04 December 2009

Boy(friend) Shiatsu

may boyfriend ka na ba?

isa na ata ito sa mga pinaka-common na naitatanong sa akin. dalawa ang pwedeng sagot, at pareho ko ididiscuss.

una...

meron.
talaga? eh ano naman ag reaksyon nya sa trabaho mo?
ok lang daw.

dati, may boyfriend ako, and mga two weeks nang kami bago n'ya nalaman na masahista ako. wala na daw s'ya magagawa, pero ok lang naman daw sa kanya yun.

sabi ng mga kaibigan ko, isa sa dalawang bagay lang daw yun... either open minded talaga yung boyfriend ko, or hindi s'ya seryoso sa akin. hindi ko na inalam kung ano ang totoo, basta nung mga panahong yun, masaya kami.

pero nagkahiwalay din kami. at ibang kwento na yun.

pangalawa...

wala.
weh? siguro maraming nanliligaw sa'yo.
may ilan-ilan.
eh bakit wala ka pang sinasagot?

bakit nga ba? hindi ko rin alam. well, may ilan-ilang nanliligaw, pero kadalasan naman eh hindi seryoso. matapos ang ilang araw na pagpapacute, bigla na lang nawawala sa sirkulasyon.

sabi ng kaibigan kong masseur din, kaya lang daw nanliligaw yun eh para makalibre sila ng masahe o sex. ayoko sana isipin yun, dahil gusto ko isipin na nililigawan nila ako dahil gusto talaga nila ako. pero based sa mga experiences ko, mukhang totoo nga yung sinasabi ng kaibigan ko.

pero, eto ang isang tanong na hindi pa naitatanong sa akin... pero gusto ko i-discuss.

may mga nililgawan ba ako?

oo naman! masahista ako pero tao pa rin ako. nagkakacrush pa rin ako, nagkakagusto pa rin ako, at nanliligaw pa rin ako. ano nangyayari?

maniwala kayo't sa hindi... basted!

bakit nga naman hindi? isipin mo, masahista ang boyfriend mo. nakikipagsex s'ya kung kani-kanino. ibinebenta n'ya ang katawan n'ya para magkapera. mahirap nga naman diba?

pero eto ang isang bagay na hindi naiintindihan ng karamihan. ang akal ng lahat ay hindi kami marunong magseryoso. pero, sa totoo lang, (ewan ko sa iba) ako yung tipo ng tao na naghahanap ng mamahalin at magmamahal sa akin. oo, masahista ako, pero hindi ibig sabihin nun na hindi ako marunong umibig. at masakit kasi ang trabaho ko ang nagiging dahilan kung bakit hindi ako kayang mahalin ng mga taong gusto kong mahalin. baka daw saktan ko lag sila. baka daw lokohin ko lang sila. ganun ba ang tingin nila sa akin? nananakit? nanloloko? hindi nagseseryoso? bakit? kasi masahista ako.

masaya ko ng naging masahista ako, pero sabi nga nila, kapag masaya, may mga bagay na kailangan mo isakripisyo. sabi ng kaibigan ko, to find your perfect partner, you must be the perfect person. alam ko, walang perfect person, pero naiintindihan n'yo naman siguro yung point n'ya diba.

masahista ako, does it make me a lesser person? dahil ba masahista ako ay wala na ako karapatan maging masaya at hindi na ako pwedeng mahalin?

4 comments:

  1. what we do does not define us nor makes us lesser than anybody...what define us is how well we rise each time we fall

    ReplyDelete
  2. nagkaboyfriend ako na masahista... start sa masahe hanggang nahulog ang loob ko sa kanya dahil sa malasakit nyang mapagaling ang masasakit kong balikat... me aruga at malasakit sya indi intindi oras. at me puso, indi na kailangan pang ask ng extra alam nya na un. at pag ginagawa nya ang extra, parang magsyota kame... kaya nagkaganoon na nga tuloy.

    sinabihan ko lang na wag gagamit ng walang protection, at kung puede wag sya o-oral. saka kung puede ang ibenta na lang nya ay ang masahe not his body. later ok naman lahat sa kanya. magaling talaga kaya un mga customers, dismayado man na walang sex, gets pa rin sya dahil nga sa husay nya magmasahe. nagkahiwalay lang kame dahil nagbarko sya at nag asawa. nagtetext pa rin kame madalas. mas naging mabuti kaming magkaibigan.

    ReplyDelete
  3. May karapatan kang magmahal at mahalin... ang di lang naiintindihan ng mga tao o nakakalimutan nilang intindihin eh iba-iba tayo ng mga sitwasyon sa buhay. Hintay ka lang, darating rin yan ^_^

    ReplyDelete
  4. ako rin, nagkaroon ng karelasyon na masahista pero hindi rin kami nagkatuluyan kasi dumadating sa punto na nagseselos ako, ewan ko ba, ganun ko sya nakilala preo hindi ko pa rin mapigilan na magselos, hay....

    ReplyDelete