29 May 2011

Financial issues

nung nagdaang sweldo, i needed to loan 10k from someone for my family. ang bayad nun is 3k per cutoff, automatic ibabawas ni ateng nagpapaloan sa atm namin, kasi nasa kanya ang atm at password namin. higit sa kalahati nun ang napunta sa family ko, the rest naman eh napunta sa pambayad sa bahay. so ubos agad ang 10k. sweldo ko lang ang natira sa wallet ko.

gumastos ng grocery at kaunting luho.

few days after (wednesday), nanakaw ang wallet ko... with almost 5k in it pa.

kinabukasan, nag-confirm yung agent ko sa condo na kinuha ko. reserved na daw for me yung unit, kailangan ko lang magbayad ng 10k by monday para sigurado.

then friday, tinawagan ako ng credit card company ko about an overdue bill. 1500 daw, due sa 30th.

saturday, nagtext mom ko, kailangan daw ulit ng pera.

monday, nag-resign ako sa trabaho. forced resignation. ayoko na lang mag-detalye, pero i am just trying to save my ass. eto din dapat ang due date ng 10k for the condo, buti pumayag to have it extended until the 30th.

tuesday until today... sobrang matumal ang clients. i targeted 6, i ended up with one.

tomorrow, due date ng condo at ng cc, pero kailangan at least 2100 ang maihulog ko sa cc para ma-autodebit ang gym membership ko sa unang araw ng june.

my last salary which is supposed to be out tomorrow will be placed on hold and isasabay na lang sa backpay. processing of backpay will only commence once i surrendered my atm (na nakasangla kay ateng nagpapaloan) and my health card (na kasama sa wallet na nanakaw). if i can't surrender it, i should send affidavit of loss, one for each item, each affidavit causing 200 pesos.

and now... i'm definitely clueless kung paano ako magkakaroon ng 10k in 24 hours, makakapagproduce ng affidavits of loss, makakabayad sa unang 3k kay ateng nagpapaloan, makapagbigay ng pera sa mom ko, at makakain ng matinong pagkain.

pucha!

27 May 2011

Unit 2023

tatlong oras na akong online pero wala pa rin akong nakikitang kliyente. hapit na hapit na ako nun kasi wala na talaga akong pera. mukhang minamalas, may sumpa ata. bad vibes. sampu, dalawampu, tatlumpung minuto pa ng sinabi kong ayoko na, pero bago ko mai-close ang mirc, may nag-message.

magkano
800 lang po, masahe at extra na. saan po kayo?
makati
okay. gusto nyo po?
marunong ka talaga magmasahe?
opo
ano extra mo
all the way po, hindi lang ako nagpapatira
ahh

akala ko isa na naman sa mga "sige, salamat" chats yun, pero maya-maya pa, nagreply ulit si sir

sige, punta ka dito

bigay number at exact address, naglogout ako ng may ngiti sa labi dahil sa wakas, may pang-almusal ako kinabukasan!

maaga ng ilang minuto sa napagkasunduang oras, dumating ako ng makati. kinonfirm ni sir kung paano papunta sa unit nya. tinanong kung may dala akong id dahil kailangan ko daw mag-iwan sa guard. lakad lakad lakad, at nakita ko ang sinabi n'yang building. nag-login sa guard at pumasok sa elevator. pinindot ang number 20 at close.

g... 2... 3... 4... 5... 6... 7...

nagugutom na ako

8... 9... 10... 11... 12... 13... 14... 15...

what if bigla akong may makitang mamang may pugot na ulo sa likod ko, or babaeng lumulutang? takot ako sa elevator lalo na pag mag-isa ako. kaya para mawala ag takot, kumanta kanta na lang ako ng malakas, para kung may masamang elemento man sa elevator eh mabulabog sila at maunang matakot.

16... 17... 18... 19... 20... ting!

bumukas ang elevator at hinanap ko ang unit ni sir. 2023. doorbell, papogi kaunti habang naghihintay, at bumukas na ang pinto.

singkit si sir. pero ang tangkad, mga 6-footer siguro. medyo malaki ang katawan, defined ang braso. hindi ko lang maintindihan kung hapon, intsik, o koreano. pero medyo okay naman si sir. ang weird lang is pagpasok ko ng unit nya, may nakaupong lalaki sa sala n'ya. don't worry, hindi masamang elemento. tao talaga. nakabihis masseur. yung legit. yung mga tipong 250 pesos home service.

umupo lang ako sa bakanteng upuan. matapos ang ilang minuto, inabutan ng pera ni sir si kuyang masseur, at umalis na si kuya.

sir, kakatapos nyo lang po magpamasahe?
oo
eh akala ko po ba imamasahe ko kayo?
hindi. sex lang.
ah, ok lang po. pero alam nyo po limitations ko
oo

pumasok kami sa kwarto nya at walang preno preno ay agad akong hinubaran ni sir at itinulak sa kama. nilaplap agad ako ng sir sa leeg, at talaga namang nalibugan din ako. magaling si sir, at kitang kita sa mata nyang kakatiting na libog na libog sya.

hindi na ako nagpatalo. sinabayan ko na rin sya. espadahan ng dila. kiskisan ng katawan. wild sex kami ni sir. may napansin lang ako... medyo masakit ang kapit sa akin ni sir, ang hirap pumiglas. pero siguro talagang libog na libog lang si sir.

tuloy tuloy ang halikan. tuloy tuloy ang laplapan. ako na ang nasa ibabaw at ako na ang nagkokontrol.

yun ang akala ko.

hinigpitan pa lalo ni sir ang hawak sa kamay ko, at sa isang bigwas ng braso nya ay naipailalim n'ya ako. hindi maganda ang pagbagsak ko sa kama nya; balibag, kahit malambot yung kama, masakit pa rin. pero, syempre ayokong sirain ang mood ni sir, so hinayaan ko na lang. tuloy lang ang pangroromansa ko sa kanya.

putagina mo... ang sarap mo tol...

yan ang ungol ni sir. paulit ulit. siguro nasasarapan talaga. magaling nga yata talaga ako. hanggang sa ang sumunod na nangyari, hindi na magaling.

hindi ko alam kung dahil dala ng sobrag libog, o talagang may saltik lang si sir, pero walang sabi sabi ay sinuntok ni sir ang tiyan ko. napaubo ako sa sakit, at talagang halos naduwal pa. magrereklamo pa lang ako na hindi na maganda ang ginagawa nya sa akin ng bigla nyang pinisil ang dalawang tuhod ko at pwersahang ibinuka ang mga hita ko. ang laki ng katawan ni sir, at dahil nga nanglalambot pa ako sa suntok nya sa tiyan ko, hindi ko nakayanang manlaban.

at sa pagkakataong yun, bigla biglang ipinasok ni sir ang tigas na tigas nyang titi sa puwet ko.

walang lube
walang condom
walang buwelo
walang preno

naramdaman kong nagsugat sa loob, at hindi ko talaga mainda ag sakit. pagpasok na pagpasok, pakiramdam ko ay nawasak ako, hindi lang dahil sa wala pa akong karanasan na matira sa puwet. pakiramdam ko nawasak ang pagkatao ko.

tuloy tuloy sa pagkadyot si sir, habang ako naman ay nanlalata na, at iyak na ng iyak sa sakit at sa awa sa sarili. ng nakita ni sir na umiiyak ako, natawa pa sya. tawang demonyo. tawang hayok. at lalo pa nya idiniin ang pagkantot sa akin.

point blank na talaga ako nun. hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman at kung ano ang dapat kong gawin. nanlalata na ako, simot na ang lakas ko, at hindi ko na kakayanin pang lumaban. iniisip ko kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako. bakit nangyayari sa akin to. bakit ako?

maya maya pa ay naramdaman ko nang nilabasan si sir sa lob. mainit. marami. masakit. hinugot ni sir ang titi nya at sabay pinatayo ako at pinapunta sa cr para maligo. dahil sa sakit at sa pagod, hindi ako nakatayo agad. sinampal pa ako ni sir at minura, bilisan ko daw at baka mamantsahan yung kama nya.

iika-ika at hirap na hirap, nilakad ko mula sa kwarto ni sir, palabas ng sala, papunta ng kusina kung saan nandoon ang cr para maligo. hindi ko pa rin mapigilan ang pag-iyak habang sinasabon ko ang sarili ko. tsaka ko lang napansin... nagdudugo ang puwet ko. paghawak na paghawak ko ng butas para linisin, masakit, mahapdi, sigurado akong may malaking sugat. nagtuloy tuloy lang ang pagdudugo nito habang pilit kong sinasabon at tinitiis ang sakit, baka sakaling tumigil. ilang minuto rin ang dumaan bago tuluyang tumigil ang pagdudugo. tinapos ko ang pagligo, nagpunas ng mata, at lumabas ng banyo.

paglabas ko ng banyo, nasa sala na ang damit at mga gamit ko, habang si sir naman ay nakatayo sa pinto ng kwarto nya.

ang tagal mo naman maligo
pasensya na po sir
sige, pakisara na lang yung pinto paglabas mo ha, inaantok na ako eh.

sabay sara ng pinto ng kwarto. nagbihis ako at inayos ang gamit ko ng mayroon akong naalala...

walang bayad si sir.

kumatok ako sa pinto ng kwarto ni sir pero hindi na sya sumasagot. naririnig kong bukas ang tv kaya sigurado akong gising pa sya, pero makailang katok pa ang ginawa ko, wala pa ring sumasagot.

dito na ako naiyak talaga.

galit na galit ako kay sir. sa totoo lang, gusto kong magwala sa bahay nya at basagin ang mga gamit nya dahil sa pambababoy nya sa akin. pero, sino ako para magalit? pokpok ako sa internet, laruan ako. kung ano ang gusto gawin ng kliyente sa akin, gagawin nila. hindi naman nila nirerespeto ang mga kagaya naming mga dakilang parausan e. ano bang pakialam nila kung nasaktan kami, o nababoy, o nabastos? ang mahalaga sa kanila, nasarapan sila. tapos. at tsaka nag-iwan ako ng id sa guard, kaya pag gumawa ako ng ganung eskandalo, pwede pa akong makulong.

wala nang pag-asa, lumabas ako ng unit nya papunta sa elevator... at dito na ako umiyak ng todo. wala na akong pakialam kung may masamang elemento akong kasama sa elevator, dahil kakatapos ko lang din namang makipagniing sa isang mas masamang elemento.

ting

ground floor na. agad-agad kong pinunasan ang luha ko, kinuha ang id ko sa guard, at naglakad palabas ng condo at papunta sa sakayan ng bus, iika ika at hirap maglakad. pagsakay ko ng bus, tulala lang ako sa bintana.

anong gagawin ko? babalikan ko ba si sir? ano naman mapapala ko? magsusumbong ba ako sa pulis? sus! pagtatawanan lang ako ng mga yun. tulala at balisa, dahan dahang tumutulo ang luha ko habang nasa byahe. maya maya pa ay nasa bahay na ako, at dito na ako tuluyang nag-crash.

nakatulog na lang ako sa kakaiyak. kinabukasan, hindi ko alam ang gagawin ko. sasabihin ko ba sa bestfriend ko? sa mga kaibigan ko? pano ko ihahandle to? walang pang-almusal, may pasa sa tiyan, mahapdi ang likuran, at wasak ang pagkatao, iniiyak ko na lang ang galit at poot na nararamdaman ko, kasama ang trauma na malinaw na malinaw pa sa pag-iisip ko nung araw na yun.

at hanggang ngayon, sa totoo lang, kahit nagagawa ko nag ikwento ng kaswal ang pangyayaring ito, hindi ko pa rin makakalimutan ang takot at impyernong pinagdaanan ko sa kama at sa kamay ng isang masamang elemento sa unit 2023.

22 May 2011

Ang Webcam... bow!

alas diyes ng umaga, nakatanggap ako ng text mula sa isang number, nagtatanong tungkol sa service ko. nireplyan ko naman ng usual template ko about my services. he demanded that we talk online daw and he wants to see me on cam. sabi ko kung pwedeng mga hapon, dahil may pupuntahan pa ako. he declined. he wants me to go online asap dahil ihahire nya daw ako ng hapon, at sigurado na daw yun. he just wants to see how i look like. at dahil medyo nangangailangan... okay... correction... sobrang nangangailangan ako, kinansel ko ang pag-uwi ko sa bahay namin sa rizal at magsimba kasama ang family ko, isang bagay na sobrang matagal ko nang hindi nagagawa at matagal ko nang gustong gawin ulit.

mabilisang ligo, papogi, at sumugod na ako sa pinakamalapit na internet cafe. katext ko pa si sir habang naglalakad ako.

private room ha

yun ang isa pang demand ni sir. medyo nagduda na ako, at pakiramdam ko eh alam ko na ang gagawin n'ya. pero dahil nga medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako, pumunta ako sa internet cafe na malapit sa amin na hindi ako suki (ang inet kaya dun, ang bagal pa ng internet at ang pangit ng keyboard!) pero ang tanging internet cafe sa amin na may kurtina para makapag-private ka.

umupo, nag-login, at tinext ko si sir ng yahoo id ko. maya maya pa, magkachat na kami. tinawagan pa ako ni sir thru voice conferencing in ym.

usap muna kami kung ano ang mga expectations. gusto nya daw is yung matalino at marunong magdala ng conversation. apparently, isasama n'ya pala ako sa isang luncheon with his friends, so gusto n'ya is yung kayang makipagsabayan ng kwentuhan at usapan. wala akong problema dun. confident ako sa communication skills ko. kumbaga, hindi lang ako masahista, pwede rin akong escort, date, boyfriend-for-a-day, o spokesperson. pwede ring ombudsman. pero, hindi ako yung tipo na pag nakita ng mga kaibigan mo eh mapapagkamalan agad na hired lang para umarte. acting skills... check. conversational mindest... check. good looks... ehem... check. confidence... SUPER CHECK! hahahahahaha!

natutuwa naman si sir sa daloy ng conversation, mukhang hindi nga daw sya mapapahiya. maya maya pa, nirequest na n'yang buksan ko ang cam ko. at binuksan ko na nga.

ang dilim naman, tsaka blurry, tsaka ang liit, hindi ko makita

yan agad ang litanya ni sir pagkabukas ko ng cam. inadjust ko ang size, and that's it. wala naman kasi ako magagawa sa ilaw at sa sharpness ng image, hindi ko na kontrolado yun. pero tuloy ang webcam. makalipas ang ilang minuto... ayan na nga...

taas mo naman t-shirt mo

kahit hindi ko madalas gawin yun, pero dahil medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako, ginawa ko na rin. nakita ni sir ang katawan ko. at ayoko na lang banggitin yung comment nya, kasi masisira lang araw ko. amf! pero tila hindi pa rin nakuntento si sir

patingin nga ng titi mo

eto, hindi ko na pwedeng gawin. una, nasa public area pa rin ako, kurtina lang ang naghihiwalay sa akin sa tunay na mundo. pangalawa, syempre, ang titi ang main kalakal... dapat may surprise factor yan. and pangatlo... pag nakita na yung titi ko, baka magjakol na sya, mawawala na yung libog, and hindi na ako ihahire. not to mention na baka sindikato pala sya at kasalukuyang nandun sa bahay nya si mike enriquez o so mon tulfo at bigla na lang ako ipadakma at hihilahin ako papunta sa isang van habang sumisigaw ako ng "wala akong kasalanan sir" or "biktima lang po ako, maawa naman kayo sir" or "walang kasalanan si beyonce! hindi nya intensyon na manggaya ng performance sa billboard!"

hindi ko po pinapakita on cam yun sir
pakita mo na. if you showed it, then tuloy tayo

at nag-threat pa si sir! nakahalata yata na medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako. pero, kahit medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako, i still stick to my tricks of the trade, to my policies and procedures, to my fine prints. syempre, mahirap na no.

at naiba ang ihip ng hangin.

eh kasi hindi ako satisfied sa nakita ko. kasi iba yung hitsura mo sa picture. kasi kailangan ko yung malaki titi. kasi yun ang gusto ng boss ko eh.

kasi kasi kasi... samu't saring kasi ang lumabas sa ym window ko habang busy ako sa pakikinig at panonood ng video ng aqua ng "how r u doin" sa youtube, kasi kabisado ko nang ganun yung mangyayari. hindi lang mapagbigyan ang isang request, mawawala nang parang bula ang intensyon ng client na i-hire ka. pero, dahil nga medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako, lumabas na naman ang pagiging medyo masungit at argumentative ko, hoping that my logic will save the client and the appointment.

eh, sir, akala ko po ba kailangan nyo ng ka-date? yung conversational and smart? diba yun yung sabi mo kanina?
oo nga... pero... um... basta... iba eh

barado! natameme si sir. isang linya pa lang, nanalo na agad ako sa mini-debate. pero, did it save the appointment?

i am disappointed. iba talaga hitsura mo sa picture. sayang. i don't think my money's worth hiring you. i like the attitude though

ayan, may consolation price naman pala. he likes my attitude naman pala. i answered with a blunt "okay lang sir, walang problema," thinking that it ends the conversation para maka-move-on na ako, makahanap ng ibang client, or sakaling makauwi ng rizal at puntahan ang family. yun pala, hindi pa.

nagmamadali ka ba? lalo kitang hindi iha-hire nyan. you just failed to impress me yet again.

um... excuse po sir... diba wala ka na namang intention to hire me, dahil nga disappointed ka sa akin kasi hindi ako pumasa sa standards mo na "conversational and smart" na ang ibig sabihin pala eh "hot body and big cock"? i respect that, pero sana you also respect that my time is also important and kung wala na rin naman patutunguhan itong usapan natin, might as well move on. hanap ka ng ibang potential masahistang iha-hire mo, while i look for potential clients dahil nga medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako.

pero syempre, hindi ko sinabi yun. eto lang nasabi ko.

pasensya na po sir. kasi uuwi pa po ako ng probinsya. nag-online lang naman po ako dahil nagrequest kayo
okay. waste of time

gusto ko sanang sumagot ng TUMPAK, CHECK, KUREK, TRUE, PLANGAK, at lahat ng affirmative words na pwede kong maisip. waste of time... not just for him, but for me! pero, hindi ko na lang pinatulan.

close ym chat window > right click on name > delete contact > tick checkbox "delete from address book too" > click yes > click messenger > sign out

logout, bayad kay ateng bantay, at nagpatuloy ang buhay. kunyari na lang walang nangyari. ganun talaga, move forward lang, hindi dapat magpadala sa rejection o sa negativity dahil medyo nangangailangan... correction... sobrang nangangailangan ako.

* * * * *

sa ibang balita... wala nang work si boyshiatsu! nagresign na s'ya kahapon! kaya mas mangangailangan s'ya nga... hindi lang sobrang mangangailangan... SUPER DUPER UBER MANGANGAILANGAN!!!

18 May 2011

Ngiti ng Koreano

lunes. nakakatamad pumasok ng opisina. pero wala naman akong choice kundi pumasok. ayun. naging produktibo naman ang araw ko, hindi dahil sa trabaho, kundi dahil sa extra curricular activities kasama ang katabi ko sa office...

oo, yan ang station ko sa opisina... pero, wag kayo magfocus sa computer, o sa phone sa gilid, o sa malaking orange na crayon sa ibabaw ng phone, o picture ko na nasa... ay... hindi pala naabot ng camera yung picture ko! ayus! bagkus ay magfocus kayo sa sinasabi kong extra-curricular activity namin ng officemate ko...

ayan! sa mga hindi nakakaalam kung ano yan, ewan ko sa inyo. siguro naman lahat tayo eh alam kung ano ang tawag d'yan diba?

para mas cute, kinunan ko ng close up yung mga origami, with matching labels.

more to come... kung sakaling ma-bore pa ulit ako sa office! next batch, animals naman!

* * * * *

matapos ang nakakatamad na araw sa opisina, naisipan kong gumala sa timog (mula sa shaw blvd!). ikot ikot ikot. mayamaya pa ay napagod na ang paa ko sa kakahakbang at ang bibig ko sa kakasabay sa mga kanta sa mp3 player ko. dun ko lang naalala kung bakit nga ba ako nagpunta ng timog... para magpamasahe! (masahista ako, pero tao lang din ako, napapagod at nangangailangan din ng haplos paminsan minsan).

nagpunta ako sa isang suking pagupitan sa timog. (PRENO!!! akala ko ba magpapamasahe ka, tapos pagupitan?!?!?!) napansin ko kasi na hindi na maganda ang tubo ng buhok ko. hindi na ako masyadong pogi, medyo na lang. kaya ayun, nagpagupit na lang muna ako. matapos ako i-shampoo ni ate, sinamahan n'ya ako sa upuan at tinanong kung anong gupit ang gusto ko.

gusto ko sana mohawk. pakiahit yung dito *runs hand in the side of my head*, tapos bawasan ito ng kaunti *sabay hawak sa tuktok ng ulo*, pero kaunti lang, nipisan lang ng bahagya
okey

sa kalagitnaan ng bonding namin ni ateng assistant ay lumapit ang stylist. koreano (ayan, alam nyo na kung saang pagupitan to!). nginitian nya ako na para bang ang ibig sabihin ay "welcome to our salon" o "ang sarap sarap mo naman sa orange na t-shirt mo" o "masaya ka ba na pinag-uusapan na sa kongreso ang rh bill?" pero ang ibig lang naman pala sabihin ng ngiting iyon ay "anong gupit nyo mamsir?" (side comment... hindi ba't nakakatuwa na ang mamsir (ma'am at sir, pinagsama) ay nagiging universal language na ng lahat ng establishments dito sa pinas?). dahil alam kong hindi nakakaintindi ng tagalog ang stylist, switch ako sa english.

i would like to get a mohawk. please shave this side, but not too much *sabay sendyas ng kamay sa gilid ng ulo, kagaya ng ginawa ko nung si ateng assistant ang kausap ko*, and i want this portion *tuktok ulit, kagaya ulit ng kay ateng assistant* a little shorter but funky and make it a little anime-ish...

dire-diretso ang litanya ko, walang preno, parang sasakyan na nakalabas na ng edsa, ng napansin ko ang mukha ng stylist. wala na ang ngiti n'ya. napalitan na ng lukot na mukha. parang paper bill na nilamusak at inilagay sa bulsa. or parang nakainom ng tatlong litro ng pinigang kalamansi. or parang mukha ni... ehem... tatahimik na lang ako. basta, mula sa mainit na ngiti n'ya kanina, naging inexplicable na ang mukha ng koreano. salamat sa bago kong bestfriend, si ateng assistant, umayos ang ngiti ng stylist. mali pala kasi pagkaka-explain ko. ganito ang ginawa ni ateng assistant na pagpapaliwanag

this *lagay kamay sa gilid*, thin. this *lagay kamay sa tuktok*, like spike spike.

ganun lang pala kasimple! sisiguraduhin ko na next time, ganun na lang ang gagawin ko. o kaya eh mag-aaral ako ng korean para mas madaling kausapin si mr stylist without the need for an interpreter.

gupit gupit gupit... ahit ahit ahit... repeat as desired. habang ginugupitan ako ni koreano, kakaiba yung ngiti nya. mahirap i-explain. pero, basta, may something weird sa ngiti nya. naisip ko tuloy... nakita nya kaya yung ads ko as masahista online kaya ganyan sya makangiti? ganun pala yung pakiramdam... nakakaparanoid! pero hindi ko na lang pinansin. nagbasa na lang ako ng magasin na inilagay ni ateng assistant sa lamesa ko... matapos ang mahaba-habang panahon ng pagbabasa (mga apat na segundo), ibinaba ko rin ang magasin... wala ako maintindihan eh, korean din! haha! ilang minuto pa, tapos na ang obra maestra ni mr stylist, at may kakaibang ngiti na naman sa bibig nya. shampoo, then balik sa upuan, then inayusan ako. pagkatapos, tapos na. poging pogi na naman si boyshiatsu. astig na naman. madali na namang bebenta!

pumunta ako sa kahera at nagbayad, at naglakad palabas ng tony and jackey salon. si mr stylist ang nagbukas ng pinto para sa akin, again, with the matching kakaibang ngiti sa bibig nya. eto yung ngiting "thank you for coming mamsir, please come again" or "sana makahalata ka at bigyan mo ako ng tip" (pasensya na, hindi talaga ako nagbibigay ng tips eh) or "bigay mo sa akin ang number mo tapos i-hire kita." kung ano man sa mga nabanggit ang meaning ng ngiti ni koreano, hindi ko na pinag-isipan, kasi masakit na talaga ang katawan ko nun at gusto ko nang magpamasahe.

paglabas ng salon, tsaka ko lang napansin ang hitsura ng buhok ko... at napangiti rin ako.

* * * * *

isa lang ibig sabihin nito... bored si boyshiatsu at wala s'yang clients lately... nananawagan po ako! waaaaahhhh!!!

:-)

11 May 2011

The Curse of the Giant Kulugo

sige, magkita tayo ng alas-otso sa _____
sige po

ilang oras pagkatapos ng text na iyon, naglakad na ako papunta sa napag-usapang lugar bitbit ang aking mga gadgets sa pagmamasahe. tumayo, nagyosi, nakipagharutan sa text, lumandi sa ilang dumadaan, nautot, nainip, at naghintay, hanggang sa dumating si sir. medyo maliit, moreno, pero mukha namang malinis at mabait. pumasok kami sa motel at nag-usap saglit

gaano katagal mo na ito ginagawa?
*yadda yadda yadda*
ahh... san ka natuto magmasahe?
*yadda yadda yadda*

sunod sunod ang tanong ni sir, at sunod sunod din naman ang sagot kong minsan ay naisip ko na lang na i-record at i-play para hindi na ako mapaos kakasagot, o kaya eh gumawa na lang kaya ako ng brochure na may frequently-asked questions na pwede kong ipamigay sa mga clients ko. hehehe...

matapos ang dalawang dekadang interview, naligo na rin si sir, pagkatapos ay ako naman. nagsimula ang masahe.

okey si sir. kahit moreno, maganda ang balat. lakas maka alta-sosyodad! makinis! na-excite tuloy ako. sa mga ganitong pagkakataon, kahit likod pa lang ang minamasahe ko, gusto ko na agad tanggalin ang brief ng client ko. fetish ko kasi ang puwet eh, kaya excited na akong makita ang puwet ni sir.

sir, tanggalin na po natin brief nyo, baka po malagyan ng oil (palusot ko na lang)
ah, ganun ba... mamaya na lang... nakakahiya eh...

dito na ako kinabahan...

...

...

...

sige, magkita tayo ng alas-diyes sa _____
sige po

ilang oras pagkatapos ng text na iyon, naglakad na ako papunta sa napag-usapang lugar bitbit ang aking mga gadgets sa pagmamasahe. tumayo, nagyosi, nakipagharutan sa text, lumandi sa ilang dumadaan, nautot, nainip, at naghintay, hanggang sa dumating si sir. matangkad, medyo balingkinitan, moreno, pero mukha namang malinis at mabait. pumasok kami sa motel at nag-usap saglit

san ka natuto magmasahe?
*yadda yadda yadda*
gaano katagal mo na ito ginagawa?
*yadda yadda yadda*

sunod sunod ang tanong ni sir, at sunod sunod din naman ang sagot kong halos kabisado ko na. matapos ang ilang araw ng interview, naligo na rin si sir, pagkatapos ay ako naman. nagsimula ang masahe.

okey si sir. kahit moreno, maganda ang balat. lakas maka alta-sosyodad! makinis! na-excite tuloy ako. sa mga ganitong pagkakataon, kahit likod pa lang ang minamasahe ko, gusto ko na agad tanggalin ang brief ng client ko. fetish ko kasi ang puwet eh, kaya excited na akong makita ang puwet ni sir. pero tiniis ko, at hanggang sa natapos na ang masahe sa likod.

sir, tanggalin na po natin brief nyo, baka po malagyan ng oil.
ah... sige

tinanggal ni sir ang brief nya... at sana pala ay hindi ko na lang proactively sinabi kay sir na tanggalin ang brief nya dahil isa ito sa mga bagay na pinagsisisihan ko sa tanang buhay ko hanggang ngayon.

medyo madilim sa motel, pero hindi ako nagkakamali sa nakita ko. sa bandang kaliwang pisngi, malapit sa balakang, ay tumambad sa akin ang isang bagay na parang "out of place" sa kabuuan ng puwet ni sir. tinignan ko pang mabuti... confirmed!!! may kulugo si sir sa puwet.

at hindi ito basta kulugo na maliit, or yung nagsisimula pa lang. gigantic ang kulugo ni sir, pwedeng ipasa sa guinness book of world records! napaisip tuloy ako...

paano ko didilaan ang puwet ni sir? eh isa pa naman yun sa mga specialties ko! paano ko imamasahe yun? pag naman hindi ko hinawakan, baka naman mapansin ni sir na nandidiri ako.

okay, disclaimer muna. i have nothing against kulugos. in fact, nagkaroon ako ng maliit na maliit na kulugo dati (dahil yata naihian ako ng palaka habang naglalangoy langoy kami ng mga kaibigan ko sa ilog one day in our elementary lives) pero nagamot agad yun (salamat, salicylic acid!). pero, eto... um... grabe... ayoko na lang magsalita.

going back, napatulala na lang ako kasi hindi ko talaga alam gagawin ko eh.

uy, ok ka lang? natulala ka na dyan!
ha? ah! opo! okay lang po ako
ay, oo nga pala... wag mo na lang hawakan yung kaliwang pisgi ng puwet ko.
ah, sige po.

nakahinga ako ng maluwag. kaso nga lang, medyo nabitin ako kasi talagang isa sa highlights ng award-winning bedroom performance ko ang paglapa sa magkabilang pisngi ng puwet ng client. pakiramdam ko tuloy i did not give my best that night. pero base sa ngiti ni sir, mukhang okay lang naman s'ya.

natapos ang serbis, nagbayad si sir. inaya ako ni sir mag-dinner, pero tumanggi na lang ako, kasi may ikalawang client pa ako nun, at baka hindi ko matanggal sa isip ko at piliting intindihin kung paano nya nagagawang umupo ng maayos ng may higanteng something something sa puwet nya.

...

...

...


uy, ok ka lang? natulala ka na dyan!
ha? ah! opo! okay lang po ako
sige, tanggalin mo na yung brief ko
sige po

moment of truth...

ayus! walang kulugo si sir sa puwet! ang tambok pa! JACKPOT!!!



and the oscar trophy for best performance in a bedroom scene goes to... Boy Shiatsu!!!

*palakpakan*

09 May 2011

Red mobile

ngayon ko na dapat gagawin yung entry tungkol sa giant kulugo (may idea ka na ba? teka, baka mali yung idea mo). pero may nangyari ngayong araw na talagang ka-kwento-kwento!






dalawang linggo na nung binili ko itong red mobile sim na ito para sa second phone. nakadisplay lang yung lalagyan sa station ko sa opisina (nakakainspire kasi yung pagkakatitig sa akin ni Derek, haha!) dahil wala ako magawa, ngayon ko lang ulit napansin ko yung presyo nung sim card...


sikwenta pesos... pero sticker lang... tinanggal ko yung sticker at natuwa ako sa nakita ko...



nineteen pesos! disinueve! labingsiyam na piso!!!

anak ng putakti!

mga mahal kong mambabasa... masakit man tanggapin, pero ako ay biktima na naman ng hindi makatotohanang tubo sa paninda!

ikaw, nabiktima ka na ba?

07 May 2011

Sarbey lamang po

quick post lang gamit ang wi-fi ng gym.

naisip ko lang... okey lang bang maglagayako ng mga kwento ditona hindi related sa client? lunyari, mga karanasan ko sa paggimik kasama ang ibang masahista, o kaya naman eh opinyon ko sa pag-ibig (naks!), o pwede ring mga bagay na ginagawa ko pag wala akong magawa.

ano mang kuro-kuro ay tiyak na ma-aappreciate. salamat!


ps: susunod na post... The Curse of the Giant Kulugo!

02 May 2011

Lucky charm

nakakatuwa yung mga pusang kumakaway sa mga tindahan. swerte daw yun. pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung paano naging swerte ang dilaw na pusa na kumakaway sa mga mamimili... at kung sino ang nakaisip pa pakawayin yung pusa.

sabi ng nanay ko, swerte daw ako. dati, pag pumupunta kami ng perya, hindi natatapos ang gabi na wala kaming naiuuwing baso, pinggan, tasa, tabo, planggana, chichirya, delatang softdrinks, delatang tuna, delatang sardinas, delatang kung anu-ano, or kahit anong pwede mapanalunan sa hulog bentisingko (pa noon, piso na ngayon), color game (na bola), color game (na dice), beto beto, o bingo. swerte daw kasi ako kaya lagi kaming nananalo. paniwalang-paniwala na ako nun, kaso nung last night nung bingo sa perya sa amin, hindi ko napanalunan yung grand prize na bike. so hindi yata totoong swerte ako... o baka depende lang sa araw.

teka, bakit nga ba all of a sudden e nagkukwento ako tungkol sa pagiging swerte? rewind tayo, mga isang taon...



may sakit si mama, and walang extra si ate. nung mga panahong yun, wala naman akong ibang trabaho kundi ang pagpopokpok. kakatapos kolang magbayad ng bills, kaya medyo wala akong extra. hindi ko namang masabi na malakas ang kalakalan nun,kasi medyo matumal talaga. hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng pera para madala ko si mama sa lung center. pero, sige, buo ang loob ko na magkakaroon ako ng client nun.

biglang may nagtext habang busy ako sa panonood ng tv (oo, ang panonood ng tv ay isang bagay na pwede kong ika-busy!). inquire. sumagot ako. makalipas ang 10 minuto, walang reply... malas. naligo na lang ako, baka kasi sakaling swertehin ako kung mabango na ako.

at mukhang totoo nga! pagkatapos ko maligo ay nagreply na ang nagtext, pumunta daw ako sa isang sosyaling hotel sa malate. nandun na rin yung room number. ayus.

bihis at byahe papunta sa hotel. dire-diretso sa room number, at doorbell. bumukas ang pinto, at ang sumalubong sa akin ay isang poreynjer (foreigner). typical na matandang foreigner. pumasok ako sa loob at nakipagkwentuhan saglit. pagkatapos ay minasahe ko sya, at may extra syempre. tuwang tuwa naman si uncle joe. nagulat daw sya kasi hindi nya daw expected na marunong talaga ako magmasahe (may masakit daw kasi sa likod nya, and napawi ko daw) at natuwa pa sya kasi kaya kong makipag-usap ng english (ehem!).

we had light dinner and some more stories to share... atsetse, napa-ingles tuloy ako! ayun, kumain, kaunting kwento, hanggang sa iniabot n'ya sa akin ang bayad... SOBRA SOBRA SA KUNG MAGKANONG NAPAG-USAPAN NAMIN... THREE TIMES SOBRA!!!

sa totoo lang, medyo nahiya ako, at isinauli ko yung iba, pero he insisted na kunin ko kasi magaling naman daw talaga yung serbisyo ko. at hindi pa dun natapos yun... balik daw ako after 2 days at magpapaserbis ulit sya!

swerte!!!

dumating ang ikalawang araw at pumunta ulit ako dun sa hotel. this time, mas maaga. pasok sa loob, kain ng prutas at pasta (kainin ko daw eh, edi kinain ko!), ligo, masahe... walang sex. hindi na daw kailangan sabi nya. pero ganun pa rin ang ibinayad nya. dinagdagan nya poa ng isang libo, pamasahe ko daw pauwi. naks! pero hindi nya pa ako pinauwi. magcacasino daw sya at sumama daw ako.

walang alam sa casino, at wala rin naman ibang gagawin, sumama ako. ayun, tagahawak ng chips. maya maya pa, binigyan n'ya ako ng ilang chips at maglaro daw ako kung saan ko gusto. dahil wala nga ako alam sa casino, naglaro na lang ako sa slot machines (pinapalit ko yung chips ng coins). hulog, pindot, hulog, pindot... ganun lang... walang naging return of investment. naubos ang chips ng ilang minuto (hindi ko alam kung dahil ba sa malas ako, o tatanga-tanga lang ako at hulog lang ako ng hulog). medyo nahihiya, bumalik ako sa pwesto namin. natawa lang sya ng malamang walang natira kahit isang chip sa akin. pinaupo nya ako sa tabi nya at pinaghawak ng chips. sige, nood lang ako kahit hindi ko naiintindihan yung laro, pero napansin ko na panay ang kamig ni uncle joe ng mga chips sa lamesa habang may malaking ngiti sa bibig. "i think you're my lucky charm!" bulong nya pa sa akin. natuwa naman ako... at napaisip... kung lucky charm ako, edi malamang sa malamang eh mag-uuwi na naman kami ni uncle joe ng sangkatutak na baso, pinggan, tasa, tabo, planggana, chichirya, delatang softdrinks, delatang tuna, delatang sardinas, at delatang kung anu-ano. naalala ko bigla, nasa casino nga pala kami, wala sa perya. chipipay lang yung dati, ngayon high class na.

natapos ang araw, at napagod na rin yata si uncle joe. lumabas kami ng casino at bumalik sa hotel para mag-dinner. handa na akong umuwi ng pinigilan ako ni uncle joe at may iniabot sa akin... nakabalumbom na mga papel... pagtingin ko... pera pala... SAMPUNG LIBO!!!

ayun! sobrang ayoko na talaga tanggapin, mahirap na at baka ma-karma ako. pero sabi nya, dahil dawlucky charm nya ako, i deserve to have that amount daw. nahiya naman ako. pero, aarte pa ba? tinanggap ko na lang, nagpasalamat, at umuwi... ng magaan ang loob dahil alam kong pwede ko nang madala si mama sa lung center.

makalipas ang ilang araw, nag-email sa akin si uncle joe. baka daw matagalan pa bago sya makabalik ng pinas, pero kung sakali daw, ako pa rin ang kokontakin n'ya. sinuwerte daw kasi sya na makakuha ng masahista na marunong talaga magmasahe at smart pa!(pero, globe ang number ko that time... ehehehe...korni!)

kung alam lang ni uncle joe kung sino ang mas maswerte sa amin dalawa. sya, swerte kasi good catch ako para sa kanya. ako, mas maswerte kasi buhay ng pamilya ko ang nailigtas n'ya.

uncle joe, kung nasaan ka man... salamat! at sana hindi na kumikirot yung lamig sa likod mo.



may kumakaway na pusa din pala dito sa net cafe ngayon... kaya siguro ang dami ng tao. teka... kung bumili kaya ako ng pusang dilaw na kumakaway, tapos dalhin ko sya lagi, tapos kapag nagmamasahe ako eh ipapatong ko sa lamesa katabi ng oil, bimpo, at mga burloloy ko sa pagmamasahe... suswertehin kaya ako?