28 February 2013

Jobhunt

still feeling bad and furious about my "instant termination" from my job, so now looking for a new one. anyone who knows where i can work? help would be greatly appreciated. please email me at boyshiatsu@yahoo.com

story about my previous job shall be posted over the weekend.

19 February 2013

I Got A Boy Meotjin

kung k-pop addict ka, kagaya ko, magegets mo yung reference ng title! ahehehehe... and yes, bilang pagpupugay sa nakaraang araw ng mga puso, naway pagbigyan nyo akong magkwento about my boy. kung ayaw mo, wala kang choice! hahaha!

isang buwan na kami ni Jack Frost, ang galing! at bagamat bago pa lang kami, marami na akong natutunan tungkol sa amin, tungkol sa kanya, at tungkol sa sarili ko.

naaalala ko pa nung lumalabas pa lang kami. he will always buy the things that i want, making sure that at the end of the day, i am smiling. in short, ginawa n'ya talaga akong babae! GirlShiatsu! ahahahaha!

dumaan ang mga araw na tuloy tuloy ang "ligawan"... hanggang sa naging kami na nga.

maraming away, definitely. siguro dahil na rin sa mga differences namin, especially him being closeted and me being comfortable with my sexuality. may mga times na mababaw ang away, pero there's something deeper into it. hanggang sa naisip ko... mahal nga ba talaga namin ang isa't isa?

naitanong nya na rin sa akin yan minsan... mahal ba namin ang isa't isa? or infatuated lang kami? madalas pa ay natatanong nya ako... mahal ko ba sya dahil kailangan ko sya, o kailangan ko sya dahil mahal ko sya? yes, ang lakas maka-Milan, ang lakas maka-Claudine... pero may point.

hindi ko tuloy maiwasan itanong sa sarili ko... bakit ko nga ba sya mahal? pano mo nga ba nalalaman kung mahal mo ang isang tao?

para sa aking may issues about acceptance and belongingness, malaking bagay sa akin na napapasaya ako ng isang tao. kung iniisip nya ang happiness ko, i will treasure that person, and i will start loving him.

"so kaya mo nga ako mahal dahil sa pera? sa mga nagagastos ko sayo?"

i was deeply offended by that statement... but i understand his logic. kung mahal ko ang nagpapasaya sa akin, at malaki ang ginagastos nya para sa mga bagay na nagpapasaya sa akin, mahal ko nga ba sya dahil sa pera nya? hindi ko alam ang isasagot ko.

bukod pa doon, marami pa kaming naging issues. at matapang kong ilalahad ang ilan sa mga ito.

* suspected infidelity -- minsan nya na akong inaway dahil sa planetromeo... at, aaminin ko, may ilang beses ko na rin syang nahulig na "flirting" and "dating" with someone else.

* clashing opinions -- magkaiba ang pananaw namin sa maraming bagay. may mga bagay na komportable ako pero naiilang sya, and vice versa.

* social status -- out ako, closeted sya. gusto ko malambing in public, hindi pwede in his case dahil baka may makakita sa amin na kakilala nya.

* difference in viewpoints and "nakasanayang mga bagay" -- madalas nya sinasabi sa akin na hindi nya maramdaman na mahal ko sya, na kahit ba anong gawin kong paraan to express my love, eh parang may kulang.

maraming beses syang nagtatampo sa akin, at hindi ko maintindihan ang logic. siguro dahil ako ang unang boyfriend nya, sanay pa sya sa setup na lalaki at babae. ako naman, sa tagal ko nang nabubuhay sa pink world, iba na ang alam kong proseso at logistics ng relasyon. at madalas na hindi nagtutugma yun, na nauuwi sa tampuhan, awayan, at hindi pansinan sa text.

yet, despite all these issues, i am sticking to him. i am sticking to my Jack Frost. love is not always easy, it never is. and despite what i always say na you love someone because of the happiness, i realized it's wrong. you love someone because you know this person brings out the better version of you. you love someone because despite the tantrums and the misunderstandings, you know you will still look forward to his sweet whatnots thru texts to keep your day alive and kicking. you love someone because kahit anong sakit ng ulo ang pinagdadaanan mo dahil sa mga problema nyo, you would still give up almost anything just to be with him. you love someone with no definitions. you love someone just because.

and i am happy with my Jack Frost. i am happy to find someone who understands me as me, together with my dark past, and yet inspires me to be a better person.

at kagaya nga ng sabi sa kanta ng Girls Generation... i got a boy meotjin, i got a boy chakhan, i got a boy, awesome boy, wanjeon banhaenna bwa. (kayo na lang bahalang mag-translate!)

10 February 2013

Wowow-Will!

sa tagal ko na sa business na ito, maraming beses na akong nareject. yung tipong sa inquiry stage pa lang, alam ko na if the client is a go or a no. halata naman kasi sa mga texts nila eh. and kahit sa text lang, nakakapa ko na rin agad yung dahilan on why the client is rejecting the offer. halimbawa, pag nagtanong ng "how much do you charge?" at sumagot ako with my template... pag hindi na sumagot yan, ibig sabihin nun... korek! namamahalan sya sa charge ko at wala sya sa mood makipagtawaran, siguro kasi aware sya na hindi rin naman ako magpapatawad. in english, i will not forgive! (ang labo!) minsan, medyo complicated yung mga reason, pero nadedecipher ko pa rin. kasi sa isa or dalawang statements lang naman, lalabas na talaga yung reason kung bakit hindi ka nila iha-hire eh.

pero, ibahin natin si Sir Will. pangalan pa lang, may determination na. Will. malakas ang paninindigan at determinasyon... bigyan ng jacket!

nagtext isang araw sa akin si Sir Will at nagtanong kung nagseservice daw ako. hindi ko alam kung bakit hindi agad ako nakareply (dalawang bagay lang yan... masyadong busy, or masyadong tamad... bigyan ng cd!). mga isang oras na yata yung text nya bago ako nakapagreply. kaya eto na lang ang naging sagot nya.

"naku, sayang, may nakuha na akong iba. next time na lang."

okay lang sa akin yun. kasalanan ko naman kasi eh. masyado akong busy-slash-tamad kaya hindi ko agad na-accommodate. sa business talaga, speed is the name of the game.

sa kabutihang palad (sa english, in a mushroom palm...), nagtext ulit si Sir Will after a week para magtanong nung nagseservice daw ako. agad-agad kong iniwanan ang lahat ng ginagawa ko nun at nagreply kay Sir Will. nagtanong sya kung magkano, at sinend ko agad ang template. isinama ko na rin ang template para sa extra. natapos ang conversation sa ganitong reply.

"okay, sige, salamat. text kita mamaya. nasa opisina pa ako eh."

hindi ko na lang kinuwestiyon kung bakit sya nasa opisina kahit linggo. baka naman dedikado at determinado (sa english, dedicated and, er, determinated?) siya sa trabaho nya.

ilang araw ang lumipas, nagtext ulit si Sir Will... nagtatanong ulit kung nagseservice daw ako. kaswal na lang akong sumagot, nakakasawa na eh. paulit-ulit. tinanong nya ulit ang rates ko at services ko, so i sent the template. hindi na ako nag-expect na sasagot sya, pero nagreply pa rin. nagtatanong kung may fb daw ako. since hindi ko ipinamimigay ang fb ko, ibinigay ko na lang ang link sa kanya ng pictures ko. and, as expected, daig pa ni Sir Will ang mangkukulam at feng shui experts sa dami ng pangontra.

"limited ang internet access ko dito sa opisina eh."

sumagot na lang ako ng "ok po." sabay tanong sa sarili ko kung saan kaya ang opisina nila... bawal ang pic links pero may access sa facebook... palakpakan! bigyan ng five thousand!

mga dalawang linggo na ang lumipas ng nagtext ulit si Sir Will. kahit ayoko nang magreply, kailangang maging mabait pa rin ako sa pagtrato sa mga nagtatanong (in english, questionnaires!). reply ng casual sa mga tanong ni Sir. pero medyo humahaba ang conversation, nagkakaroon ng sense. nagtanong si Sir Will kung wild daw ba ako sa kama, kasi sya daw eh talagang hayok sa sex at hindi daw pwede na hindi sya kayang sabayan ng kapartner nya. syempre, sales talk na naman ako. na-impress si sir na pakiramdam nya eh magtutugma ang energy namin in bed. tinanong ni sir kung nakakailang putok (in english, body odor!) daw ako kada service. sabi ko, syempre standard ko is isa lang kada service. uminit ang ulo ko sa response nya.

"tangina! wala ka pala eh. mahina ka!"

ang galing diba? bigyan ng wilfone!

pero dahil nasa mood na rin ako makipag-asaran, bumanat pa rin ako.

"gusto mo ba ng maraming putok? dagdag bayad yun!"
"ganun ba? magkano naman?"
"well, depende sa kung magkano ang kaya mo."
"okay. may pictures ka ba?"
"*sends pic link*"
"sige, nasa labas lang ako ng bahay. text kita mamaya pagkakita ko ng pics mo."

at dyan nagtapos ang usapan namin ni Sir Will nung araw na yun.

lumipas ang mga araw at panahon, at hindi na muling nagtext si Sir Will. sinubukan kong itext one time at ito lang ang sagot nya.

"walang budget eh."

so tama pala ang intuition ko sa una pa lang... wala talaga syang pera! ang galing ko talaga... ako na ang bigaten!!!

02 February 2013

Rush Hour

ganito yung setup...

nagtext si Sir Jack na puntahan ko daw sya sa bahay nya ng 10am sa alabang. kailangan daw prepared na ako dahil pagdating ko dun, aalis na agad kami papunta sa isang lunch-out with a friend. mas maaga darating yung kaibigan nya, so kumbaga eh talagang hihintayin lang ako bago umalis. kunyari eh "special friend" nya ako so kailangan daw na postura ako at talagang presentable. suki ko na si Sir Jack, at laging ganun ang nangyayari sa amin. yung tipong pagdating ko sa haus nya, on the go na agad. kahit yata mag-cr wala na akong choice.

eh nagkataong birthday party ng isang kaibigan ko the night before sa makati? inuman to the max daw yun.

ganito kasi yung plano...

bilang handa naman ako palagi sa mga sleep-overs, at payag naman ang kaibigan ko, naisipan ko na dalhin ko na ang mga gamit at damit na isusuot ko papunta kina Sir Jack. eenjoyin ko ang party pero maaga ako matutulog, para maaga akong magising at makapagprepare papunta sa bahay ni Sir Jack.

solved!

kaso, ganito ang nangyari...

pagdating ko sa bahay ng kaibigan ko for his house party, baha nga ng alak! to the point na halos tig-iisang bote na kami ng the bar sa inuman. masaya ang party, makulit, at talagang basagan. may mga games pa na talaga namang lakas-trip. sinubukan kong tumakas papunta ng kwarto para makatulog, pero hindi ako nakawala. magagaling ang mokong. ang ending, alas-sais na halos ako nakatulog.

at dahil dun... late na ako nagising! dalawampung minuto bago mag-alas-diyes! sabog na ang telepono ko sa dami ng missed calls at texts galing kay Sir Jack. agad ko syang tinawagan.

"sir, pasensya na po."
"asan ka na ba?"
"nagpeprepare na po."
"you have to be here at 10am. we have limited time. i have a flight to catch."
"opo."

the clock is ticking... kaya agad-agad akong kumilos!

dahil kailangang magmadali, ang unang pumasok agad sa utak ko ay magtaxi. walang bihis-bihis, agad akong tumakbo palabas ng bahay ng kaibigan ko at pumara ng kauna-unahang taxing nakita ko. nagdecide ako na sa likod pumwesto.

at kagaya ng mga kadalasang nakikita sa mga pelikula, dun na ako sa likod ng taxi nagbihis! lahat lahat... pati underwear! pero syempre, medyo madiskarte naman para hindi nakikita ni manong driver ang mga bagay na hindi nya dapat makita. nakaraos at nakapagbihis. kaunting pulbos, kaunting pabango, at kaunting hair wax... pogi na ulit ako.

tapos bigla kong naalala... amoy last night pa ang hininga ko!!! ugali pa naman ni Sir Jack na kinikiss agad ako pagdating ko sa bahay nya.

hinalungkat ko ang bag ko para hanapin ang mouthwash... pero wala! then i have no choice but to do something i haven't done before.

kinuha ko ang toothbrush, toothpaste, mineral water, at plastic bag. madalian akong nagsipilyo sa likod ng taxi at nagmumog gamit ang mineral water! idinura ko sa plastic bag ang bula, itinali, at pasimpleng itinapon sa bintana ng taxi!

at saktong dating ko sa bahay ni Sir Jack. i have 2 minutes left to 10am pero nakapark na dun ang kotse ni sir at tila hinihintay na ako.

bayad sa taxi, bumaba, at dumiretso sa kotse ni Sir Jack... jetsetter lang ang peg.

missiong accomplished!