07 May 2011

Sarbey lamang po

quick post lang gamit ang wi-fi ng gym.

naisip ko lang... okey lang bang maglagayako ng mga kwento ditona hindi related sa client? lunyari, mga karanasan ko sa paggimik kasama ang ibang masahista, o kaya naman eh opinyon ko sa pag-ibig (naks!), o pwede ring mga bagay na ginagawa ko pag wala akong magawa.

ano mang kuro-kuro ay tiyak na ma-aappreciate. salamat!


ps: susunod na post... The Curse of the Giant Kulugo!

02 May 2011

Lucky charm

nakakatuwa yung mga pusang kumakaway sa mga tindahan. swerte daw yun. pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung paano naging swerte ang dilaw na pusa na kumakaway sa mga mamimili... at kung sino ang nakaisip pa pakawayin yung pusa.

sabi ng nanay ko, swerte daw ako. dati, pag pumupunta kami ng perya, hindi natatapos ang gabi na wala kaming naiuuwing baso, pinggan, tasa, tabo, planggana, chichirya, delatang softdrinks, delatang tuna, delatang sardinas, delatang kung anu-ano, or kahit anong pwede mapanalunan sa hulog bentisingko (pa noon, piso na ngayon), color game (na bola), color game (na dice), beto beto, o bingo. swerte daw kasi ako kaya lagi kaming nananalo. paniwalang-paniwala na ako nun, kaso nung last night nung bingo sa perya sa amin, hindi ko napanalunan yung grand prize na bike. so hindi yata totoong swerte ako... o baka depende lang sa araw.

teka, bakit nga ba all of a sudden e nagkukwento ako tungkol sa pagiging swerte? rewind tayo, mga isang taon...



may sakit si mama, and walang extra si ate. nung mga panahong yun, wala naman akong ibang trabaho kundi ang pagpopokpok. kakatapos kolang magbayad ng bills, kaya medyo wala akong extra. hindi ko namang masabi na malakas ang kalakalan nun,kasi medyo matumal talaga. hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng pera para madala ko si mama sa lung center. pero, sige, buo ang loob ko na magkakaroon ako ng client nun.

biglang may nagtext habang busy ako sa panonood ng tv (oo, ang panonood ng tv ay isang bagay na pwede kong ika-busy!). inquire. sumagot ako. makalipas ang 10 minuto, walang reply... malas. naligo na lang ako, baka kasi sakaling swertehin ako kung mabango na ako.

at mukhang totoo nga! pagkatapos ko maligo ay nagreply na ang nagtext, pumunta daw ako sa isang sosyaling hotel sa malate. nandun na rin yung room number. ayus.

bihis at byahe papunta sa hotel. dire-diretso sa room number, at doorbell. bumukas ang pinto, at ang sumalubong sa akin ay isang poreynjer (foreigner). typical na matandang foreigner. pumasok ako sa loob at nakipagkwentuhan saglit. pagkatapos ay minasahe ko sya, at may extra syempre. tuwang tuwa naman si uncle joe. nagulat daw sya kasi hindi nya daw expected na marunong talaga ako magmasahe (may masakit daw kasi sa likod nya, and napawi ko daw) at natuwa pa sya kasi kaya kong makipag-usap ng english (ehem!).

we had light dinner and some more stories to share... atsetse, napa-ingles tuloy ako! ayun, kumain, kaunting kwento, hanggang sa iniabot n'ya sa akin ang bayad... SOBRA SOBRA SA KUNG MAGKANONG NAPAG-USAPAN NAMIN... THREE TIMES SOBRA!!!

sa totoo lang, medyo nahiya ako, at isinauli ko yung iba, pero he insisted na kunin ko kasi magaling naman daw talaga yung serbisyo ko. at hindi pa dun natapos yun... balik daw ako after 2 days at magpapaserbis ulit sya!

swerte!!!

dumating ang ikalawang araw at pumunta ulit ako dun sa hotel. this time, mas maaga. pasok sa loob, kain ng prutas at pasta (kainin ko daw eh, edi kinain ko!), ligo, masahe... walang sex. hindi na daw kailangan sabi nya. pero ganun pa rin ang ibinayad nya. dinagdagan nya poa ng isang libo, pamasahe ko daw pauwi. naks! pero hindi nya pa ako pinauwi. magcacasino daw sya at sumama daw ako.

walang alam sa casino, at wala rin naman ibang gagawin, sumama ako. ayun, tagahawak ng chips. maya maya pa, binigyan n'ya ako ng ilang chips at maglaro daw ako kung saan ko gusto. dahil wala nga ako alam sa casino, naglaro na lang ako sa slot machines (pinapalit ko yung chips ng coins). hulog, pindot, hulog, pindot... ganun lang... walang naging return of investment. naubos ang chips ng ilang minuto (hindi ko alam kung dahil ba sa malas ako, o tatanga-tanga lang ako at hulog lang ako ng hulog). medyo nahihiya, bumalik ako sa pwesto namin. natawa lang sya ng malamang walang natira kahit isang chip sa akin. pinaupo nya ako sa tabi nya at pinaghawak ng chips. sige, nood lang ako kahit hindi ko naiintindihan yung laro, pero napansin ko na panay ang kamig ni uncle joe ng mga chips sa lamesa habang may malaking ngiti sa bibig. "i think you're my lucky charm!" bulong nya pa sa akin. natuwa naman ako... at napaisip... kung lucky charm ako, edi malamang sa malamang eh mag-uuwi na naman kami ni uncle joe ng sangkatutak na baso, pinggan, tasa, tabo, planggana, chichirya, delatang softdrinks, delatang tuna, delatang sardinas, at delatang kung anu-ano. naalala ko bigla, nasa casino nga pala kami, wala sa perya. chipipay lang yung dati, ngayon high class na.

natapos ang araw, at napagod na rin yata si uncle joe. lumabas kami ng casino at bumalik sa hotel para mag-dinner. handa na akong umuwi ng pinigilan ako ni uncle joe at may iniabot sa akin... nakabalumbom na mga papel... pagtingin ko... pera pala... SAMPUNG LIBO!!!

ayun! sobrang ayoko na talaga tanggapin, mahirap na at baka ma-karma ako. pero sabi nya, dahil dawlucky charm nya ako, i deserve to have that amount daw. nahiya naman ako. pero, aarte pa ba? tinanggap ko na lang, nagpasalamat, at umuwi... ng magaan ang loob dahil alam kong pwede ko nang madala si mama sa lung center.

makalipas ang ilang araw, nag-email sa akin si uncle joe. baka daw matagalan pa bago sya makabalik ng pinas, pero kung sakali daw, ako pa rin ang kokontakin n'ya. sinuwerte daw kasi sya na makakuha ng masahista na marunong talaga magmasahe at smart pa!(pero, globe ang number ko that time... ehehehe...korni!)

kung alam lang ni uncle joe kung sino ang mas maswerte sa amin dalawa. sya, swerte kasi good catch ako para sa kanya. ako, mas maswerte kasi buhay ng pamilya ko ang nailigtas n'ya.

uncle joe, kung nasaan ka man... salamat! at sana hindi na kumikirot yung lamig sa likod mo.



may kumakaway na pusa din pala dito sa net cafe ngayon... kaya siguro ang dami ng tao. teka... kung bumili kaya ako ng pusang dilaw na kumakaway, tapos dalhin ko sya lagi, tapos kapag nagmamasahe ako eh ipapatong ko sa lamesa katabi ng oil, bimpo, at mga burloloy ko sa pagmamasahe... suswertehin kaya ako?

26 April 2011

Overwhelming

habang ilegal na nagbabrowse sa opisina during the wee hours of the shift (babala: wag kumain ng pansit malabon sa second break, aantukin ka sa kabuuan ng shift mo), nagulat na lang ako na nai-post na pala ni Lex (http://www.lexuality.com) yung sulat ko sa kanya. (para sa mga gusto makakita ng mismong sulat, punta na lang kayo sa site, tinatamad ako maglagay ng link sa mismong entry eh).

naipost na pala. at may mga nagcomment na.

kaya naisipan kong mag-online pagkatapos ng trabaho... at nagulat ako...

mula sa tatlo, naging labinglima na ang followers ko. at mula sa 0 reaksyon, nagkaroon na ng comments ang mga entries ko.

sa totoo lang, at siguro mahahalat n'yo rin naman, na dumating na sa punto na wala na ako pakialam sa blog na ito. hindi dahil sa nawawalan na ng mga kagila-gilalas na kwento (in fact, dumadami pa ang kwento!) pero dahil sa parang wala rin namang nagbabasa ng mga isinusulat ko. para akong singer na walang fans. parang kontrabida na walang kalaban. parang oposisyon na walang administrasyon. basta, ganun... kumikilos ako para sa wala. nagsasayang ako ng panahon at pera (wala kasi akong sariling computer) para sa wala.

pero ngayon, nakaka-inspire sumulat dahil alam mong may ilang pares ng mata na dadaan sa blog mo, maghahanap ng anong uri man ng aliw na nakita nila sa blog mo sa unang beses na dumaan ang mga mata nila dito. salamat, maraming salamat.

overwhelming talaga!

pramis, mas marami pang kwento ang makikita n'yo dito. mas makikilala n'yo si Boy Shiatsu at mas madidiskubre n'yo ang mundong ginagalawan n'ya. humanda sa pagsakay sa bangka patungo sa agos ng buhay ng isang masahista na kaya lang naman nagbablog ay naghahanap ng kaunting atensyon at kaunting pang-unawa, umaasa na sa maliit na paraan na pagbablog ay magigiba n'ya ang common impression na ang mga masahista ay walang ibang alam gawin kundi magpasarap sa buhay.

salamat sa pagbuhay muli sa interes kong magkwento tungkol sa kung anu-anong nangyayari sa akin. maraming salamat!



ayus! kahit wala akong kliyente ngayong araw, ang sarap pa rin ng pakiramdam!



ps: hindi ko nga naman nailagay ang email address ko. boyshiatsu@yahoo.com

nga pala, basahin n'yo rin po yung mga lumang entries ha. may ilan sa mga tanong n'yo na nandun ang sagot.

muli, maraming salamat

13 March 2011

Ang Sapatos ni Sion

naalala kong bigla yung madalas kantahin ng mga kaklase ko nung elementary pa ako.\

ang sapatos ni sion
nilagyan ng biton
titibay yon (sabay turo)
titibay yon (turo ulit)

ang sapatos ni sion
nilagyan ng biton
kikinis yon (sabay turo)
kikinis yon (sabay turo)

hindi ko alam kugn gets n'yo yung humor n'ya, ehehehehe...

pero, bakit nga ba biglang pumasok sa utak ko yung kantang yon?

matagal-tagal na tong kwentong to, pero ngayon ko lang naalala i-post.



magkita tayo ng alas-otso y medya sa alimall
cge po

at matapos ang ilang oras ay nagbyahe na ako papunta ng alimall. dumating ako ng saktong alas otso y medya, at makalipas ang ilang minuto ay may lumapit na sa akin at pinasunod ako. tawagin na lang natin si sir sa pangalang sion. pumunta kami sa isang motel malapit lang sa alimall, nagcheck-in, pumasok, naghubad, at naligo. pero bago ko simulan ang masahe ko, may nirequest si sir sion.

pwede bang wag mu hubarin ang sapatos mo?
ah.. eh... bakit po sir?
wala naman. fetish ko lang kasi talaga ang sapatos. kumbaga, hubo't hubad ka, pero suot mo sapatos mo.

medyo nawiweirduhan, sinuot ko ang sapatos ko. tuloy ang masahe, pero talagang medyo naiilang talaga ako. kaso, wala naman ako magagawa. genie ako eh... the master's wish is my command.

matapos ang masahe ay sinimulan ko na ang paglalambing kay sir sion. hindi ko pa rin tinatanggal ang sapatos ko. halik dito, dila doon. kagat dito, pisil doon. libog na libog na si sir... hangang sa talagang tumitirik na ang mata nya. i'm doing a good job, at nalilibugan na rin ako. ng bumanat si sir na syang nakapagpagaan pa lalo ng loob ko.

tanggalin mo sapatos mo...

tinanggal ko ang sapatos at inilapag sa sahig. pero wrong move pala yun. at dito na ako nagsimulang talagang mailang.

kinuha ni sir sion ang isa sa mga sapatos ko at inamoy-amoy nya ang loob nito. alam ko namang hindi mabaho ang paa ko, pero kahit anong pilit ko eh talagang hindi ko maiwasang mailang sa ginagawa nya. ungol pa sya ng ungol habang nilalaro nya ang sarili nya (nakaupo na lang ako sa tabi nya at dinidilaan ang utong nya). siguro mga limang minuto rin s'yang nag-enjoy sa ginagawa nya, at halata naman kay sir na enjoy na enjoy talaga sya.

binitawan muna ni sir ang sapatos at ako naman ang nilaro nya. pero talagang kakaiba ang mga trip si sir sion. maya-maya pa at kinuha nya ulit ang sapatos ko, pareho. inaamoy-amoy pa rin nya yung isa habang yung isa naman ay dahan dahan nyang iginagapang sa buong katawan nya... at sa buong katawan ko! okey lang sana kung yung ibabaw ng sapatos eh, pero yung suwelas ng sapatos ang iginagapang nya sa katawan namin! talagang hindi ko matiis, syempre kung saan saan na natapak ang sapatos na yun no. pero wala ako magagawa, kailangan i-satisfy si sir sion. hanggang sa ang pinaka-wirdong pagjajakol na ang ang naranasan ko...

ikiniskis ng ikiniskis ni sir sion ang ilalim ng sapatos ko sa titi ko. masakit, at talagang nakakawala ng libog. kiskis, diin, at hinahampas-hampas pa nya ng bahagya. hindi ko alam kung paano kong nagawa pero makailang segundo pa ay nilabasan na ako. kumalat sa suwelas ng sapatos ko ang tamod ko... medyo marami. ayus, nakaraos din. pero ang sumunod na eksena, talagang gusto ko nang masuka...

hayuk na hayok na dinila-dilaan at hinimod ni sir sion ang tamod sa suwelas ng sapatos ko! (everybody now... eeeeeeewwwww!!!)

humiga na lang ako at pumikit, kunyaring napagod sa ginawa namin, habang si sir naman ay tuloy ang pagpapantasya sa sapatos ko. maya-maya pa ay nakaraos na rin sya. ligo, usap kaunti, tapos ay binayaran nya na ako.

umuwi ako suot ang sapatos na mas magaling pa ang naging performance kaysa sa akin. at bilang konsuwelo sa sapatos ko, at para na rin mawala yung awkward feeling na nararamdaman ko habang suot ko sya, nilabhan ko ang sapatos pag-uwing pag-uwi sa bahay. reward for a job well done, ika nga.

hindi na nasundan ang session namin si sir sion... baka nakahanap na sya ng ibang sapatos na pwede nyang mapagtripan, o baka hindi nya lang talaga trip ang reebok na rubber shoes.

yan ang buhay masahista... hindi lang katawan ang puhunan mo... minsan pati sapatos mo din!

21 February 2011

Rejected

asan ka?

yan ang text message na bumungad sa akin pagkagising ko mula sa mahaba-habang siesta. galing sa kaibigan ko, itago na lang natin sa pangalang Popoy.

bahay, kakagising lang
ligo ka bilis, punta ka pedro gil, may client tayo

pupungas-pungas, naligo ako at agad na nagbyahe papuntang pedro gil. sakto talaga si Popoy. kung kailan kailangan ko ng pera, tsaka magtetext. ayus!

matapos ang nakakapagod na byahe, dumating ako sa 7-11 sa pedro gil at nakitang naghihintay si Popoy.

bili ka muna lube, ala ako extra dito eh

bumili naman ako. naglakad kami papunta ni Popoy sa hotel kung saan naka-check-in ang client. excited si Popoy sa pagpunta namin. sobrang galante daw yung kliyente. walang masahe, sex lang, pero tig-2k ang ibibigay sa amin. ang maganda pa dun... kaming dalawa ni Popoy ang magsesex, manonood lang ang kliyente. eh, aaminin ko, maganda katawan ni Popoy. gaganahan ka talaga kung ganun ang tipo ng ka-sex mo. natuwa naman ako. walang kahirap-hirap, kikita ng dalawang libo!

at parang hindi pa natapos ang magandang balita, may dalawa pa daw na callboy na nandun na sa hotel. bale orgy ang magaganap, tapos manonood lang ang client!

ayus! ang sarap ng trabaho ko!

habang naglalakad kami (medyo malayo yung hotel), kinukwento ni Popoy yung mga karanasan n'ya sa client. kumpara sa mga typical na clients, iba yung client namin ngayon. effem. ay, hindi daw pala... transexual daw! may boobs na daw talaga! kinabahan naman akong bigla dun. unang beses ko magkakaroon ng ganung klaseng kliyente. buti na lang naalala ko, manonood nga lang pala s'ya habang nagsesex kaming apat na callboy na hinire nya. panalo! tapos, sabi pa ni Popoy, pag nagustuhan daw ako ni sir (ma'am?), baka daw minsan eh papuntahin pa ako sa bahay n'ya sa hindi kalayuang probinsya. pag ganun daw, mababa na ang limang libo! libreng sex ka pa sa isang hot na callboy!

napressure ako! at na-excite din. kailangan makuha ko ang karisma ni sir. medyo confident naman ako sa "charm" ko. kumbaga, kahit hindi ako kagwapuhan, pag nagsimula na akong magsalita, tunaw na ang mga kliyente.

matapos ang ilang minuto pang lakaran, dumating kami sa hotel. dahil medyo late na rin, hindi na namin naisip ni Popoy na magpagwapo at dumiretso na agad kami sa suite.

tok tok tok

bumukas ang pinto at natuwa agad ako sa nakita ko. isa siguro sa dalawang callboy. gwapo, maganda katawan, at mukhang artista talaga (pero medyo maliit). pumasok kami sa loob at nakita ko pa ang ikalawang callboy... kung 10 out of 10 na ang score nung una, itong pangalawa, twenty out of 10!!! matangkad. makinis. gwapo talaga. malinis tignan. maganda katawan.

naimagine ko na agad ang orgy. libreng sex na sa tatlong matipunong lalake, may dalawang libo pa! panalong panalo na talaga!

lumabas galing sa banyo ang client... kahit sinabi sa akin ni Popoy na transexual nga si sir, medyo magulat pa rin ako. medyo mukha ngang babae si sir, mga mid-30s siguro, at malaki ang boobs.

magandang gabi po

napabati ako. ngumiti naman si sir. pumunta ng cr si Popoy para maghilamos, at sumunod si sir. umupo lang ako sa isang bakanteng upuan, hindi nagsasalita ang dalawang callboy. matapos ang ilang minuto, lumabas na sila.

ay, bakit ka pala naka-shorts? pano tayo pupunta dun sa gimikan? hindi ka papapasukin

naka-shorts kasi nun si Popoy. inabutan ng 500 ni sir si Popoy, pangtaxi daw para makauwi s'ya at magpalit ng pantalon. bumaba kami ng hotel.

may napansin lang ako... parang hindi ako kinakausap o kinilala man lang ni sir... anyway...

pagdating sa lobby, nagpaalam na si Popoy na magtataxi. pero may sinabi si sir na medyo ikinagulat ko (pero inasahan ko na rin)

isama mo na yung kaibigan mo

tulala pa, sumabay ako paglalakad kay Popoy habang si sir, kasama ang dalawang callboy, eh sa ibang direksyon nagpunta.

pinipilit ko pang lokohin ang sarili ko nun na baka kaya lang ako pinasama ni sir kay Popoy eh dahil baka ma-op ako kung isasama nila ako ng hindi kasama si Popoy. pero wala pang ilang segundo, na-confirm ko na yung hinala ko. tumingin sa akin si Popoy ng nakakunot ang noo.

may problema
ano yun?
hindi ka trip ni sir eh

pagkabanggit nun ni Popoy, napatigil ako sa paglalakad, medyo natawa ng kaunti, at napaupo sa gilid.

uy, ok ka lang?
eheheheh... ganun talaga sa trabaho natin Popoy eh. narereject talaga tayo paminsan-minsan, ang nakakainis pa eh kung kailan ang dami mong effort papunta sa place, tsaka ka marereject. kung kailan kailangan mo ng pera, tsaka ka marereject. badtrip

kumuha ako ng yosi sa bag at napahithit (matagal-tagal na rin akong hindi nagyoyosi, nung gabing yun lang ulit). umupo si Popoy sa tabi ko at nag-sorry. sabi ko hindi n'ya kailangan gawin yun dahil wala naman s'ya kasalanan. tinanong ko kung paano yung pagkakasabi sa kanya ni sir na hindi n'ya ako gusto.

nung nag-cr pala sya at sumunod si sir, ang sinabi agad sa kanya eh "bakit naman ganun yung dinala mo? mukhang basura lang yan pag itinabi dun sa dalawa."

basura... i like the term.

pero, sa bagay. inaamin ko, sobrang high class talaga yung dalawang callboy. parang wala silang pores sa mukha at parang wala silang ginagawa sa buhay kundi magpaganda ng katawan. mukha nga naman talaga akong basura pag itinabi sa kanila. may point si sir, at masakit yung point n'ya.

matagal tagal kaming nakaupo ni Popoy dun sa gilid, at tila nagkataon pa na malapit kami sa simbahan. dahil na rin siguro sa pagkabadtrip, naikwento ko kay Popoy yung mga frustrations na nararanasan ko dahil sa pagiging masahista. naikwento ko kung paanong ako mismo sa sarili ko eh hindi kampante sa hitsura ko, at hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa ibang pokpok na nakikilala ko.

ganun naman kasi talaga sa trabahong ito. kung sa normal na trabaho, gawin mo lang ang dapat mo gawin, aasenso ka na, dito hindi. kailangan lagi kang in the lookout. kailangan alam mo kung sino mga kalaban mo. know not just the territory, but know the enemy. kailangan alam mong hindi ka napag-iiwanan sa kahit anong aspeto... hitsura, ganda ng katawan, sex appeal, porma, at kung ano pang mga physical attributes. higit sa lahat, kailangan meron ka laging edge. at hangga't maaari, keep your edge, dahil kapag nakopya na yan... wala na. white flag ka na.

hindi ko na lang napansin na medyo napapaluha na pala ako. oo, ganun katindi yung effect ng pagkakareject sa akin.

kaysa ipangtaxi, ibinigay sa akin ni Popoy yung 500 na bigay sa kanya ni sir. tinanong nya ako kung ano gusto kong gawin. sabi ko, hindi ko alam. sabi ko sya na ang bahala sa akin. at, walang abog abog, naglakad kami hanggang sa napainom ng kaunti, kumain, nagkwentuhan, at nagturuan. nagpaturo ako sa kanya ng techniques kung paano maging mas mabenta... at marami akong natutunan. lumalim na ang gabi ang nagpasya na kami ni Popoy na maghiwalay ng landas. umuwi ako na mabigat ang loob, pero determinado na mas lalo pang ayusin ang sarili ko.

masakit yung nangyaring rejection... sobrang sakit na sa totoo lang, hanggang ngayon eh hindi pa rin ako nakaka-move on. pero, may naitulong ba sa akin yun? meron. malaki. kasi dahil sa rejection na yun, mas naging determinado ako na ayusin ang katawan ko, ang kutis ko, ang hitsura ko, ang kabuuan ko... para mas maging mabenta ako sa mga client, at para mas tumaas ang kompiyansa ko sa sarili ko.. kompiyansa na alam kong sa pagtanda ko ay mananatiling kasama ko, kahit dumating ang panahon na iwan na ako ng magandang katawan, mukha, at karisma ko.

19 February 2011

Boyshiatsu: Revamp!

october... tapos february... haha! ang taga ko na palang walang entry dito sa blog. pero hindi ibig sabihin nun na wala na akong bagong mga kwento. naging busy lang masyado. syempre, halloween, tapos araw ng mga patay, tapos araw ng mga kaluluwa, tapos birthday, tapos pasko, tapos bagong taon, tapos araw ng mga puso...

pero ano ba ginawa ko sa mga araw na yan? wala naman... tunganga lang! hehehe...

ilang beses na namin napag-usapan ng bestfriend ko (na hindi masahista) ang tungkol sa blog na ito, pero unang beses n'ya ito nabasa two weeks ago ng magkita kami sa megamall. hindi ko alam kung sinasabi n'ya lang yun dahil bestfriend ko s'ya, pero nagandahan s'ya sa content at sa intensyon ng blog ko. pero may mga comment s'ya.

* boring tignan ang blog kasi black and white lang
* lagyan daw ng ibang stories about sa buhay ko bilang "hindi masseur"
* put a contact info para pwede pa ako makakuha ng ibang clients
* ipromote pa, and maglagay ng ibang links to other related sites

he boiled it down to one word... revamp!

kaya, bilang panimula ng pagbabalik (ulit, and this time, seryoso na) ng Boy Shiatsu... ayan! bago na ang layout ko!

mga bagong kwento
mga bagong kulit
mga bagong kung anu-ano
mula sa lumang ako

Boy Shiatsu... Revamped!

(ps: sa susunod na entry na ako maglalagay ng bagong kwento, kinocompose ko pa eh, para may kapow!)

03 October 2010

Ang Pagbabalik ni Shiatsu!

matagal-tagal na rin akong hindi nakakapagkwento sa blog na ito. kunyari na lang may nagtanong... kumusta na ba si boy shiatsu? ano na ba nangyari sa kanya? tumigil na ba s'ya sa pagmamasahe? nagpatuloy ba ang pagtaba n'ya? at sino ang ibinoto n'ya nung nakaraang eleksyon?

dahil na rin siguro sa buyo ng mga kaibigan, sa pagdami ng kompetensya at mga gimik (nagulat at natawa na lang ako na may nag-ooffer na rin ng body scrub at, eto malupet, pubic hair trimming!), at sa hindi mapigilang pagkain ng hot shots, natigil ako sa pagmamasahe. naghanap ng matinong trabaho, at muling nabagsak sa industriya na dati ko nang sinumpang tatalikuran ko na

maayos naman ang nasabing kompanya. maganda ang oras ng trabaho (at least hindi ako twilight mode!), magaan ang working environment, at madali lang puntahan ang office, hindi na kailangan mag-cab. ang sweldo, medyo maliit kumpara sa iba, pero hindi na masama. ang workload, exciting, kasi hindi repetitive! halos araw-araw may bago, kaya kahit ilang buwan na ako dun eh pakiramdam ko eh bagong sulpot ako. masaya, hindi nakakasawa. masaya. masaya.

pero... sadya yatang pinanganak akong makati at maparaan!

isang araw ay nagtext ang isang naging client ko, nangangamusta. edi syempre, sabi ko okay lang ako. tinanong n'ya kung nagmamasahe pa daw ako. sa totoo lang, gusto ko sanang sabihin na hindi na. pero, naisip ko... paano naman ang mga taong nangangailangan ng haplos at paglalambing ko? paano naman ang mga mister na hindi na kaya pasayahin ng mga misis nila? paano naman ang mga bading na nagnanais ng yakap at halik ng katulad kong pogi (pasensya na, sa part na ito, kailangan ko kapalan ng kaunti ang mukha ko!)? paano naman ang mga mayayamang dom na namomroblema kung saan nila gagastusin ang pera nila?

naisip ko... mahirap talikuran ang sinumpaan kong propesyon na maging pantasya ng bayan! naks!

binasa ko ang kontratang pinirmahan ko sa kompanya ko ngayon... wala naman sinabi dun na bawal maging masahista habang empleyado nila. nakalagay lang dun eh bawal daw ako magtrabaho sa kaparehong industry ng company. isa lang ang nakikita kong pagkakahawig ng trabaho ko at ng pagmamasahe... minumura ako ng customers. pero sa kompanya ko ngayon, minumura ako sa galit. sa pagmamasahe, minumura ako sa sarap!

kaya ayun... bitbit ang special body oil mixed with aromatherapy massage oil, sumugod ako sa location ng kaibigan ni sir at muli na namang nagpasaya ng isang malungkot na nilalang. at dun ko napagtanto... hindi pa pala tapos ang buhay masahista ko!

kaya, eto, kasabay ng pagbuhay ko ng trabahong deep inside ay mahal ko ay binuhay ko rin ang blog na ito, at umasa kayo na mapupuno na naman ng makukulit, masasaya, malulungkot, nakakadiri, at kung anu-ano pang kwento na kadalasan ay sa indie film lang natin nakikita.

dumating na ang oras... ang pagbabalik ni boy shiatsu!

(kung gusto n'yo na mas marami ako maikwento dito, bigyan n'yo ako ng client referrals! kung sino nakapagbigay ng successful referral, may incentive galing sa akin! naks! parang yung company ko lang rin ngayon!)

06 April 2010

usapang laman

nagkakalaman na ako... sa hindi magandang paraan. at hindi yung magandang laman. habang tumatagal ay napapansin kong unti-unti na akong tumataba. kahit nga kaibigan ko, napansin na rin yun. hindi naman sobra sobra, pero kapansin-pansin. okay lang sana eh... kaso apektado ang business.

may nagtext... magpapaserbis daw. pumayag naman ako. matapos ang ilang palitan ng text, napagtanto ko na challenge mode ang gagawin ko dahil malayu-layo ang location ni sir. pero okay lang. kailangan daw kasi talaga ni sir ng magaling na masahista, at ayon daw sa sabi ng mgta kaibigan n'ya, maganda daw ang kalidad ng masahe ko, plus unforgettable daw ang extra. pero wala naman daw sya masyado pakialam sa extra, at sa hitsura ko. basta ang mahalaga daw ay ma-relax ang katawan n'ya. pumayag ako. byahe byahe byahe... umabot ng 3 hours ang byahe ko. pagdating ko sa location, nilapitan ako ni sir. tapos silence... mga 10 minutes kaming palakad-lakad lang sa mall kung saan kami nagkita. binasag ko ang katahimikan.

sir, tara na po?
ha?
san po ba tayo?
naku... parang ayoko na lang... ang taba mo eh.
ganun po ba?
oo. sige, alis na ako.

at parang tindera sa department store na pinagtanungan lang kung saan matatagpuan ang men's wear, agad na umalis si sir at iniwan akong nakatayo sa gitna ng mall na hindi ko madalas puntahan dahil napakalayo. walang sabi sabi, walang sorry sorry, at higit sa lahat... walang refund ng pamasahe! anak ng teteng!

naiintindihan ko naman si sir, kahit papaano. nagkaroon na rin ako ng ibang mga kliyente kung saan eh nagugulat sila ng bahagya dahil medyo mataba ako ng kaunti kumpara sa pictures ko na nakikita nila. pero hindi naman nila ako nirereject. sinusubukan pa rin nila ang serbisyo ko... at narerealize nila na kahit medyo chubby na ako, panalo pa rin ang service ko.

yun ang hirap sa ganitong trabaho eh... katawan ang puhunan, hindi talento. kung sino ang gwapo, kung sino ang maganda ang katawan, kahit bobo, o walang alam sa pagmamasahe, o laila dee (nakahiga lang) sa sex, eh mas bumebenta pa kaysa sa mga masahistang marunong talaga magtanggal ng sakit ng katawan at marunonhg magpahiyaw sa kama.

siguro ang kailangan ko ngang gawin ay magpapayat, kahit sobrang hirap. kung ang artista kailangan i-maintain ang magandang mukha, ang model kailangan i-maintain ang magandang katawan, at ang espesyalista kailangan i-maintain ang skills, ang masahista... kailangan i-maintain lahat yun!

hmmm... mag-artista na lang kaya ako! para at least isa lang ang kailangan ko problemahin! hehehehehe...

(ang post na ito ay walang kalaman-laman... kung walang laman ang utak mo... gets?)

25 March 2010

mahal ko na eh...

maraming beses ko nang narinig sa mga kaibigan ko na itigil ko na ang pagiging masahista ko dahil sayang daw ang talino at gandang lalaki ko sa ginagawa ko. kung tutuusin daw ay napakaraming "matinong" trabaho ang pwede kong pasukin. mas maganda pa rin daw ang may regular na kinikita kaysa sa araw-araw akong nalalagay sa piligro dahil hindi ko sigurado kung may gawa ako o wala.

edi sige, dahil mabuti akong kaibigan at dahil madali ako ma-convince, nag-apply ako. trabahong naging malapit sa puso ko... call center! gamay ko na to. matagal akong nagtrabaho sa call center. so chicken feed na ito sa akin. at hindi naman ako nagkamali. matapos ang training, nagamay ko na ang mga dapat magamay at bumalik na ang 90wpm na typing speed ko at ang "ikaw ba talaga yan?!" english mode ko.

pero may hinahanap pa rin ang katawan ko. sa bawat opening spiel na binibitiwan ko, o sa bawat click ko sa dagang may pulang ilaw sa puwet at may taling nakakabit sa isang box na maraming ilaw, may naririnig akong maliit na boses (pero hindi galing sa katabi kong nagco-calls) na nagsasabing "cmon, alam mong hindi iyan ang gusto mo talagang gawin!"

hindi ako tumatanggap ng kliyente nung nasa training ako. kaya isang araw, restday, naisipan kong tumanggap ng client. normal. hindi kagwapuhan si kuya, pero wala na ako pakialam. masaya ako kasi may client na naman ako. sa totoo lang, pagkatapos ng service, nakaramdam na naman ako ng satisfaction na hindi ko maramdaman sa bawat "it was my pleasure helping you and have a wonderful day ahead" na sinasabi ko.

iba talaga kapag mahal mo na ang trabahong ginagawa mo. siguro masyado pa maaga para sabihing hindi ko kayang mahalin (ulit) ang mundo ng mga pilipinong nagpupuyat at umiinom ng sandamakmak na starbucks habang nakikipag-inglesan sa mga kano. pero alam ko sa sarili ko, na kahit ilang "may i put you on hold for just about 2 minutes" at ilang "*insert name here* aux 4!" ang sabihin at marinig ko, hindi kailanman mawawalan ng puwang sa puso ko ang paghaplos ng mga katawang sabik sa himas ng isang lalaki at ang marinig ang mga salitang "shit, ang sarap mo" pagkatapos ko magbigay ng serbisyong galing sa puso at sa titi.

08 March 2010

magnifico

matagal akong nawala... pero hindi ko iniwan ang trabahong minahal ko na. nagkaroon man ako ng ibang pinagkaka-abalahan, paminsan-minsan ay tumatanggap pa rin ako ng mga clients, kapag nangangailangan o kapag nalilibugan.

normal ang mga kliyente ko nitong mga nakaraang linggo. o tinatamad lang ako magkwento kaya ko sinasabing normal, haha! pero may isang tumatak sa isip ko pero ngayon ko lang naisipang ikuwento.

nagpabook si kuya two days ahead. magaling, propesyonal! walang text text na naganap hanggang sa dumating ang araw ng schedule. nagtext si kuya to confirm, and i confirmed naman. nagulat lang ako sa huli n'yang text... "i hope you can really make me happy." sa loob loob ko, lahat naman yata ng mga naging clients ko eh napapasaya ko.

mga kalahating oras bago ako makarating sa bahay n'ya, nagtext s'ya at tinatanong kung pwedeng i-cancel na lang daw ang appointment namin dahil talaga daw masama ang loob n'ya at sobra daw s'yang malungkot. wala akong nagawa kundi magsungit... nasa byahe na ako eh! mabuti naman at pumayag s'yang ituloy ang appointment.

dumating ako sa bahay nila. okay naman si kuya. hindi gwapo, pero hindi naman pangit. tama lang. maganda ng kaunti ang katawan. at mukhang may laman naman ang utak. pero ano naman ang pakialam ko dun diba?

sinimulan ko ang serbisyo... masahe, then sex. sa bawat galaw ng kamay at katawan n'ya. nararamdaman kong may dinadala nga s'yang problema... at malamang ay problemang kama ito, dahil habang tumatagal at umiigting ang mga haplos at halik n'ya. hanggang sa nagsimula na s'yang umungol ungol. nag-eenjoy na s'ya. ngunit hindi ko alam kung ma-ooffend ako o maaawa ako ng narinig kong ibang pangalan ang binabanggit n'ya habang pinapaligaya ko s'ya. tinuloy ko lang ang ginagawa ko, hanggang sa nakaraos na s'ya. at mas nagulat ako sa nangyari pagkatapos. kumuyupyup si kuya sa gilid ng kama n'ya at umiyak!

hindi ko alam ang gagawin ko. so bilang civil na lang, lumapit ako sa kanya at inakbayan ko s'ya, sinusubukang patahanin ang isang taong ni hindi ko kilala at hindi ko alam ang rason kung bakit umiiyak. maya maya pa ay tumigil din si kuya at humingi ng pasensya. pagkatapos nun ay nagsimula ang isang mahabang kwentuhan tungkol sa masalimuot n'ya (daw) na buhay.

galing sa ibang bansa si kuya na umuwi lang dito sa pinas dahil... ay... teka... hindi ko pala alam kung bakit! basta, umuwi s'ya dito. nalulungkot s'ya kasi namimiis nya ang boytoys nya sa ibang bansa, at idagdag pa natin na magulo ang relasyon nila ng boyfriend n'ya dito sa pinas. nung tinanong ko kung bakit, hindi na daw kasi s'ya kayang pasayahin ng boyfriend n'ya sa kama. malamang si boyfriend ay yung pangalan na binanggit ni kuya habang nagsesex kami, pero hindi ko na tinanong. tuloy lang sa pagkukwento si kuya. na nalulungkot s'ya dahil parang ginagago s'ya ng mga taong kasama n'ya sa industriya (hindi ko na lang babanggitin kung anong industriya). hindi ko alam kung saan ko nahuhugot yung mga sinasabi ko, pero nung gabing yun ay nagmistulan akong psychologist na tumutugon sa pangangailangang emosyonal ni kuya. at sa daloy ng usapan, mukhang nakakita na ako ng posibleng career path kung sakaling matigil na talaga ako sa pagiging masahista, haha!

natapos ang usapan matapos ang isa't kalahating oras. binigyan ko s'ya ng mga suggestion para gumaan ang pakiramdam n'ya. gagawin n'ya daw yun, pero hindi ako sigurado kung gagawin n'ya ba talaga. sino naman ako para sundin n 'ya diba? isa lang akong pokpok na lumutas sa panandaliang pangangailangan n'ya ng aliw sa kama. sinabi n'ya nga na hindi n'ya akalain na kailangan n'ya pang magbayad ng tao para lang mapunan ang sexual needs n'ya. swerte n'ya lang kasi hindi lang sexual needs n'ya ang napunan ko! umuwi akong may dagdag na pera sa wallet at may ngiti sa labi, hindi dahil sa pera, kundi dahil nakatulong na naman ako sa isang client ng higit pa sa paraan na inaasahan nila. pakiramdam ko, ako si magnifico!

makalipas ang ilang araw, nagtext si kuya. sinunod n'ya ang mga payo at suhestiyon ko. na-clear ang utak n'ya, hiniwalayang n'ya ang boyfriend n'ya (btw, 10 years na sila, one reason kaya hindi n'ya mabitawan) at nagdesisyon s'yang bumalik sa ibang bansa at doon na mamalagi.

ang sarap ng pakiramdam na nakakagawa ako ng impact sa isang client lalo pa yung fact na hindi nila expected yun kasi ang tanging alam nila ay tagapagbigay-aliw lang ako. siguro isa ito sa mga rason kung bakit hindi ko talaga kayang talikuran ang pagmamasahe, kasi alam ko na ang mga taong naghahanap ng serbisyo ng masahista ay may iba pang dahilan bukod sa sakit ng katawan o tawag ng laman. sila ay mga taong naghahanap ng saya, ng companion, ng kausap, ng makakasama, kahit sa ilang oras lamang. at sa ganung paraan, ako bilang masahista ay nagiging instrumento para makapagpaligaya ng iba... sa kahit ano pa mang paraan na kailangan nila, sabihin man nila sa akin o hindi.