kagaya siguro ng karamihan ng mga pinoy, wala rin akong alam tungkol sa Morocco. ang alam ko lang, pirated version ng flag ng Vietnam ang flag nila, ginawa lang green at outlined yung star sa gitna. pero more than that, wala na akong alam. kung di ako nagkakamali, Nacino yata ang last name nya. (ngyarks... korni!) hanggang sa naimbitahan ako sa blogger event ng isang Moroccan-themed restaurant. hindi ako food blogger, pero dahil libre ang pagkain, sugod ako!
the restaurant is called Fez, based sa fez hat ng Morocco (yung kulay pula na may itim na tali), located in Serendra. according to my research (well, not really... according sa kwento ng may-ari), pitong taon nang operational ang Fez. hindi pa BGC ang BGC, hindi pa Serendra ang Serendra, at hindi pa BoyShiatsu si BoyShiatsu, Fez na ang Fez. pero more on the bar market sila since hindi naman talaga matao ang lugar ng Taguig dati. malakas naman at dinadayo, pero dahil sa pagbabago ng lugar, at pagbabago ng market, naisipan nilang i-tap na ang restaurant market. at yun ang tumbok ng blogger event... to launch their new food menu.
wala akong alam sa Moroccan food (pero, modern Moroccan naman daw ang Fez, not purist) kaya hindi ko alam kung paano ko ire-rate ang mga pagkain. besides, di talaga ako magaling mag-judge ng pagkain. basta masarap, pasok na sa akin. so... simulan na natin ang foodtrip! puro sampler size yung mga sinerve sa amin, para nga naman may space pa rin sa tiyan namin sa bandang dulo ng menu. at pasensya na sa pangit na photos, di ako food photographer unlike sa mga kasama ko. hehehehe...
unang inilabas ang pita platter for sharing. may kasamang apat na dips -- hummus, baba ganoush (gawa sa eggplant, chickpea, at garlic), garlic yogurt, at tomato sauce. as a starter, masasabi kong sobrang okay yung pita platter kasi parang patikim sya ng kung anong ie-expect mong lasa ng foods nila. naubos na namin, tsaka ko lang naalala picturan.
sinundan sya ng serving ng dalawang soup in a shot glass. yung isa, roasted pumpkin soup. mahilig ako sa pumpkin soup (pero di ako kumakain ng kalabasa! ahahahaha!) and masasabi kong this one is definitely one of my favorites. lasang-lasa yung pumpkin pero very smooth yung soup. plus the right spices (secret spices daw sabi ni chef), lalong nagkaroon ng character. yung isang soup naman is called harira soup, a combination of slowly-simmered beef and tomato sauce plus the secret spices (ulet) at may design pang vermicelli. i love tomato based foods, kaya sobrang okay sa akin ito. at ibang-iba sya dun sa roasted pumpkin soup. so, ang hirap mamili kung ano sa dalawang ito ang mas favorite ko... parehong panalo eh!
matapos ang nakakaganang soup at pita platter, isinerve na sa amin ang totoong appetizers... merguez sausage and beef wanton cups. yung merguez sausage is a home-made sausage made of sirloin beef and, again, the secret spices, together with caramelized onions. yung chef daw mismo ang nagtimpla nun. yung beef wanton cup naman is fried wanton wrapper topped with beef slices, tomato salsa, at maraming maraming maraming cheese. tinikman ko muna yung sausage... maanghang! pero tamang anghang sya para ganahan kang kumain. nung sinabayan ko ng caramelized onions... wow! yung beef wanton cup, masarap din. mahilig ako sa keso so plus points talaga yung gabundok na grilles cheese sa ibabaw nya.
ganadong ganado na akong kumain talaga ng iserve na nila ang salad.cous-cous salad. lagi kong naririnig yung cous-cous sa mga mediterranean cuisine pero hindi ko talaga alam kung ano sya. salamat kay chef, nalaman ko na isa pala syang uri ng... wait for it... pasta!!! akala ko it's a type of grain or rice. yun pala it's made of flour. you may think that seeing pasta in your salad is kinda weird. but this one, ang asteg. tinuruan pa kami how to eat it. ibabalot daw namin yung cous-cous with sauteed veggies sa lettuce leaf and eat it like lumpia. pero dahil super dami yung cous-cous (or maliit yung dahon), i decided to eat it using fork na lang. hehehe...
umabot na kami sa masarap na part ng course... ang entree! dalawa ang entree na iseserve sa amin. the first one is moroccan kebob. it's the typical kebob (chicken yung sinerve sa amin, pero may option din na beef sa menu) pero served with grilled veggies and cous-cous (instead of rice) and a super-creamy garlic yogurt dip. one of the bloggers (a true-blue food blogger) commented na medyo bland daw yung chicken kebob... but i don't care. basta ako, kain lang ng kain. sarap eh!
next is their best-seller rib-eye steak. now, this one is really not moroccan (palagay ko). pero yung pagkakatimpla nila ng rib-eye... lasang mediterranean talaga (i guess it's the secret spices na naman!). kainis nga lang ang maliit lang yung serving (sampler size, again). nabitin ako sa sarap.
now the part that i am most excited about... dessert! nung nakita ko yung mini-menu na provided sa aming mga bloggers, naintriga na agad ako sa kung ano yung fried cheesecake. i mean... how and why will you fry a cheesecake, diba? pero nung isinerve na sya sa amin at kinain na namin (with a scoop of vanilla ice cream), unanimous ang comment naming lahat... "chef, pwedeng isa pa?!" amazing... a must-try!
i had an amazing course sa Fez. the food is amazing! sayang nga lang at wala kaming chance i-try yung bestseller nilang drink (flying tiger, a combination of 13 spirits in one drink. yes... THIRTEEN!) dahil baka nga naman malasing kami. pero, overall... sobrang na-enjoy ko yung experience.
one thing na kakaiba sa Fez compared sa ibang restaurant is that it is small... siguro mga 30-seater lang sya sa loob. but that's actually something i like. bagay na bagay sya sa mga intimate parties or small events. and the place is wifi-powered, so you can take photos and upload it agad agad!
Fez is located in Serendra, BGC. drop by... di kayo magsisisi!
mukang sasarap nga ng varuety ng foods nila ha
ReplyDelete