22 June 2012

Redemption

si *insert name of pogi here* ba ito?

yan ang text na gumising sa akin isang umaga. at habang nakahiga pa ako sa kama at nag-iinat-inat pa, business as usual na agad ako sa text.

opo. who's this?
hello! Raja ang pangalan ko. gusto ko sana malaman kung magkano magpaservice sayo. tsaka okay lang ba kung papuntahin kita dito sa province?

nagdalawang-isip pa ako, pero sinend ko rin ang template.

kakauwi ko lang galing dubai. taga-olongapo ako. pero don't worry. dodoblehin ko bayad sayo, plus additional pa for your bus fare.
naku! ang layo n'yo po pala Sir Raja. pero... okay lang po.
don't call me Sir Raja. transgender ako. okay lang ba yun?

dito na ako napaisip talaga. hindi lang dalawa. tatlo... apat... lima... limampung beses. hindi pa ako nakakapagservice ng transgender, at hindi ko alam kung kaya ko bang magservice ng mukhang babae!

ah... ganun po ba?
don't worry. madali lang naman akong ma-satisfy.

at dahil kailangan ko na rin ng extrang pera (sayang yun! doble bayad!) pumayag na rin ako. at itinext nga sa akin ni Sir, ah este, Ma'am Raja ang mga details. that night nya na rin pala ako gustong pumunta sa kanila. buti na lang at wala akong kailangang gawin that night. pero bigla akong napaisip...

galing dubai... so ofw sya.
taga-olongapo... probinsyana.
transgender... so may boobs.

agad-agad kong itinext si Popoy. nagtanong ng something... and he confirmed. tama nga ang hinala ko!

si Ma'am Raja yung client na nag-reject sa akin before! (hindi mo alam to? basahin mo dito.)

dito na talaga ako nagduda... paano kung i-reject nya ulit ako? babyahe ako papuntang olongapo (using my own money!!) tapos irereject lang? paano kung pagdating dun eh bigla akong indyanin ni Sir Raja? (gusto ko pa rin na sir ang itawag sa kanya!). paano kung mapahiya na naman ako at hindi nya ako bayaran? paano kung basura pa rin ang tingin nya sa akin? puno ng pag-aalinlangan, itinext ko si sir.

san nyo po pala nakuha number ko?
sa *insert website here*
okay. so nakita nyo na po pictures ko.
oo. ang pogi mo!
salamat po.

pero hindi pa rin ako kampante. paano kung sa picture lang pala ako pogi? (although madalas, mas maraming nagsasabi na mas pogi ako sa personal). kinakabahan pa rin ako. at hindi ko alam kung paano sasabihin kay Sir Raja. so medyo pakyut technique na lang.

ah... sir... wala pong indyanan ha. last money po kasi yung gagamitin kong pamasahe papunta dyan sa olongapo.
oo naman no.
sir, pwedeng patext na kung saan tayo magkikita, at paano pumunta dun?

at itinext naman ni Sir Raja ang instructions, kasama ang assurance na hindi nya ako iindyanin. biglang sugal, pumayag na ako.

alam ko ang standards ni Sir Raja sa mga boys nya. kaya nag-instang makeover ako nung araw na yun. nagpagupit sa 50 pesos promo ng salon na malapit sa amin (haircut plus shampoo, with hot oil pa kung trip ka ng manggugupit.... and i'm lucky kasi may libreng hot oil ako! haha). then, nanghiram ng maganda polo sa housemate, naghilod ng tatlong beses sa pagligo, at lumaklak ng dalawang litro ng whey protein... baka sakaling bigla akong magka-abs bago ako dumating ng olongapo. naalala ko pa yung dalawang hot guys na kasama ni Sir Raja sa hotel noon, plus si Popoy... ganun ang mga tipo ni sir. malayu-layo sa akin. higit sila sa akin ng mga labinlimang paligo. plus hindi sila stressed mula ulo hanggang paa. ako, mula ulo, mukhang paa!

nung finally ay nakapag-ayos na ako at pwede na akong sumali sa audition para sa pbb teens, nagbyahe na ako mula maynila papuntang olongapo. kung madalas na kwento ng pagluwas ay mga probinsyanong tila inosente at walang alam na pumupunta ng maynila, ganung-ganun ang peg ko. pero opposite. manilenyong pumunta ng probinsya, pero tatanga-tanga. sinabihan ko yung driver na ibaba ako sa jollibee (yun ang bilin sa akin ni Sir Raja) at kahit antok na antok na antok ako ay pinilit kong idilat ang mata ko dahil baka lumagpas ako sa jollibee. at matapos ang ilang milenyo, narating ko rin ang jollibee... na nakapwesto lang pala sa may terminal! potah! sana pala natulog na lang ako!

medyo pupungas-pungas pa akong bumaba ng bus at naglakad papunta ng jollibee. kung kanina, mukhang fresh ako, ngayon, mukha na akong bilasa! kaya naisipan ko na munang mag-mini-make over sa cr ng jollibee bago itext si Sir Raja.

nandito na po ako sa jollibee

at nagreply sya... with another set of instructions. sumakay daw ako ng tricycle at magpababa ako sa bahay nya (i forgot the house number na). gusto ko sanang magreklamo at magsampa ng kaso. potah! puro na lang byahe byahe byahe! pero, since, nandun na rin naman ako, sumunod na lang din ako. and besides, di ko alam kung saan ang baranggay hall doon.

tricycle papunta sa nasabing bahay... sinalubong ako ng pulang gate. nagtext ako kay Sir Raja para sabihing nandun na ako. bumukas ang pulang gate... at ang nasa loob ay pulang kotse! bumukas ang driver's window at may lumabas na kamay. sinenyasan ako na pumasok sa kotse. sumunod naman ako.

at pagpasok ko sa kotse... confirmed na confirmed... si Sir Raja at ang kliyenteng nagpaiyak sa akin some years ago ay iisang tao!

"kumusta byahe?"
"okay lang po. malayo."
"ano nga ulit pangalan mo?"

walangya! nakalimutan pa ng bakla!

"*insert name of pogi here* po."
"ay, oo nga pala. si Carlo nga pala." sabay turo sa guy na nakaupo sa front seat.

sumilip si Carlo sa akin... AT PARANG NAG-SLOW-MOTION ANG PALIGID!!! tapos sabakan mo pa ng Taylor Swift na background music (we were both young when i first saw you...)

sobrang gwapo ni Carlo. artistahin. walang-wala yung dalawang callboy na kasama ni Sir Raja dati. sobrang baby face, pero maganda ang katawan. makinis ang mukha, at talagang nakakatunaw ang ngiti.

"Carlo, tol."

wag n'yo na lang ako tanungin tungkol sa boses. sabihin na lang natin na... hmmm... fair magbigay ng blessings si God. hindi nya nilalahat sa isang tao.

iniabot ni Carlo ang kamay nya for shake hands, at malugod naman akong nakipag-kamay. dun ko napansin ang maganda nyang braso. malaman!

at bigla kong naalala ang isa sa mga setup ni Sir Raja noon... according kay Popoy, mahilig si Sir Raja na manood lang ng dalawang guys na magsesex sa harapan nya!

PUTANGINA! does this mean si Carlo ang makakasex ko that night!? SWERTE!!!

pero... mali yata.

"boyfriend ko." pagpapatuloy ni Sir Raja ng pag-i-introduce kay Carlo.

bumalik sa reality ang lahat, natigil ang slow motion. nawala si Taylor Swift. tunog ng kalye na ulit ang narinig ko. imposible namang papayagan ni Sir Raja na makipag-sex ako sa boyfriend nya at manonood lang sya diba?

"ah! okay po. hehehe..."

hindi na lang ako nagsalita. baka mahalata pa ni Sir Raja na trip ko ang boyfriend nya. at baka bigla bigla nya na lang akong itapos sa kalsada pag nagkataon.

"mahilig ka ba mag-comedy bar?" tanong ni Sir Raja sa akin.
"okay lang po."
"sige. dun tayo pupunta eh."

drive drive drive. at dumating kami sa sinasabi nyang comedy bar. bago pa bumaba, chineck muna ako ni Sir Raja mula ulo hanggang paa (good thing hindi ako mukhang pa that time).

"okay."
"ano pong okay?"
"okay na yang suot mo. bhe, ipabitbit mo sa kanya yung isang ipad."

at iniabot nga sa akin ni Carlo ang isang ipad na nasa puting casing, habang sya naman ay may hawak na ipad na may itim na casing, at may nakasabit na magandang dslr sa leeg nya.

tama nga si Popoy. gusto ni Sir Raja, mukha at astang mayaman ang mga boys nya, hindi mukhang gusgusin. ayaw ni Sir Raja ng mukhang basura. at saang basurahan ka nga naman makakakita ng ipad diba? wala.

bumaba kami sa kotse at pumasok sa bar... kung saan may table nang naka-reserba sa amin. at doon ko lang napansin ang kabuuang hitsura ni Sir Raja. naka-high heels sya, kontodo make-up, at ang ganda ng damit nya... kurtina! parang kumuha lang yata sya ng kurtina sa bahay nila, binutasan, isinuot, at nagsuot ng malaking belt na may bling-bling na kasing-laki ng mga makikita sa mga belts ni Manny Pacquiao.

umupo kami sa table na nasa harapan ng bar. agad na nilapitan ng waiter si Sir Raja, at umorder agad sya ng drink.

"ikaw, anong sayo?" tanong sa akin ni sir.
"ah... eh... kahit ano po."
"ano ka ba! walang kahit ano dito!"
"hehe. seryoso, kahit ano na lang po."
"wag ka na mahiya."
"ano po bang kay Carlo? ganun na lang po."

at umorder si Sir Raja ng dalawang drink para sa amin ni Carlo. mabilis na dumating ang inumin, at nagsimula na kaming uminom at magkwentuhan. nagpakwento si Sir Raja ng mga basics tungkol sa akin. kwento kwento naman ako. hanggang sa finally ay may sinabi sya.

"alam mo... parang pamilyar ang mukha mo."

this is it! the much-awaited statement! abut-abot ang kaba ko sa sinabi ni Sir Raja. paano kung bigla nyang maalala na ako yung basurang inireject nya noon? paano kung bigla nya na lang akong pauwiin?

"ah... ganun po ba?"
"nagkita na ba tayo?"

eto na...

"naku... hindi pa po." pagsisinungaling ko.
"sa bagay... kung nagkita na tayo dati, edi madalas na kitang pinapunta dito."
"weh? talaga lang ha? samantalang hindi mo pinansin ang effort ko nung nagkita tayo noon sa manila. echoserang froglet ka!" sagot ko... pero sa imagination lang... ang sinabi ko talaga eh "ganun po ba? hehe. salamat po."
"mukha kang matalino."
"haha! mukha lang po." (pa-humble effect)
"at mabait."
"salamat po."
"o sya, order lang nag order ha. and usap usap lang kayo ni Carlo. mabait yan."

akala ko naman kung saan pupunta si Sir Raja... yun pala, magse-set sya! isa pala sya sa mga stand up comedians sa nasabing bar! at maganda ang boses ni Sir Raja... babaeng-babae! nakakatawa lang kasi ilang beses nya kaming binati ni Carlo, at kinakantyawan pa sya ng mga kasama nya sa stage na angpopogi daw ng mga bodyguards nya ngayon (naks! pogi daw ako! wheee!).

habang patuloy ang palabas, kwentuhan lang kami ni Carlo ng kung anu-ano sa table, disregard na lang natin yung accent nya. at aware si Carlo na for hire ako. madalas daw talaga gawin ni Sir Raja yun.

"teka, tol... top ka ba o bottom?"

nagulat ako sa tanong ni Carlo... i mean, bakit kailangan nyang itanong? pero sinagot ko na rin.

"top."
"good."
"bakit?"
"versa ako, and gusto kong magpatira mamaya."

paki-play nga ulit si Taylor Swift. hindi ko alam kung bakit may kasamang kilig ang pakiramdam ko sa sinabi ni Carlo. ibig ba sabihin nito eh sya ang makakalaro ko tonight at panonoorin lang kami ni Sir Raja? ewan. ayoko mag-assume.

"ah! ganun ba! edi okay!"
"wild ka ba sa kama?"
"pwedeng oo. pwedeng hindi."
"gusto ni Raja, wild. magpaka-wild tayo mamaya. nasa mood rin ako."

PAKITODO ANG VOLUME NI TAYLOR SWIFT!!! TAPOS PAKIHAGIS NA RIN ANG GOLDEN CONFETTI!! confirmed na... sa bibig na nya mismo nanggaling... si Carlo ang makaka-sex ko that night!

kung kanina, slow motion... ngayon, naka-pause na talaga! hindi ko na napapansin ang paligid! nabasag na lang ang moment ng narinig kong tinatawag kami ni Sir Raja at pinapapunta kami sa stage.

"tara! kanta tayo!" parang batang pag-aaya ni Carlo sa stage. sumunod naman ako. at ayun, instant performance kaming dalawa ni Carlo sa stage. nakakatawa mang isipin, siguro you have an idea na kung ano ang isa sa tatlong kanta na kinanta namin sa stage. clue... na-mention ko na ng tatlong beses ang pangalan ng singer sa blog entry na ito! hahahahaha!

dala na rin siguro ng kalasingan, naparami pa ang kantahan moments namin ni Carlo sa stage, kasama na rin si Sir Raja at ang iba pang mga performers. nalamayan na lang namin na kami na lang pala halos ang tao ng naisipan kong umihi.

nag-ayos saglit at pagkatapos ay umuwi na kami.

"ang ganda pala ng boses mo." sabi sa akin ni Sir Raja.
"salamat po. epekto lang siguro ng alak."
"hindi. maganda talaga boses mo, tol." pagsang-ayon naman ni Carlo.
"hehe. salamat."

maya-maya pa ay nakarating na kami sa bahay ni Sir Raja. apartment lang, pero halatang may kaya ang nakatira. flat screen ang tv, magaganda ang mga dekorasyon, at, kagaya nga ng sinabi ni Popoy noon, nakakalat lang sa kung saan-saan sa bahay ang mga kung anu-anong gadget. feeling ko, pag kumuha ako ng isa sa mga ito, hindi na mapapansin ni sir. pero syempre, behaved ako. baka may cctv, mahirap na! haha!

pagdating sa kwarto, naghubad na agad si Carlo at dumiretso sa banyo para maligo. kinausap ako ni Sir Raja.

"top ka ba?"
"opo."
"okay. ganito ang mangyayari. gusto ko, mag-sex kayo ng boyfriend ko. manonood lang ako. syempre, ayoko namang sumama sa sex nya. baka mailang ka."
"hindi naman po, okay lang naman sa akin" sagot ko, pero ang nasa utak ko that time is "aba! mabuti naman! para masolo ko kahit saglit ang jowa mo!" hahahahaha!
"sige, sundan mo sya sa shower."

at naghubad na nga ako at sumunod sa shower. at nandun sa shower, hubo't hubad na naliligo si Carlo. napatingin sya sa akin at napangiti. sumenyas sya na sabayan ko daw sya pero wag ko daw isara ang pinto. lumapit ako sa kanya. pagdamping-pagdampi ng tubig sa katawan ko, niyakap na agad ako at hinalikan ni Carlo. parang hayuk na hayok sa sex, maigting na agad ang pagdirigma namin ni Carlo sa shower.

pakipatay nga muna yung Taylor Swift na background music, hindi bagay eh. pakipalitan ng Rihanna.

nakatayo si Sir Raja sa pinto ng cr at libog na libog kaming pinapanood. ayokong tumingin kasi nawi-weirduhan ako na makakita ng guy na may boobs at nagjajakol. instead, nag-focus na lang ako kay Carlo na halatang sarap na sarap sa ginagawa namin.

matapos ang shower, agad kaming pumunta sa kama at nagpatuloy ang mainit at mala-porn na sex scene namin. naka-pwesto lang si Sir Raja sa isang bangko at pinapanood kami. sa totoo lang, hindi ako sanay ng pinapanood ako habang nakikipag-sex, pero wala na akong pakialam. tangina, ang sarap ng ka-sex ko, aarte pa ba ako!

hinalikan at dinilaan ko ang lahat ng parte ng katawan ni Carlo, at ganun din sya sa akin. maya-maya pa, kinuha nya ang lube at condom sa katabing drawer, isinuot sa akin ang condom, at ipinuwesto ako sa kama. and the rest is you-know-what.

habang abala kami sa pag-aayudahan ni Carlo ay narinig na naming umuungol si Sir Raja. tinuloy pa namin ang maaksyon na horseback riding, hanggang sa napasigaw na kami pareho sa sarap... at saktong-saktong nilabasan na rin si Sir Raja.

"grabe! ang wild nyo! teka, shower muna ako." pagpapaalam ni Sir Raja.

nakahiga lang kami sa kama ni Carlo ng bumulong sya sa akin.

"ang galing mo tol."
"ikaw din naman eh, ang sarap mo pa."
"ikaw rin naman eh."

hinawakan ni Carlo ang kamay ko. (dj, pakisalang ulit si Taylor Swift)

"grabe! sobrang enjoy ako!" pagpapatuloy ni Carlo.
"ako rin. nasarapan ka ba?"
"tangina! oo naman! one of the best fucks!" (marunong pala sya mag-english)
"sarap mo kantutin eh."
"ibang klase ka tol. kakalibog."
"yeah! ikaw din"
"sabihin ko kay Raja, hire ka ulet."

basag! nawala ang kilig moment. akala ko naman gusto nya na ako, hindi pala. pero... okay lang. ang mahalaga, nag-enjoy sya, nag-enjoy si Sir Raja, at mas nag-enjoy ako.

naligo kami (sabay!) after ni Sir Raja, at pagkatapos ay nagbihis na ako. iniabot na sa akin ni Sir Raja ang bayad (higit pa nga da doble, plus may kasama pang refund sa pamasahe at isang bote ng pabango).

"salamat po."
"ang galing ng performance nyo. pag nagpunta kami ni Carlo sa manila, text kita."
"sige po."

at umalis na ako ng bahay ni Sir Raja, byahe pabalik ng manila (kesehodang madaling araw yun). habang nasa bus ako, nakakatuwang isipin na ang dating basurang inireject ni Sir Raja, eto ngayo't nakangiti at hawak ang pera nya, at natikman ko pa ang boyfriend nya. ang sarap ng feeling na napasaya at na-satisfy mo ang isang taong nag-reject sayo dati. kung kailangan lang palang i-reject ako ng paulit-ulit, umiyak sa simbahan, at madisappoint sa sariling hitsura para lang maka-satisfy ng isang mapili at galanteng client (na may masarap na jowa)... aba... GO!!!

pero, naisip ko rin... paano nga kaya talaga kung nakilala at namukhaan ako ni Sir Raja no? ano kayang nangyari? pero... wapakels na rin. at least, i was able to teach him one lesson... wag basta-basta nirereject si BoyShiatsu... because you have no idea what you're missing!

13 June 2012

Gee, Gulo!

habang nasa sasakyan kami ni Sir Josh (nakaya nya pang magmaneho), nagkukwentuhan kami tungkol sa mga kung anu-anong bagay. kaswalan lang na tanong sagot tanong sagot tanong sagot. habang nasa sasakyan, nag-ring ang telepono ko.

si Sir Philip.

"hello?"
"uy, nasaan ka na?"
"kasama ko po si Sir Josh. papunta po kami sa kanila."
"ha? can you go back here?"
"bakit po?'
"basta. sabihin mo kay Josh, may naiwan ka."
"may naiwan po ba ako?"
"basta. punta ka dito. text me pag malapit ka na ha. magtaxi ka na."

at ibinaba ni Sir Philip ang telepono.

"si Philip ba yun?" tanong ni Sir Josh.
"opo."
"bakit daw?"
"bumalik daw ako dun."
"hay naku. si Philip talaga. teka nga. matawagan."

tinawagan ni Sir Josh si Sir Philip. at minabuti ko nang hindi makinig sa usapan. nag-sounds na lang ako, todo volume, para di ko marinig yung conversation nila. pero sa hitsura ng mukha ni Sir Josh, parang inaasar nya si Sir Philip.

"okay na" sabay ngiti si Sir Josh habang tuloy tuloy sa pagmamaneho. di na ako nag-usisa kung ano yun.

maya maya pa, tumawag na naman si Sir Philip.

"hello?"
"bakit sinabi mo kay Josh na ako kausap mo?"
"tinanong nya po eh."
"punta ka na lang dito, dali."
"pero naka-oo na po ako kay Sir Josh eh."
"doblehin ko bayad. magkano ba offer nya?"
"ah... eh..."
nagulat ako ng biglang itinigil ni Sir Josh ang sasakyan sa gilid at inagaw ang telepono ko.

"uy, Philip... sa akin na muna sya tonight. bukas na lang sya dyan." bati ni Sir Josh sa telepono, nakangisi pa.

hindi ko naintindihan ang sinabi ni Sir Philip, basta naririnig ko na lang na sumisigaw sya.

"hush. hush. he'll be there tomorrow. o sya, we're near our place na. bye na muna. good night! great party!"

ibinaba ni Sir Josh ang tawag... at pinatay ang telepono ko bago ito iabot sa akin.

"eto. keep it in your bag. don't turn it on."
"ano po bang problema sir?" naguguluhan at kinakabahan na ako sa nangyayari.

hindi sumagot Sir Josh. kinuha nya ang wallet nya mula sa bulsa nya, kumuha ng pera, at iniabot sa akin. limang libo.

"there! you're paid for the night."
"pero sir... bakit ba galit si Sir Philip?"
"wag nang maraming tanong. basta you're mine tonight, okay?" medyo pasinghal na sagot ni Sir Josh.

di ko maiwasang magulat at medyo matulala. kinuha ko na lang ang pera, inilagay sa wallet ko, at tumahimik. pero di ko maiwasang manginig sa takot. ano ba itong pinasok ko?

napansin yata ni Sir Josh ang pagkatulala at pagkagitla ko. hinawakan nya ang kamay ko at tsaka nag-sorry.

"hey! relax. sorry. i'll explain everything later. okay ka lang?"
"nakakatakot kayo sir. ano po bang nangyayari?"
"basta. later. relax ka lang dyan. we're near na."
"okay po."

hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko all throughout our travel papunta sa place nya. hanggang sa dumating nga kami sa pad nya. bumaba sa parking, at dumiretso paakyat sa condo. hawak nya pa rin ang kamay ko.

dumating kami sa unit ni Sir Josh. sobrang ganda. halatang mayaman. hindi lang pala mayaman. mayamang mayaman! ilang kilometro pa yata yung nilakad namin from the main door para makarating sa bed nya. nadaanan namin ang sala nya, ang isa pang sala, malaking dining area, at isang maliit na room na hindi ko nasilip, bago kami umabot sa kwarto nya na kasing-laki na halos ng bahay namin sa rizal.

"just leave your things there" sabay turo sa lamesa sa tabi ng aquarium.

inilapag ko ang mga gamit ko... pero wala pa rin akong imik.

"wait lang ha. just relax, feel at home." habilin ni Sir Josh bago sya lumabas, habang sumisigaw ng "manang! manang!"

umupo ako sa upuan na katabi ng lamesa na katabi ng aquarium. pinagmasdan ang mga isdang palangoy-langoy. ilang segundo pa, ayan na ulit si Sir Josh.

"wine?" alok nya sa akin.
"okay lang po."

at pumunta si Sir Josh sa isa pang lamesa na malapit sa malaking kurtina, nagsalin ng wine sa dalawang basong naka-prepare na dun, sabay hila ng kurtina. tumambad sa mata ko ang napakagandang overlooking ng makati. di ko maiwasang mamangha.

"halika dito." pag-aya ni Sir Josh palapit sa kanya.
"ang ganda... ang ganda naman ng view dito."
"yeah... nakakarelax... pantanggal stress."

at umupo ako sa bangkong kapares ng lamesa. sa kabilang bangko naman si Sir Josh. inom lang kami ng wine habang nakatitig sa overlooking. tahimik na hinihigop ang pulang likido na laman ng mga baso namin. ng binasag ni Sir Josh ang katahimikan.

"he's my ex."
"po?"
"si Philip. he's my ex partner."
"ahhh..."

yun na lang ang naisagot ko, pero di ko pa rin na-gets kung bakit kailangang magsigawan sila sa telepono.

"but i still love him." napansin kong medyo nangilid ang luha ni Sir Josh.
"okay po..."
"ang sakit kasi eh..."

at nagsimula nang magkwento si Sir Josh.

limang taong magkarelasyon si Sir Josh at si Sir Philip. maganda naman daw ang relasyon nila dati. everyone thought nga na forever na sila. pero may nangyaring nakasira ng matagal nilang relasyon.

"nagloko kaming pareho."
"paanong nagloko?"
"he had his other half, i had mine."
"okay."
"pero ayaw pa naming tapusin ang relasyon namin. alam naming stage lang yun."
"pero bakit po natapos?"
"his other half is persistent."

alam ng third party ni Sir Philip ang tungkol sa kanila ni Sir Josh. at makapal ang mukha nitong papiliin si Sir Philip kung si Sir Josh ba o sya ang pipiliin nya.

"and he chose the bitch. he chose that gold digger. he chose that masseur."

kinabahan ako sa huling statement ni Sir Josh... so masahista pala ang third party ni Sir Philip. napansin yata ni Sir Josh ang pangamba ko.

"don't worry... he's not like you. not even close."
"kasi hindi maganda katawan ko?"
"well... yun lang ang lamang nung guy sayo. but he doesn't look decent. mukhang barumbado. at parang hindi man lang nakatuntong ng high school."

di ko alam kung mapa-flatter ako. well, actually... hindi ko na alam kung anong dapat kong isipin that time. hinayaan ko lang magkwento si Sir Josh.

"i can't accept the fact na ipinagpalit nya ang 5-year relationship namin para sa kati nya. dahil ba hindi na ako nakakapagperform sa kama? dahil ba hindi ko na sya nasasatisfy?"

medyo TMI na ang mga naririnig ko, pero nakikinig pa rin ako. tuloy tuloy lang sa pagkukwento si sir. hanggang sa bigla na lang syang tumahimik, napatungo, at huminga ng malalim.

"sorry... i'm blurting out too much. lasing na nga yata ako."
"okay lang yan sir. siguro po dapat magpahinga ka na."
"siguro nga. i had too much. ikaw kasi, abot ka ng abot ng alak sa akin kanina eh."
"hehe. sorry po. massage ko na lang kayo."
"no need."
"pero sir, binayaran nyo po ako ah."
"it's okay. gusto ko lang asarin si Philip. i know he likes you."
"naku! hindi naman po siguro. walang wala po ako kumpara kay Chip and Dale."
"hahaha! pa-humble ka pang bata ka. i know Philip. alam ko pag gusto nya or hindi ang isang masseur."
"ganun po ba? hehe... nakakahiya naman po. so, hindi po kayo magpapaservice?"
"well, a companion to sleep for the night is not bad."
"okey po. pero sir, ang laki nung ibinayad nyo sa akin."
"it's okay. malalaman mo yung worth nyan tomorrow. tara, okay lang ba samahan mo ako mag-shower, then let's sleep na?"
"sige po."

naligo kami ni Sir Josh, at pagkatapos ay humiga na kami. yumakap sya sa akin at wala pang ilang minuto ay nakatulog na sya. pero ako ay dilat na dilat pa rin sa kakaisip sa isang bagay.

"malalaman mo yung worth nyan tomorrow."

to be continued...

10 June 2012

Balahurang Duraan

una sa lahat, kahit medyo huli na, isang pagbati ng maligayang kaarawan kay Kuya Robin!!! *hagis pink confetti*

* * * * *

i'm a man of humor and comedy. although alam kong marami akong drama sa buhay, mahilig pa rin ako sa comedy. but not the traditional slapstick comedy. and also not the okrayan comedy. though i admit that Vice Ganda and the likes gave me monstrous laughs, iyon yung mga tawang somewhat eh nakakakonsensya. kasi yung bawat tawa mong yun, may isa or dalawang taong nanliliit na sa kahihiyan (kahit na sabihin mong sport yan, somewhat nasasaktan pa rin yan kapag pinagtatawanan sya!).

and then there was light... a light that shone across the darkening world of comedy... a light coming from something weird... ilaw na nagmula sa isang dura!

yes, ladies and gentlemen! naduraan ako... and i love it!

nung huwebes, inaya ako ng kaibigan ko sa isang show. agad agad akong pumayag kasi una, free sya. pangalawa, wala naman akong gagawin. pangatlo, dalawang kembot lang yung location mula sa place ko. and finally, i've been hearing a lot about this show so i should grab this chance to watch it.

the show is called SPIT Manila... and let me tell you... ibang klaseng duraan to! pero bago tayo pumunta sa duraan mainstream, let's discuss the location muna.

ginanap ang show sa Quantum Cafe sa makati (regular showing every thursdays). dahil yata sa pagka-excited, maaga kaming dumating doon. sinalubong kami ng may-ari at itinuro kami sa table na naka-reserve for us. masasabi kong very sociable si Madam Donya (nakalimutan ko lang yung name) na may-ari ng cafe, nakiupo pa talaga sya with us at nakipagkwentuhan. and dahil daw special guests kami (apparently, nakalista pala kami as press!), she gave us access to the free buffet! yum yum! at least i don't have to spend for dinner that night! hehehe...

i checked on their menu habang pineprepare pa yung buffet, and i noticed one thing... healthy ang mga foods nila! yes, there are the typical chicken and pork dishes, pero karamihan ng items nila is focused on veggies! and kagaya nung nakalagay dun sa menu nila, low on sodium daw and zero transgram fat... parang oatmeal lang. sa mga health buffs at mga diet effect, this restaurant is a must try.

finally, okay na ang buffet, so kumain na kami. first is calabasa soup (not pumpkin soup, calabasa soup! hehe). masarap sya! i don't eat pumpkin, ah este, calabasa... pero nagustuhan ko yung soup. tama lang yung timpla, hindi nakakasawa. magandang appetizer.

after that, we served ourselves with greens and vinaigrette (tama ba spelling ko?) sauce. kung masarap yung pumpkin, ah i mean calabasa soup... MAS MASARAP ITONG SALAD!!! the greens are really fresh, parang kakapitas lang sa likod-bahay at agad na inilagay sa serving dish. the sauce (di ko na irerename, hirap i-spell eh!) is amazing... naparami pa nga yata ang kuha ko! i was so delighted with the salad, i came back for a second... third... and fourth serving!

then time for the main course. brown rice na may sari-saring green leafy stuff (di ko alam kung ano yun, basta gulay sya) and a choice of cream dory fillet (ano kaya ang hitsura ng cream dory na isda?) in lemon sauce or chicken fillet in garlic sauce. i opted for chicken, kasi yung isa sa mga kasama ko fish ang kinuha (makikitikim na lang ako, hehe). maganda yung pagkakaluto sa chicken. tender, yet sobrang flavorful. okay din yung fish. maganda ang pagkakasaing nung brown rice. and ang sarap nung pagkaka-season nya.

panalo ang foods. sayang nga lang at walang dessert. pero okay lang. the fruit juices are good as desserts na rin. my friend and i had ripe mango juice, yung isa naming kasama naman opted for green mango. both are amazingly good!

in short... PANALO ANG PAGKAIN NG QUANTUM CAFE! not to mention that the place is very cozy, and may wifi pa!

anyway... going back to the main event. a few minutes bago mag-start ang show, lumapit sa table namin si Chal (the girl from the coke commercial... ito ang beat, sabay-sabay, ito ang beat, bawal sablay) with a box containing markers, crayons, pieces of papers, a white board, a marker, and a pingpong ball. she oriented us what that kit is for and asked us to write a line from a song on a piece of paper. for whatever strange reason, i wrote this line.

no more walls, no more chains
no more selfishness and closed doors

ibinigay kay Chal ang papel (she's so pretty!) and she ended the orientation with a reminder... "no matter what happens, wag n'yo ibabato sa akin itong pingpong ball na ito ha! and just have fun!" then she left and went to the next table. lalo tuloy ako na-excite... bakit may markers? bakit may white board? at bakit may pingpong ball?

maya-maya pa ay nag-akyatan na sa mini-stage ang cast, and one of the girls started hosting the show. ipinakilala ang grupo at inorient kami on how the evening will be.

so the show will all be impromptu (well, almost all). there will be various parts in the show, and the inputs on the subjects of each part will come from the audience, which makes the show really interactive. and when we say subject, it can really go random from animals to SALN (ay... animal din pala yun, ehehehe), from science to fashion, from rated G to rated SPG... ANYTHING!

sinimulang painitin ang audience with a game of A-Z... we were all asked to finish the alphabet by naming something that we love to do during rainy season. the audience really started strong, sobrang hyper mode lahat! i can still remember the K-L-M part... K ended as Kissing, L ended as Licking, and M ended as... alam nyo na yun! tuloy tuloy lang kami sa alphabet, not knowing that the cast are actually taking note of the things we are saying... because they will use some of those inputs in an impromptu song after! ANG GALING! first part pa lang, ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa.

and from then on... sunod-sunod-sunod na makukulit na games and sections na. nagkaroon sila ng mini-game wherein they have to come up with an answer to the question "what are you doing" based on the letters that were given, again, by the audience. for example... the letters are F, U, C, and K... they came up with crazy ideas like... "fornicating underage children in korea" and things like that! basta! nakakatawa! there was also an impromptu tulaan about a topic that the audience gave... the controversial bayo ad! (i'll blog about this on a separate entry). meron ding beauty pageant (this is where they used some of the song lyrics), skits, teleserye thingies (dito rin, may song lyrics involved), and my favorite... motivational speakers! they have to act as an inspirational speaker in a symposium. as they speak, there are random powerpoint images being flashed and they have to relate it to whatever topic they are discussing. LAUGH TRIP!

i was even lucky to be a part of the last stint. i became the voice of god! ang bigat! there are two actors, acting out a scene (audience assigned them to act out the dilemma of counting salt!) and then in the middle of their play, they have to ask for "guidance" and "wisdom" from god... and that's where i come in. they handed me this book called "book of answers" and i have to randomly read a phrase out of it as an answer to their question. and then they have to relate my answer to the story, making sure that it is still coherent and on point.

the night ended after two hours of non stop laughing. i can't help but commend this group. what i like the most about this is that the performers are really really smart! sabi nila, mahirap magpaiyak kasi kailangang matumbok mo ang puso. pero mas mahirap magpatawa kasi utak ang kailangan mong kilitiin. and with a big group, and different levels of thinking, nagawa pa rin ng Spit na mapatawa at mapagulong sa sahig ang audience nila... without offending anyone! balahura ang tawanan, pero walang binabalahurang tao.

eto yung klase ng comedy na masarap panoorin. yung tipong hahagalpak ka sa kakatawa and matutuwa ka kasi you'll realize na "hey, may utak ako! nagegets ko yung joke!" eto yung comedy na hindi nakakahiya ipagkalat kasi walang nilalait, walang ipinapahiya, walang minamata. eto yung comedy na kayang bumuhay sa mundo ng stand up comedy. eto yung comedy na masarap ulit-ulitin kasi you'll never know what you'll get in the next show.

isang karangalan para sa akin ang mapanood ang Spit Manila. though nakakalungkot dahil hindi pa rin sila masyadong kilala ng lipunan. and so i promised to myself that i shall continue supporting this group, dahil yung mga ganitong klaseng palabas ang kailangang pag-aksayahan ng pera, at hindi mga kung-sinu-sino na ang tanging alam na paraan para magpatawa ay manlait ng kapwa nila.

* * * * *



Spit Manila performs every Thursday at Quantum Cafe in Makati City. For more information about their shows, visit http://www.spitmanila.com

in line with Spit Manila's 10th year anniversary celebration, they are holding a 4-day event called Manila Improv Festival from 28th June to 1st July. the event will include improv groups from the Philippines and other premiere improv groups from China, Hongkong, and the USA. show and reservation details can also be found on their website.

early reservation is advised as the location's seating (Quantum Cafe) are kinda limited. also, it is advised that you come to the show with an open and witty mind, as this can definitely be an advantage and may also be the key to a wonderful show.

* * * * *

Kuya Robin, pag umuwi ka dito sa pinas, let's watch this!

03 June 2012

Something Sensitive

today, i will talk about something sensitive. something na medyo taboo. isang bagay na hindi komportableng pag-usapan sa dining table, or sa public places. although i have already talked about this dito sa blog, i can still consider this as something serious.

today... i will talk about something sensitive. i will talk about my inexplicable kilikili fetish!

hindi ko alam kung kailan o saan nagsimula, pero napansin ko na lang na i really get turned on kapag nakikita ko ang kilikili ng isang guy. mabuhok man or kalbo, nalilibugan talaga ako. kaya nga dati, mahilig ako manood ng basketball matches. kasi maraming kilikili. imagine how orgasmic i turn out after the basketball game. and that's the reason kung bakit tumatakbo agad ako sa cr after the match.

and habang lumalaki ang junjun ko at ako sa pagsisimula kong makipagsapalaran sa buhay bakla, mas lalo akong naging attached sa body part na bestfriend ni Rex, ni Ax, at ni Sec! mula sa pagtitig-titig lang sa mga kilikili, nakahiligan ko na ang makipaglaplapan sa mga ito. kumbaga, bukod sa lips to lips, paborito ko rin ang lips to pits! (nung mga panahong bago-bagong bakla pa lang ako, hindi pa ako mahilig sa lips to ass! hehe.). iba-iba ang nagiging reaksyon ng mga nakaka-lips to pits ko. karamihan, nakikiliti. may ibang nandidiri. pero overall, nasasarapan naman.

and ngayon, naging speciality ko na ang lips to pits. hindi ko alam. pero once na nagsimula na ako sa lips to pits... dire-diretso na ang libog ko... CERTIFIED YAN!

and, narcissistic na kung narcissistic... pero kahit sa sarili kong kilikili, nalilibugan ako! kaya nga mahilig akong magpo-po-pose sa harap ng salamin everytime i'm topless or naked. gustong gusto ko yung nakikita ko kapag itinataas ko ang kamay ko. haha!

pero, on the contrary... kung anong hilig ko sa lips ko pits... ayokong-ayoko naman na dinidilaan ang kilikili ko! weird no? okay, sige... sa left armpit, okay lang. pero yung kanan... don't ever attempt, unless gusto mong masira ang araw mo! now, that's weirder.

meron akong isang client na kagaya ko ring sumasamba sa kilikili... si Sir... hmmm... Sir Kelly! kaya nung naikwento ko sa kanya during our "business meeting thru sms" na may fetish ako sa armpits, na-excite at nagpa-book agad si sir. ako naman itong tanga na nakalimutang sabihin sa kanya na the fetish is a one-way thing! bahala na. nakipagkita ako kay Sir Kelly at sinerbis sya.

nang magsisimula na kami sa extra service part after ng masahe, ipinaranas ko kay Sir Kelly ang langit sa pamamagitan ng pagdila at pagromansa sa kilikili nya. hayuk na hayok at sarap na sarap si Sir Kelly sa bawat pagsayad ng dila ko sa mabuhok nyang underarms. siguro tumagal ng sampung minuto ang pakikipagtuos ko sa kilikili nya... ganun ako kahayok sa armpits! itinuloy ko ang pagromansa sa buong katawan nya. at dahil na rin sa libog nya sa ginawa ko sa kilikili nya, ang lakas ng bawat ungol at hiyaw ni Sir Kelly.

pagkakataon na nyang romansahin ko. napansin kong nakawahak na sa wrists ko. teka... masama na to.

"patingin nga ng kilikili mo." sabi ni Sir Kelly, sabay taas sa braso ko. "wow! mukhang masarap nga ah!"

at bigla-biglang sinubsob ni Sir Kelly ang mukha nya sa left armpit ko. nabigla ako dahil sa kiliti, pero nakakayanan pa naman. hindi ko maiwasang matawa sa bawat himod nya.

"masarap nga!" tuwang-tuwang si Sir Kelly, parang batang dumidila ng lollipop, or pasosyal na kolehiyala na dumidila ng magnum, or baklang pa-girl na dumidila ng... ng... hmmm... ng hotdog?

at sa isang pitik, lumipat ang mukha ni Sir Kelly mula sa kaliwang kilikili papunta sa kanang kilikili. at sa isang pitik... naitulak ko si Sir Kelly!

"ay! shit! sorry po!" agad akong humingi ng tawad sa kliyenteng halatang nagulat sa ginawa ko.
"bakit ba?"
"sobrang malakas po kasi ang kiliti ko sa right armpit eh."
"ngerk! eh bakit sa kaliwa, wala naman?"
"meron, pero tolerable. for some weird reason, sobrang lakas ng kiliti ko sa kanan. sobrang sensitive."
"hindi yan. relax ka lang."

at itinaas ulit ni Sir Kelly ang kanang braso ko, dahan-dahang inilapit ang mukha sa kilikili kong medyo basa ng laway nya, at idinausdos ang labi nya dito.

at naitulak ko na naman sya!

"sorry sir. sobrang lakas lang talaga ng kiliti ko dyan. sobrang sensitive talaga yan."
"relax ka lang kasi."
"nagrerelax naman po ako eh."
"mas relaxed pa."
"sige."

nagpaulit-ulit ako ng hinga. inhale. outhale. inhale. outhale. inhale. outhale. sinusubukan kong (inhale) tanggalin sa utak ko na (outhale) may kiliti ako sa right armpit (inhale) habang tuloy tuloy pa rin (outhale) sa pagbuntung-hininga.

tinititigan lang ni Sir Kelly na parang (inhale) manyak ang kilikili ko habang nagrerelax (outhale) ako. hinihintay ni sir na (inhale) marelax ako para sigurado syang (outhale) walang sagabal sa kanyang (inhale) Armpit Adventures (outhale).

"okay na... try na natin sir."
"sure na yan ha?"
"opo. siguro. sige"

at kaysa maging hayok at brutal, minarapat ni Sir Kelly na maging malumanay sa pagdikit ng labi nya sa kilikili ko...

pero naitulak ko pa rin sya!

"sa kaliwa na nga lang!" banggit ni Sir Kelly, medyo natatawa ng kaunti.
"mabuti pa nga!"

mabuti naman at hindi nasira ang gabi ni Sir Kelly nun. pero may natutunan syang importanteng lesson sa akin... pag sinabing sensitive... sensitive! wag nang ipilit! mapa-kilikili man, o mapa-lovelife! (POTAH! SABAY GANON!!!)