sa tagal ko na sa business na ito, maraming beses na akong nareject. yung tipong sa inquiry stage pa lang, alam ko na if the client is a go or a no. halata naman kasi sa mga texts nila eh. and kahit sa text lang, nakakapa ko na rin agad yung dahilan on why the client is rejecting the offer. halimbawa, pag nagtanong ng "how much do you charge?" at sumagot ako with my template... pag hindi na sumagot yan, ibig sabihin nun... korek! namamahalan sya sa charge ko at wala sya sa mood makipagtawaran, siguro kasi aware sya na hindi rin naman ako magpapatawad. in english, i will not forgive! (ang labo!) minsan, medyo complicated yung mga reason, pero nadedecipher ko pa rin. kasi sa isa or dalawang statements lang naman, lalabas na talaga yung reason kung bakit hindi ka nila iha-hire eh.
pero, ibahin natin si Sir Will. pangalan pa lang, may determination na. Will. malakas ang paninindigan at determinasyon... bigyan ng jacket!
nagtext isang araw sa akin si Sir Will at nagtanong kung nagseservice daw ako. hindi ko alam kung bakit hindi agad ako nakareply (dalawang bagay lang yan... masyadong busy, or masyadong tamad... bigyan ng cd!). mga isang oras na yata yung text nya bago ako nakapagreply. kaya eto na lang ang naging sagot nya.
"naku, sayang, may nakuha na akong iba. next time na lang."
okay lang sa akin yun. kasalanan ko naman kasi eh. masyado akong busy-slash-tamad kaya hindi ko agad na-accommodate. sa business talaga, speed is the name of the game.
sa kabutihang palad (sa english, in a mushroom palm...), nagtext ulit si Sir Will after a week para magtanong nung nagseservice daw ako. agad-agad kong iniwanan ang lahat ng ginagawa ko nun at nagreply kay Sir Will. nagtanong sya kung magkano, at sinend ko agad ang template. isinama ko na rin ang template para sa extra. natapos ang conversation sa ganitong reply.
"okay, sige, salamat. text kita mamaya. nasa opisina pa ako eh."
hindi ko na lang kinuwestiyon kung bakit sya nasa opisina kahit linggo. baka naman dedikado at determinado (sa english, dedicated and, er, determinated?) siya sa trabaho nya.
ilang araw ang lumipas, nagtext ulit si Sir Will... nagtatanong ulit kung nagseservice daw ako. kaswal na lang akong sumagot, nakakasawa na eh. paulit-ulit. tinanong nya ulit ang rates ko at services ko, so i sent the template. hindi na ako nag-expect na sasagot sya, pero nagreply pa rin. nagtatanong kung may fb daw ako. since hindi ko ipinamimigay ang fb ko, ibinigay ko na lang ang link sa kanya ng pictures ko. and, as expected, daig pa ni Sir Will ang mangkukulam at feng shui experts sa dami ng pangontra.
"limited ang internet access ko dito sa opisina eh."
sumagot na lang ako ng "ok po." sabay tanong sa sarili ko kung saan kaya ang opisina nila... bawal ang pic links pero may access sa facebook... palakpakan! bigyan ng five thousand!
mga dalawang linggo na ang lumipas ng nagtext ulit si Sir Will. kahit ayoko nang magreply, kailangang maging mabait pa rin ako sa pagtrato sa mga nagtatanong (in english, questionnaires!). reply ng casual sa mga tanong ni Sir. pero medyo humahaba ang conversation, nagkakaroon ng sense. nagtanong si Sir Will kung wild daw ba ako sa kama, kasi sya daw eh talagang hayok sa sex at hindi daw pwede na hindi sya kayang sabayan ng kapartner nya. syempre, sales talk na naman ako. na-impress si sir na pakiramdam nya eh magtutugma ang energy namin in bed. tinanong ni sir kung nakakailang putok (in english, body odor!) daw ako kada service. sabi ko, syempre standard ko is isa lang kada service. uminit ang ulo ko sa response nya.
"tangina! wala ka pala eh. mahina ka!"
ang galing diba? bigyan ng wilfone!
pero dahil nasa mood na rin ako makipag-asaran, bumanat pa rin ako.
"gusto mo ba ng maraming putok? dagdag bayad yun!"
"ganun ba? magkano naman?"
"well, depende sa kung magkano ang kaya mo."
"okay. may pictures ka ba?"
"*sends pic link*"
"sige, nasa labas lang ako ng bahay. text kita mamaya pagkakita ko ng pics mo."
at dyan nagtapos ang usapan namin ni Sir Will nung araw na yun.
lumipas ang mga araw at panahon, at hindi na muling nagtext si Sir Will. sinubukan kong itext one time at ito lang ang sagot nya.
"walang budget eh."
so tama pala ang intuition ko sa una pa lang... wala talaga syang pera! ang galing ko talaga... ako na ang bigaten!!!
Some people get off with the illusion of control. hahaha.
ReplyDelete