limang buwan akong nagtrabaho bilang personal assistant... at sa loob ng limang buwan na yon, nawalan ako ng sariling buhay dahil kinailangan kong mabuhay sa anino ng ibang tao. bagama't nakalagay sa kontrata ko na i will work mnonday to friday, hindi na ako nagrereklamo kapag pinagtatrabaho ako ng sabado o linggo. hindi na ako naiinis (minsan) kung kinakailangan kong i-cancel ang mga importanteng lakad ko dahil kinakailangan ako ng boss ko para gumawa ng excel files, financial reports, or kung kailangan nya ng tagabili ng biskwit sa kanto. nawalan ako ng personal life dahil kailangang lagi akong naka-ready para saluhin ang ilang maliliit na bagay sa buhay ng boss ko.
hindi ko ikinakaila... marami akong natutunan sa pagiging personal assistant. marami akong mga bagay na nadiskubre tungkol sa sarili ko, at marami akong mga bagay na nagawa na hindi ko akalaing magagawa ko... kagaya ng pagtanggap sa mga pangmamaliit sa akin ng boss ko.
malaki ang utang na loob ko sa boss ko, kasi kahit wala naman akong experience sa pagiging personal assistant ay tinanggap nya pa rin ako. marami syang naituro sa akin. at marami rin akong natutunan sa kanya. hindi nga lang lahat ay maganda.
sabi ng mga kasama ko sa trabaho, ganun lang daw talaga si boss kapag mainit ang ulo. short-tempered. at matalas ang dila. sige, pagbigyan. pero, kung paulit-ulit na, hindi ko na yata matatanggap. kesehodang sya ang nagpapasweldo sa akin, trabaho lang ang binabayaran nya sa akin, hindi ang buo kong pagkatao. sa tingin ko, kahit gaano kalaki pa ang sweldo ng amo sa kanyang assistant, kahit kailan ay hindi sya magkakaroon ng karapatan na maliitin ang kakayanan ng assistant nya.
minsan ay nautusan akong bumili ng isang machine na gagamitin sa isa sa mga businesses nya. ano naman ang alam ko sa pagbili ng machine? so kumunsulta ako sa ilang mga kasama sa trabaho. hanggang sa ang naging ending, sila na ang pumili ng size at specifications mg machine, at ako na lang ang bibili. nabili ko naman ang machine, pero masyadong malaki. at sino ang sinisi ng boss ko? ako! kasalanan ko daw na hindi ko sinukat ang paglalagyan ng machine. bakit? kasi daw tamad ako! at bobo! at walang kwenta.
tanggap ko ang kamalian ko, pero hindi ko tanggap na tawagin akong bobo at walang kwenta dahil sa kapalpakan ng ibang tao. at dahil ayoko ng gulo, tinanggap ko na lang.
dumating ang mga araw. paulit-ulit nang nangyayari na may papalpak na ibang tao, pero ako ang pagbubuhusan ng galit ng boss ko. ako ang matatawag na incompetent. ako ang matatawag na tanga. ako ang matatawag na bobo. ako ang matatawag na isang malaking aksaya sa kompanya.
hanggang sa dumating ang isang araw na hindi ko na napigilan. kasi, pati ba naman pagloloko ng laptop nya, kasalanan ko pa rin.
boss: my laptop is not charging!
bs: sir, sige po, icheck ko later.
boss: why haven't you checked it before?
bs: sir, ginagamit nyo po.
boss: alam mo naman palang may mali, you should have done something about it!
bs: sorry po sir.
boss: this is so incompetent! napakatamad mo kasi! puro ka laro at kulit samantalang there are issues like this. my god! you're such a waste of money! tamad ka kasi. mga bagay na ganito, ni hindi mo man lang gawan ng paraan. so, my technology cannot keep up with me... sasabayan pa ng bobong assistant. this is too much. learn to cooperate naman, hindi yung puro kamig lang ng pera.
nanginginig na ako sa galit habang tuloy tuloy sya sa pagsasalita, pero hindi ako sumagot. kasi may respeto ako sa kanya. hindi bilang tao, kundi bilang boss. paglabas na paglabas nya ng opisina, agad akong nag-breakdown at naiyak. naiyak to the point na hindi na ako makatayo. sobra na ang pangmamaliit sa akin ng boss kong bobo naman sa technology.
at hindi pa ako tinantanan. tuloy tuloy pa rin ang text.
boss: the staff doesn't know that there is a meeting, i thought you texted them.
bs: i did po. twice.
boss: but some of them are not here. so what am i gonna do? nakakastress naman. gawin kasi ang trabaho!
bs: i'll call them po.
boss: my god! sayang ang oras! incompetence!
that defines it. hindi ko na makakayanan pa na makarinig ng pangmamaliit dahil sa mga bagay na hindi ko naman kasalanan. hindi ko na napigilan ang sarili ko na manginig at maiyak dahil sa mga nangyayari. i know i am smart. i know i am competent. i know i don't deserve this.
mahaba pa ang araw pero alam kong hindi ko na kakayanin mag-function kay nagpaalam ako sa hr na mag-ha-halfday ako at mag-li-leave for a few days. naintindihan naman ako ng hr. agad akong nagbalot ng gamit at umuwi ng rizal. habang nasa byahe, nakatanggap ako ng text mula sa boss ko.
thank you for your resignation.
yes! ganung kabilis! ang leave ko, naging instant resignation. ang ilang araw sana na ipapahinga ko, naging permanenteng pagkahiwalay sa kompanya. it's his company. it's his rules. i have no choice but to abide.
now, here i am, jobless and destroyed. matapos ko pagsilbihan ang boss ko ng ilang linggo, ganito ang mangyayari sa akin. hindi ko alam kung ano ba mismo ang naging kasalanan ko. basta ang alam ko, wala akong ginawang masama. okay, mali yung nagbreakdown ako at nag-half-day. pero, that was just one of the very few moments na inintindi ko ang sarili kong nararamdaman instead of my job. hindi naman siguro mali na paminsan-minsan ay bigyan ko ng atensyon ang nararamdaman ko diba? wala naman sa kontrata ko na kailangan kong maging robot.
hindi ko ikakaila na may sama ako ng loob sa boss ko. hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng sama ng loob na ito. basta ang alam ko, wala akong ginawang masama. ayokong may mangyaring masama sa kanya, pero naniniwala ako sa karma. kung karma ko itong nangyari sa akin, malakas ang loob ko na may karma ring naghihintay sa kanya.
"Tamad, bobo at walang kwenta.." Maybe your boss was talking about himself and not you? LOL
ReplyDeleteAlam mo, ang sakit nga isipin kung may ibang tao na ganyan ka tratuhin. Napagdaanan ko na rin yung ganyan. Magpahinga ka muna, tapus kapag mejo nakabawi ka na saka mo subukang humanap ulit ng mapapasukan. Importante rin na may natutunan ka sa pinagdaanan mo para hindi na rin maulit :)
ReplyDeleteemail mo na lang ako kung gusto mo mag usap ha?
ingat
May mga ganyan talagang tao. Kaya nga we have to remember na may choice tayo kung sino ang gusto nating pakisamahan. Maybe he has a PA before you na talagang umaakto ng ayon sa gusto nya and hinahanap nya sayo yun. Expectation ba.
ReplyDeleteAnyway, be happy na wala ka na dyan. Ang mga tao talaga mahilig pumasok sa mga bagay bagay kahit na hindi sila masaya para lang sa pera or some other reason.
isa syang malaking kupal at mamatay din sya. sorry nadala lang :) @sam
ReplyDeleteI feel for you. Kahit sino pa siya, he has no right to demean you. What you experienced with your former boss was actually a form of harassment. I hope you're doing better now and don't let mean words degrade you.
ReplyDeletei'd say you handled the situation really well. kasi kung ako siguro ang niraratrat ng ganon harap-harapan, i could easily go to jail dahil naihampas ko sa mukha nya ang laptop nya! that is one thing i hate about bosses here. not generalizing of course, pero marami dito mga ego trippers. nakapwesto lang sa isang desk kala mo panginoon na. they are the ones who have several diplomas and masters degrees and yet didn't really get educated. yaan mo one day, you'll be the owner of a call center at mag-aaply naman sya sa yo na janitor!
ReplyDeleteps lang... i think you can sue him for wrongful termination... yon naman eh kung pag-aaksayahan mo sya ng panahon (and money of course). but if not now, someday makakakita rin sya ng katapat.
ReplyDeleteActually bro, you do have leverage over him.
ReplyDeleteMali ang ginawa niya sayo. May sira siya sa pag-iisip kasi ipinapahid niya ang insecurities niya bilang tao sayo na isang whole and self-made composed individual. Mali yon.
If I were you, you have two options. Number one, ipa-barangay mo siya, Boss o hindi, milyonaryo o mamamalimos, pare-pareho ang karapatan natin at kung ipapabarangay mo siya. Wala siyang choice kundi umattend or else face a warrant of arrest later in the fiscal.
Hindi mo naman tutuluyan ang kaso, pero gusto mo siya abalahin. At pag nagmayabang siya sa barangay lupon, kaso na naman iyon. Nakatira tayo sa isang malayang bansa, bullying is against the law. And if thats brought before a judicial body, TALO palagi ang bully, kasi the law does not tolerate this behavior.
Subukan mo yun bro, gusto ko makita mag-makaawa yang boss mo sa harap mo, or magwala siya sa harap ng barangay lupon, showing the monster that he is.
Another thing you can do, and I prefer this, is to use your KEY ADVANTAGE; you're popularity in the web.
Post his cellphone number, his real name, his home address, here in your blog. As well as every sensitive information you know about him, account number, bank, ID scans, everything. It's not criminal, It's not a privacy issue, you are free to do that.
I'm sure the web-goers will tear him apart even stalk him. He does not know what he just crossed, us new-age youth are a terrible force to be reckoned with because we have the power of the web behind us.
On any thought, please know na mentally unstable ung boss mo and that doesn't change who you are as a person. His rants only prove his own mental issues, and insecurities, those words should not stick to you. Because only YOU can decide what you think and feel about yourself. Without your consent, those words are just air disturbances with no meaning. You are defined by your actions and your deeds.
And it isn't because he is rich and you are poor. No. Hindi naman sa pagmamayabang pero we are extremely rich with 9 cars and a dozen houses pero we had an experience with someone who had ONE crappy car (1999 model) and living in a SQUATTED house talk down on us. Can you believe this? kung sino pa ang mahirap, siya pa ang nagmura sa mayaman.
Do you think we should be affected? Should we feel less about ourselves? Delusional yung tao kasi feeling niya napakayaman niya kahit na nag-squat lang siya and bulok ang nag-iisa niyang kotse. Naiingit lang samin. Pero I choose not to be affected. Ako pa rin ako. Kahit na may nag-aayos samin ng tubo, o naglilinis ng aircon, nag "Po" parin ako sa kanila kahit trabahador lang sila. I will not be affected, my behavior will not be modified.
The point being is that bullying is not just by the rich to the poor, don't look down on yourself. Like me, its the poor bullying the rich, same effect, gusto nila sirain ang pagtinging natin sa ating sarili.
i admire you because you are fearless and you speak your mind and your desires through this blog. Never change. You're young and handsome, inggit lang yung boss mo sayo kasi napakatanda na niya napakapangit pa.