21 February 2011

Rejected

asan ka?

yan ang text message na bumungad sa akin pagkagising ko mula sa mahaba-habang siesta. galing sa kaibigan ko, itago na lang natin sa pangalang Popoy.

bahay, kakagising lang
ligo ka bilis, punta ka pedro gil, may client tayo

pupungas-pungas, naligo ako at agad na nagbyahe papuntang pedro gil. sakto talaga si Popoy. kung kailan kailangan ko ng pera, tsaka magtetext. ayus!

matapos ang nakakapagod na byahe, dumating ako sa 7-11 sa pedro gil at nakitang naghihintay si Popoy.

bili ka muna lube, ala ako extra dito eh

bumili naman ako. naglakad kami papunta ni Popoy sa hotel kung saan naka-check-in ang client. excited si Popoy sa pagpunta namin. sobrang galante daw yung kliyente. walang masahe, sex lang, pero tig-2k ang ibibigay sa amin. ang maganda pa dun... kaming dalawa ni Popoy ang magsesex, manonood lang ang kliyente. eh, aaminin ko, maganda katawan ni Popoy. gaganahan ka talaga kung ganun ang tipo ng ka-sex mo. natuwa naman ako. walang kahirap-hirap, kikita ng dalawang libo!

at parang hindi pa natapos ang magandang balita, may dalawa pa daw na callboy na nandun na sa hotel. bale orgy ang magaganap, tapos manonood lang ang client!

ayus! ang sarap ng trabaho ko!

habang naglalakad kami (medyo malayo yung hotel), kinukwento ni Popoy yung mga karanasan n'ya sa client. kumpara sa mga typical na clients, iba yung client namin ngayon. effem. ay, hindi daw pala... transexual daw! may boobs na daw talaga! kinabahan naman akong bigla dun. unang beses ko magkakaroon ng ganung klaseng kliyente. buti na lang naalala ko, manonood nga lang pala s'ya habang nagsesex kaming apat na callboy na hinire nya. panalo! tapos, sabi pa ni Popoy, pag nagustuhan daw ako ni sir (ma'am?), baka daw minsan eh papuntahin pa ako sa bahay n'ya sa hindi kalayuang probinsya. pag ganun daw, mababa na ang limang libo! libreng sex ka pa sa isang hot na callboy!

napressure ako! at na-excite din. kailangan makuha ko ang karisma ni sir. medyo confident naman ako sa "charm" ko. kumbaga, kahit hindi ako kagwapuhan, pag nagsimula na akong magsalita, tunaw na ang mga kliyente.

matapos ang ilang minuto pang lakaran, dumating kami sa hotel. dahil medyo late na rin, hindi na namin naisip ni Popoy na magpagwapo at dumiretso na agad kami sa suite.

tok tok tok

bumukas ang pinto at natuwa agad ako sa nakita ko. isa siguro sa dalawang callboy. gwapo, maganda katawan, at mukhang artista talaga (pero medyo maliit). pumasok kami sa loob at nakita ko pa ang ikalawang callboy... kung 10 out of 10 na ang score nung una, itong pangalawa, twenty out of 10!!! matangkad. makinis. gwapo talaga. malinis tignan. maganda katawan.

naimagine ko na agad ang orgy. libreng sex na sa tatlong matipunong lalake, may dalawang libo pa! panalong panalo na talaga!

lumabas galing sa banyo ang client... kahit sinabi sa akin ni Popoy na transexual nga si sir, medyo magulat pa rin ako. medyo mukha ngang babae si sir, mga mid-30s siguro, at malaki ang boobs.

magandang gabi po

napabati ako. ngumiti naman si sir. pumunta ng cr si Popoy para maghilamos, at sumunod si sir. umupo lang ako sa isang bakanteng upuan, hindi nagsasalita ang dalawang callboy. matapos ang ilang minuto, lumabas na sila.

ay, bakit ka pala naka-shorts? pano tayo pupunta dun sa gimikan? hindi ka papapasukin

naka-shorts kasi nun si Popoy. inabutan ng 500 ni sir si Popoy, pangtaxi daw para makauwi s'ya at magpalit ng pantalon. bumaba kami ng hotel.

may napansin lang ako... parang hindi ako kinakausap o kinilala man lang ni sir... anyway...

pagdating sa lobby, nagpaalam na si Popoy na magtataxi. pero may sinabi si sir na medyo ikinagulat ko (pero inasahan ko na rin)

isama mo na yung kaibigan mo

tulala pa, sumabay ako paglalakad kay Popoy habang si sir, kasama ang dalawang callboy, eh sa ibang direksyon nagpunta.

pinipilit ko pang lokohin ang sarili ko nun na baka kaya lang ako pinasama ni sir kay Popoy eh dahil baka ma-op ako kung isasama nila ako ng hindi kasama si Popoy. pero wala pang ilang segundo, na-confirm ko na yung hinala ko. tumingin sa akin si Popoy ng nakakunot ang noo.

may problema
ano yun?
hindi ka trip ni sir eh

pagkabanggit nun ni Popoy, napatigil ako sa paglalakad, medyo natawa ng kaunti, at napaupo sa gilid.

uy, ok ka lang?
eheheheh... ganun talaga sa trabaho natin Popoy eh. narereject talaga tayo paminsan-minsan, ang nakakainis pa eh kung kailan ang dami mong effort papunta sa place, tsaka ka marereject. kung kailan kailangan mo ng pera, tsaka ka marereject. badtrip

kumuha ako ng yosi sa bag at napahithit (matagal-tagal na rin akong hindi nagyoyosi, nung gabing yun lang ulit). umupo si Popoy sa tabi ko at nag-sorry. sabi ko hindi n'ya kailangan gawin yun dahil wala naman s'ya kasalanan. tinanong ko kung paano yung pagkakasabi sa kanya ni sir na hindi n'ya ako gusto.

nung nag-cr pala sya at sumunod si sir, ang sinabi agad sa kanya eh "bakit naman ganun yung dinala mo? mukhang basura lang yan pag itinabi dun sa dalawa."

basura... i like the term.

pero, sa bagay. inaamin ko, sobrang high class talaga yung dalawang callboy. parang wala silang pores sa mukha at parang wala silang ginagawa sa buhay kundi magpaganda ng katawan. mukha nga naman talaga akong basura pag itinabi sa kanila. may point si sir, at masakit yung point n'ya.

matagal tagal kaming nakaupo ni Popoy dun sa gilid, at tila nagkataon pa na malapit kami sa simbahan. dahil na rin siguro sa pagkabadtrip, naikwento ko kay Popoy yung mga frustrations na nararanasan ko dahil sa pagiging masahista. naikwento ko kung paanong ako mismo sa sarili ko eh hindi kampante sa hitsura ko, at hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa ibang pokpok na nakikilala ko.

ganun naman kasi talaga sa trabahong ito. kung sa normal na trabaho, gawin mo lang ang dapat mo gawin, aasenso ka na, dito hindi. kailangan lagi kang in the lookout. kailangan alam mo kung sino mga kalaban mo. know not just the territory, but know the enemy. kailangan alam mong hindi ka napag-iiwanan sa kahit anong aspeto... hitsura, ganda ng katawan, sex appeal, porma, at kung ano pang mga physical attributes. higit sa lahat, kailangan meron ka laging edge. at hangga't maaari, keep your edge, dahil kapag nakopya na yan... wala na. white flag ka na.

hindi ko na lang napansin na medyo napapaluha na pala ako. oo, ganun katindi yung effect ng pagkakareject sa akin.

kaysa ipangtaxi, ibinigay sa akin ni Popoy yung 500 na bigay sa kanya ni sir. tinanong nya ako kung ano gusto kong gawin. sabi ko, hindi ko alam. sabi ko sya na ang bahala sa akin. at, walang abog abog, naglakad kami hanggang sa napainom ng kaunti, kumain, nagkwentuhan, at nagturuan. nagpaturo ako sa kanya ng techniques kung paano maging mas mabenta... at marami akong natutunan. lumalim na ang gabi ang nagpasya na kami ni Popoy na maghiwalay ng landas. umuwi ako na mabigat ang loob, pero determinado na mas lalo pang ayusin ang sarili ko.

masakit yung nangyaring rejection... sobrang sakit na sa totoo lang, hanggang ngayon eh hindi pa rin ako nakaka-move on. pero, may naitulong ba sa akin yun? meron. malaki. kasi dahil sa rejection na yun, mas naging determinado ako na ayusin ang katawan ko, ang kutis ko, ang hitsura ko, ang kabuuan ko... para mas maging mabenta ako sa mga client, at para mas tumaas ang kompiyansa ko sa sarili ko.. kompiyansa na alam kong sa pagtanda ko ay mananatiling kasama ko, kahit dumating ang panahon na iwan na ako ng magandang katawan, mukha, at karisma ko.

19 February 2011

Boyshiatsu: Revamp!

october... tapos february... haha! ang taga ko na palang walang entry dito sa blog. pero hindi ibig sabihin nun na wala na akong bagong mga kwento. naging busy lang masyado. syempre, halloween, tapos araw ng mga patay, tapos araw ng mga kaluluwa, tapos birthday, tapos pasko, tapos bagong taon, tapos araw ng mga puso...

pero ano ba ginawa ko sa mga araw na yan? wala naman... tunganga lang! hehehe...

ilang beses na namin napag-usapan ng bestfriend ko (na hindi masahista) ang tungkol sa blog na ito, pero unang beses n'ya ito nabasa two weeks ago ng magkita kami sa megamall. hindi ko alam kung sinasabi n'ya lang yun dahil bestfriend ko s'ya, pero nagandahan s'ya sa content at sa intensyon ng blog ko. pero may mga comment s'ya.

* boring tignan ang blog kasi black and white lang
* lagyan daw ng ibang stories about sa buhay ko bilang "hindi masseur"
* put a contact info para pwede pa ako makakuha ng ibang clients
* ipromote pa, and maglagay ng ibang links to other related sites

he boiled it down to one word... revamp!

kaya, bilang panimula ng pagbabalik (ulit, and this time, seryoso na) ng Boy Shiatsu... ayan! bago na ang layout ko!

mga bagong kwento
mga bagong kulit
mga bagong kung anu-ano
mula sa lumang ako

Boy Shiatsu... Revamped!

(ps: sa susunod na entry na ako maglalagay ng bagong kwento, kinocompose ko pa eh, para may kapow!)