24 April 2013

Rebound

alam mo yung eksenang umiyak ka na at sumuko, at tinanggap mo na ang masakit na katotohanan na hindi na muli syang magiging sayo... tapos sa isang magandang ihip ng mapaglaraong tadhana, pareho nyong napagdesisyunan na mag-usap at muling bumalik sa piling ng isa't isa!

ganun! ganun kami ni Jack Frost! hahaha!!!

15 April 2013

Jabbawockeez

isa sa mga pinakamagaling na grupo na sumali sa america's best dance crew (one of my uber-favorite shows) ay ang Jabbawockeez. kahit na ang pinaka-paborito ko sa season na yun ay Kaba Modern (yeah!!), masasabi kong magaling pa rin ang Jabba, and they deserve the championship trophy. siguro nakatulong talaga sa kanila yung maskara nila. dahil hindi nakikita ng tao ang mukha nila, mas nakafocus ang manonood sa kung anong sayaw ang pinapakita nila. nakafocus ang tao sa palabas na gusto nilang ipakita sa tao. sabi nila, sa mukha ng tao nakikita ang tunay na nararamdaman nya, ang tunay na "siya." ang Jabbawockeez, naitatago nila yung mukha nila, kaya ang nakikita ng tao ay yung kung ano ang gusto nilang makita.

ganito rin ang masasabi kong naging paraan ng pamumuhay ko. sa bawat taong makakasalamuha, sa bawat grupo makakahalubilo, sa bawat kompanyang pinapasukan, sa bawat kliyenteng sineserbisyuhan, nakasanayan ko nang magsuot ng maskara upang mas mapansin ng mga tao ang kung ano mang kailangan nila at ng walang paghuhusga sa kung ano man talaga ako. sanay na ako sa laro ng maskara. sanay na ako sa sayaw ng Jabbawockeez. sanay na akong mabuhay sa likod ng papel na mukha.

marami sa mga maskarang ito ang nakita at nakasalamuha ni Jack Frost. bawat araw ng pagkikita namin, ibang pagkatao ko ang nakikita nya. pero ang masarap dito, kahit ano pa man ang maskarang iharap ko sa kanya, maluwag nya itong tinanggap at minahal. mula sa pagiging maldito, sa pagiging suplado, sa pagiging pa-cute, sa pagiging matalino, sa pagiging tanga... lahat ito, minahal nya.

at naisip kong siguro ay panahon nang ipakita ko ang tunay na ako. dumating ang araw na sinagot ko si Jack Frost, at ipinangako ko sa sarili ko na mula sa araw na iyon, hindi na maskara ang ihaharap ko sa kanya kundi ang totoong ako na.

yun ang problema... masyado kong itinago ang sarili ko sa likod ng napakaraming maskara, to the point na mismong ako, hindi ko na kilala ang sarili ko. hindi ko na alam kung gaano karami, kalalim, at kapangit ang mga pilat sa mukha kong matagal na panahon kong itinago sa maraming tao.

alam ko sa sarili kong mahal ko si Jack Frost at mahal nya rin ako. pero ang malaking problema ay ang mga pansarili kong issues. marami akong nagawang mali. maraming beses kong nasaktan ang taong nagmahal sa kabuuan ko. at, sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit nagawa at ginawa ko ang mga yon.

at dumating na nga ang oras na ayokong dumating... bagama't mahal namin ang isa't isa, may mga bagay na kailangang wakasan para sa ikabubuti naming dalawa.

muli ko na naman syang nasaktan, at doble ang sakit na nararamdaman ko dahil dito. mahal ko sya, minahal ko sya, at mamahalin ko sya. pero tila hindi pa ako karapat-dapat para sa kanya. marami pa akong kailangang ayusin sa sarili ko. marami pang dapat baguhin. marami pang dapat ibahin. and, unfortunately, hindi tama na nandyan lang siya habang inaayos ko ang sarili ko dahil along the process, papalpak at papalpak ako, at masasaktan ko sya, at masasaktan ako dahil nasaktan ko sya.

Jack Frost ko, sana ay nababasa mo ito. patawarin mo ako sa mga nagawa ko sayo. maniwala ka sana na mahal na mahal kita, at masakit sa akin ang nangyaring ito. kung ako lang ang tatanungin, gusto ko nandito ka lang palagi. you made me feel special again. you made me realize how good it is to be loved despite the fact that i am a whore. you made me appreciate myself more. you inspire me to be a better version of myself. pero hindi ko kakayaning makitang nasasaktan ka ulit dahil sa mga kapalpakan ko. kaya kahit masakit, siguro nga ay kailangan talagang pakawalan muna kita. aayusin ko ang sarili ko hangga't kaya ko, at umaasa ako na sana pagdating ng panahon na yun ay nandyan ka pa rin upang maipakita at maibigay ko sayo ang pagmamahal na dapat sayo. pero kung sakaling hindi ako palarin, maiintindihan ko. mamimiss ko ang mga buffets. mamimiss ko ang pang-aasar mo sa akin sa telepono. mamimiss ko ang mga pangingiliti mo. mamimiis ko ang mga stolen kisses. mamimiss ko ang mga walang kwentang conversations. mamimiss ko ang mga yakap mo. mamimiss kita, namimiss kita...

at habang inaayos ko ang sarili ko, muli ko na namang isusuot ang isang maskara para patuloy lang akong makapagsayaw sa tugtog ng buhay, umaasang maayos ko ang mukhang puno ng pilat, peklat, at sugat, at dumating ang panahon na muli kong mahubad ang maskara ng hindi natatakot na makasakit ng taong nagmamahal sa baldadong mukha sa ilalim nito.

06 April 2013

Memoirs of a Gay-Sya

let's go back in history... Geisha... ano ba ang definition nito?

Merriam-Webster: a Japanese girl or woman who is trained to provide entertaining and lighthearted company especially for a man or a group of men

Wikipedia: traditional Japanese female entertainers who act as hostesses and whose skills include performing various Japanese arts such as classical music, dance and games.

Dictionary.com: a Japanese woman trained as a professional singer, dancer, and companion for men.

Britannica: a member of a professional class of women in Japan whose traditional occupation is to entertain men, in modern times, particularly at businessmen’s parties in restaurants or teahouses.

Movie Geeks: Zhang Ziyi dancing in 12-inch high shoes with a japanese umbrella, traditional kimono, and fake snow; paired to Ken Watanabe

may common factors ang definitions ng iba't ibang reliable sources na ito (except the last one, imbento ko lang yun!) -- may babae (haponesa) na aaliwin ang isang lalake sa iba't ibang paraan. amazing, diba?

eh ano naman ngayon ang pakialam ko sa mga geisha? wala lang, minsan kasi pakiramdam ko ay isa akong geisha (ansaveh?!?!?!). ayon sa aking pananaliksik (na itago na lang natin sa bansag na "codename: dvd"), matinding pagsasanay ang pinagdadaanan ng isang babae bagong maging isang ganap na geisha. ang bawat hibla ng buhok, bawat lapat ng make-up, bawat tupi ng damit, kailangan impeccable! bawat salitang lumalabas sa bibig, bawat kumpas ng kamay, at bawat hakbang ng paa, kailangan impeccable! sa bawat kantang aawitin, bawat instrumentong tutugtugin, o bawat sayaw na itatanghal, kailangan impeccable. at dahil dito, napagtanto ko ang dalawang bagay... una, maituturing ko rin ang sarili ko bilang isang geisha; at pangalawa, ang lakas maka-alta-sosyodad at maka-intelihente ng salitang "impeccable."

bilang isang masahista, samu't saring pagsubok at pag-aaral din ang kailangan ko daanin bago makapasok sa trabahong ito. pero, hindi lahat ng training na ito ay classroom type. kasama sa mga pagsubok ang paglunok ng pride, pagpapakapal ng mukha, paghasa ng negotiation skills, at pagalingan sa pagkuha ng karisma ng kliyente... mga skills na kailangan ng isang masahista. idagdag pa natin ang pagpapaganda ng katawan, pagporma ng kaakit-akit, pagpapapogi ng mukha, at pagpapataba ng putotoy (kung paano man gawin yun, hindi ko ise-share! hahaha!). hangga't maaari, dapat lahat ng aspeto... everybody say it... impeccable! parang geisha lang.

and then, sugod na sa trabaho. hanapin ang mga lalaking naghahanap ng aliw, ng kaligayahan, ng karamay, ng kalaro, ng katulong, ang kung anu-ano pang ka-*insert word here*. gawin ang trabaho, pangitiin ang kliyente, paulit-ulit lang. parang geisha lang.

going back to the common definition, ang geisha ay isang babae na aaliwin ang isang lalake sa iba't ibang paraan.

teka teka teka... bakit nga ba bigla na lang akong nagdadadakdak dito tungkol sa mga babaeng espasol? eto kasi yung twist dun... binanggit na yung geisha ay isang female, pero binanggit ba kung isa syang straight female, bisexual, or lesbian? hindi naman diba!

o sya, titigil na ako. eto na... eto na yung totoong pinagmulan ng kwento. habang nanonood ako ng anime kasama ang pamangkin ko, nag-ring ang telepono ko.

BS: hello?
Customer: si *insert name of pogi here* ba ito?
BS: yes. who's this? (side comment: nakanang deputa... english! bumalik lang sa call center, wikang banyaga na agad!)
Customer: ah, si Bruno ito.
BS: ah, okay po. kumusta po?
Sir Bruno (SB): nakuha ko number mo sa *insert name of website here*. nagmamasahe ka ba?
BS: opo
SB: magkano charge mo?
BS: *mentions price* po
SB: okay. ayus. ilang oras yun?
BS: isang oras po yung masahe?
SB: so masahe lang yun?
BS: may extra po, kasama na sa bayad
SB: gaano katagal naman yung extra
BS: depende po.
SB: depende saan?
BS: hindi ko po kasi inoorasan. ang mahalaga po is makaraos ang customer. kung mabilis o mabagal, basta mahalaga makaraos
SB: so 45 minutes? (side comment: ang tanga diba? di ko nga inoorasan, tapos 45 minutes? haha!)
BS: iba-iba po talaga eh. basta dapat po makaraos.
SB: okay. maganda yun. nag-aral ka ba ng masahe?
BS: opo. tesda trained po ako. (side comment: totoo to!)
SB: ah... maganda. anong extra mo?
BS: sex po. romansa.
SB: magaling ka ba sumubo?
BS: opo (side comment: naks! confident!)
SB: humahalik?
BS: opo
SB: ano pa kaya mong gawin?
BS: tumitira din po.
SB: nagpapatira ka?
BS: hindi po.
SB: bakit?
BS: preference lang (side comment: ang taray ng sagot!)
SB: bakit, pag tinira ka na, ano ka na?
BS: hehehehe... (side comment: tumawa lang ako, kasi hindi ko na-gets yung tanong nya)
SB: taga-saan ka?
BS: sa ngayon po, nasa binangonan ako
SB: ang layo pala.
BS: taga-saan po ba kayo?
SB: manila
BS: ahhh
SB: so, saan ka pwede?
BS: hmmm... cubao, accessible po ba?
SB: hindi eh.
BS: recto?
SB: sige. mukhang okay naman ang package mo. kailan ka pwede?
BS: kailan nyo po ba plano magpaservice?
SB: next week, pwede ka?
BS: opo.
SB: lunes?
BS: sige po.
SB: sige, set na natin yan.
BS: okay po.
SB: teka, may asawa ka na ba?
BS: wala po.
SB: anak?
BS: wala rin po.
SB: eh girlfriend?
BS: wala po. gay po ako. (side comment: i don't use bisexual to describe me as a gay guy that still looks like a guy, just like what most people do)
SB: ha?
BS: gay po. pero hindi po parlor na gay. discreet gay po.
SB: ah, ganun ba?
BS: opo.
SB: teka...bakla ka tapos nagseservice ka?
BS: *silence* (side comment: tumahimik na ako kasi alam ko na yung point nya eh, pag sumagot ako, argumento to!)
SB: tawagan kita ulit mamaya.
*end of call*

at makalipas ang ilang minuto ay nagtext si Sir Bruno...

"hindi na lang ako magpapaservice. masyado kang malayo eh."

in which, sumagot ako.

"o ayaw nyo lang po ng gay na masahista? no worries. have a good day."

at nagreply si Sir Bruno na talagang naging dahilan ng pag-init ng panahon sa buong binangonan

"eh kasi bakla ka. baka mamaya pagsamantalahan mo lang ako. lalake ang gusto kong magservice sa akin, hindi bakla. gago!"

hindi na lang ako sumagot... at baka kung ano pang masabi ko. natatawa lang ako kay Sir Bruno. oo, naiintindihan ko na may kanya-kanya tayong preferences. pero ang pag-isipan ng masama ang bakla dahil pinapasok nya ang trabahong "panglalaki" lang ay isang kahibangan. eh ano naman ngayon kung gay sya? na baka magsamantala sya? na baka gawin nyang biro-biro ang trabaho? na baka hindi sya makapagperform ng isang impeccable performance? parang wala pa yata akong nakikitang job description na naka-specify na ang trabaho ay pang-straight lamang, dahil kahit anong bali-baliktad ang gawin mo, hindi nakakaapekto ang sexual preference ng isang tao sa trabaho nya. or... let me change the wordings... walang kinalaman ang sexual preference ng isang tao sa trabaho nya. nakakita na ako ng mga baklang bumbero, tomboy na beauty queen, straight guy na hair stylist, straight girl na tattoo artist... and they all do their job impeccably! bakit? kasi it's not about their sexual preference. it's about their skills. it's about their dedication to their craft. it's about their willingness to defy the norm and just do the freaking job and excel in it.

nakakatawa na gustong-gusto ni Sir Bruno ang package ko, and all of a sudden eh nireject nya ito dahil lang bakla ako. well, he don't know what he's missing. and just like a beautiful geisha, i elegantly placed my phone back to the table, poised-ly walked my way back to my chair, beautifully positioned myself in a comfortable seat as i watch the anime with my pamangkin... sabay halakhak ng malakas, talsik-laway pa!