin ni Sir Deo. ang huling update nya is wala akong work.

"saan ka nga ba nagwowork dati?" tanong nya.
"sa may manda po."
"diba sa eastwood?"
"sa manda po, sa mag shaw blvd."
"ahhh... tama."

whew! nakahinga ng malalim. kaunting kwentuhan pa at sinabihan ko na sya na maligo. napansin ko na hindi isinara ni Sir Deo ang pinto ng cr.

"oh, ano pang hinihintay mo? tara na!"
"ay... saglit lang po."
"naku! nakalimutan mo na yata na gusto ko sabay tayo naliligo ah."
"hindi po! nagtext lang po ako saglit."

pero ang totoo, hindi ko na talaga naalala. strike 2 na ako.

naligo kami ng sabay at pagkatapos ay humiga na agad sya sa kama. kinuha ko na ang oil para magsimula ng masahe ng bigla nya akong binara.

"you forgot that i want extra first before massage, right?"
"ah... naku... hindi po. ilalagay ko lang dito sa table para madali nang kunin mamaya."
"di mo na ako naaalala ano?"

eto na ang kinakatakot kong tanong. make or break to. pero, syempre, pabibo pa rin.

"ngek! Sir Deo talaga o!"
"sige nga, saan tayo nag-check-in dati?"

at parang isang alaalang gusto mong kalimutan, bigla na lang sumulpot sa utak ko kung sino ang mamang ito. tama! kumpleto, lahat ng detalye. bigla kong naalala. kaya kampante akong sumagot.

"eurotel! sa may cubao!"
"tapos?"
"oo. umorder pa tayo ng chicken after."
"ahehehehe..."

maganda yung tawa ni Sir Deo. pero biglang.

"hindi ako yun."

dedo!

"so, nakalimutan mo na nga kung sino ako?"

wala na akong nagawa... white flag na.

"um... opo. sorry."
"hahahaha! okay lang yun. sana sinabi mo agad. napahiya ka pa tuloy."

tawanan lang kami ng tawanan after, pero that moment, gusto ko nang matunaw na lang at maglahong bigla.

14 September 2012

Bloodbath the Third!


ngayong gabi, magsisimula na ulit ang Battalia 3! (tinanggal na yung word na 'Royale' sa title, hindi ko alam kung bakit.). ngayong gabi, apatnapung estudyante ang mapapabilang sa isang laro at isang sitwayong "life or death"... literally!

kung napanood nyo na ang una at ikalawang leg ng Battalia Royale, i would suggest you go and watch pa rin. ang daming bago. mas exciting. mas detalyado. mas nakakatakot. mas nakakaantig. at Gabe Mercado as Frazer Salamon (the evil teacher)... sobrang menace! as in... panoorin nyo na lang.

umattend ako kahapon ng technical dress rehearsals as one of the "goons"... pero ako mismo, bagamat napanood ko na ng dalawang beses yun play, na-excite pa rin.

sa mga hindi pa nakakanood... anyare?!

go watch Battalia 3 and support independent theater industry!

Battalia 3
Sept 14-16, 2012 (3 out of 9 shows)
Museo Pambata
7pm

click here for more info and ticket reservations.

and for a preview of what's going to happen... watch this. (some spoilers ahead. but since a lot has changed, we're not sure if these scenes are still 'existing" in the new show!)


12 September 2012

Mariposa

matagal na matagal na itong kantang to. dati, di ko sya pinapansin kasi di pa naman ako nakakapasok sa mariposa o sa kahit anong motel. isang araw, napakinggan ko ng buo ang kanta at napanood ang video... at naiyak ako...


sampung taon makalipas ilabas ang kantang ito, nakakatuwang isipin na mula sa pagiging estranghero sa paksa ng kanta ay naging "pucha! akong-ako to ah!" song ko ito. pero ano nga ba para sa akin ang isang motel.

isang bagay na ikinamamangha ko sa motel ay ang pagkakataon na ibinibigay nito para maging totoo ka sa sarili mo. o para maging ano mang karakter na gusto mo. pwede mong ilabas ang tunay na kulay mo, o magpanggap bilang isang tao na pinangarap mo. at lahat ng ito, magagawa mo ng hindi ka natatakot na mahusgahan, pagtawanan, kutyain, irapan, kuwestiyunin, o pasaringan ng ibang tao. maaari kang mabuhay sa isang mundo na gusto mo, ihiwalay ang sarili mo sa totoong mundo, kahit sa loob lamang ng ilang oras.

at iyon ang masakit na part dun. na bagamat papasok ka sa loob ng motel upang makaranas ng masayang mundo na pinapangarap mo, darating at darating ang oras na kailangan mo nang mag-checkout at lisanin ang imahinasyong mundong hinihiling mo na sana ay totoo at harapin ang totoong mundong hinihiling mo na sana ay guni-guni o isang masamang panaginip lang.

ng napanood ko ang video na ito, natawa ako sa mga karakter na ipinakita. pero hindi iyon yung tawang putangina-sobrang-lafftrip-ang-sakit-na-ng-tiyan-ko-at-tutubuan-na-ako-ng-abs na tawa. iyon yung tawang kapiraso lang, yung tipong mga apat na syllable lang, pagkatapos ay bigla kang mapapatahimik kasi may naisip ka. in my case, pagkatapos ng apat na syllable ng tawa, napatahimik ako dahil sa naisip ko... minsan sa buhay ko, naging ako ang mga karakter na ito... all of them.

inosente.
baliw.
pokpok.
bakla.
kabit.
adik
yuppie.
tv junkie.

lahat sila, may kanya-kanyang pakay sa pagpunta sa motel. lahat sila, may kanya-kanyang pinagdadaanan. at lahat yun, napagdaanan ko na. isama pa natin ang iba't ibang karakter na kailangan ko ring bigyan buhay sa loob ng apat na sulok ng kwartong may menu, aircon, porn channels (na kadalasan ay kasunod ng mga church channels), maliit na sabon, discount card, at wifi access na madalas ay hindi gumagana.

stripper.
boyfriend.
kaharutan.
milkman.
estudyante.
artista.
demonyo.
virgin.

at pagkatapos ng bawat engkwentro sa kung sino mang kasama ko sa loob ng motel, palagi akong naiiwan mag-isa. minsan, mauunang lumabas ang kliyente. minsan naman ay ako ang unang lalabas. minsan naman ay sabay kaming lalabas at kakain. pero sa lahat ng pagkakataong ito, naiiwan akong mag-isa. pagkatapos ng palabas, dumarating ang oras na muli naming tatahakin ang kanya-kanyang buhay... at dun ako nagiging mag-isa.

hindi ko na maintindihan kung ano na ba ang totoo at kung ano na ba ang kathang-isip. basta ang alam ko lang, ayoko nang mag-isa. at kung ang tanging paraan para makamtan yun ay mag-extend ng mag-extend sa bayad sa isang maliit na kwarto sa isang apartelle, isusugal ko na siguro ang lahat ng pera ko... maging ang sarili ko, para lang hindi na ako mag-isa, scripted man o totoo.

02 September 2012

Kamalas-malasan

sabado... nasira ang ngipin ko, kaya na-cancel ang isang importanteng lakad

lunes.. umiral ang katigasan ng ulo ko na naging sanhi ng pagkawala ng trabaho ko.

huwebes... pumasok ang sweldo pero sa dami ng mga kailangang bayaran, halos isang libo na lang ang natira sa akin.

sabado... isang hindi makakalimutang pangyayari. naranasan ko ang patikim ng kalawit ni kamatayan. isang magulong encounter sa squatter area, nakorner ng tatlong tao (isa sa kanila, may hawak na malaking bato at nakaambang ihampas sa akin). at mahabang takbuhan sa kahabaan ng taft avenue. near-death experience. pero nakaligtas ako.

at ngayon... nawala ang ipod ko. isa sa mga kakaunting bagay na pinagmamalaki kong meron ako.


walang trabaho. walang pera. walang karamay. walang ideya kung paano ako lalakad ulit pasulong.

ANO NA LANG ANG MANGYAYARI SA AKIN?!?!?!!



























ayoko na. sana pwede na lang tapusin lahat to. lahat lahat. yung tipong isang pitik na lang. or isang kalabit. or isang patak. or isang lundag. basta... yung isa na lang, pagkatapos ay tapos na... tapos na lahat...