kapag pasko... sabi nila, mas mahalaga ang pagmamahalan kaysa sa pera. minsan, naiisip ko... tama ba yun?
ito ang una kong pasko na wala akong christmas bonus (except syempre nung nag-aaral pa ako) at sa totoo lang, nakakamiss. nakakamiss yung pipila ka ng matagal sa atm at matutuwa ka kapag nakita mong 5 digits ang sweldo mo, tapos i-wiwithdraw mo lahat, sabay sugod sa shopping mall at bibili ng kung anu-ano para ipamigay kung kani-kanino. simula ng naging trabahador na ako, iyon na lang yata ang paraan para maramdaman ko ang diwa ng pasko. syempre, hindi na ako pwede mamasko sa mga ninong at ninang ko. hindi na rin naman ako ibibili ng bagong damit (o laruan?) ng parents ko. kaya ang gumastos para sa sarili at sa ibang tao naman ang paraan para maramdaman ko ang christmas season.
pero ngayon, hindi ko to magawa.
ngayon kasi, bawat sentimo eh kailangan ko tipirin, dahil wala naman kasiguruhan sa work ko. ewan ko sa ibang masahista, pero ngayong december ay sobrang mahina ang business. siguro dahil iniisip ng mga clients na kaysa gastusin nila ang pera nila sa pakikipagsex sa isang taong hindi nila kilala ay bibili na lang sila ng regalo para sa mga taong kilala nila. o kaya ay idodonate na lang nila sa mahihirap. well, nananawagan po ako... isa ako sa mga mahihirap na yun! argh!
madalas sinasabi ng mga tao na madali ang trabaho namin. kaunting landi, kaunting libog, pera agad ang katapat! yung part na yun, oo, MEDYO madali. pero ang maghanap ng client, ang mag-convince ng client, ang makipagbaratan sa presyo, at higit sa lahat, ang makipag-sex sa taong hindi mo kilala at, madalas (aminin na natin!) eh hindi mo trip... yung ang mahirap... NAPAKAHIRAP!
madalas napapaisip ako na maghanap na ulit ng "matinong" trabaho para hindi na ako nagkakaganito... pero ewan ko ba, hindi ko talaga magawang iwan ang trabahong ito. siguro nga kasi minahal ko na ito...
at naramdaman ko ang diwa ng pasko... mas mabuti na ngang mahal mo ang ginagawa mo kaysa pera ang iniisip mo.
bahala na si bro!
No comments:
Post a Comment