03 October 2010

Ang Pagbabalik ni Shiatsu!

matagal-tagal na rin akong hindi nakakapagkwento sa blog na ito. kunyari na lang may nagtanong... kumusta na ba si boy shiatsu? ano na ba nangyari sa kanya? tumigil na ba s'ya sa pagmamasahe? nagpatuloy ba ang pagtaba n'ya? at sino ang ibinoto n'ya nung nakaraang eleksyon?

dahil na rin siguro sa buyo ng mga kaibigan, sa pagdami ng kompetensya at mga gimik (nagulat at natawa na lang ako na may nag-ooffer na rin ng body scrub at, eto malupet, pubic hair trimming!), at sa hindi mapigilang pagkain ng hot shots, natigil ako sa pagmamasahe. naghanap ng matinong trabaho, at muling nabagsak sa industriya na dati ko nang sinumpang tatalikuran ko na

maayos naman ang nasabing kompanya. maganda ang oras ng trabaho (at least hindi ako twilight mode!), magaan ang working environment, at madali lang puntahan ang office, hindi na kailangan mag-cab. ang sweldo, medyo maliit kumpara sa iba, pero hindi na masama. ang workload, exciting, kasi hindi repetitive! halos araw-araw may bago, kaya kahit ilang buwan na ako dun eh pakiramdam ko eh bagong sulpot ako. masaya, hindi nakakasawa. masaya. masaya.

pero... sadya yatang pinanganak akong makati at maparaan!

isang araw ay nagtext ang isang naging client ko, nangangamusta. edi syempre, sabi ko okay lang ako. tinanong n'ya kung nagmamasahe pa daw ako. sa totoo lang, gusto ko sanang sabihin na hindi na. pero, naisip ko... paano naman ang mga taong nangangailangan ng haplos at paglalambing ko? paano naman ang mga mister na hindi na kaya pasayahin ng mga misis nila? paano naman ang mga bading na nagnanais ng yakap at halik ng katulad kong pogi (pasensya na, sa part na ito, kailangan ko kapalan ng kaunti ang mukha ko!)? paano naman ang mga mayayamang dom na namomroblema kung saan nila gagastusin ang pera nila?

naisip ko... mahirap talikuran ang sinumpaan kong propesyon na maging pantasya ng bayan! naks!

binasa ko ang kontratang pinirmahan ko sa kompanya ko ngayon... wala naman sinabi dun na bawal maging masahista habang empleyado nila. nakalagay lang dun eh bawal daw ako magtrabaho sa kaparehong industry ng company. isa lang ang nakikita kong pagkakahawig ng trabaho ko at ng pagmamasahe... minumura ako ng customers. pero sa kompanya ko ngayon, minumura ako sa galit. sa pagmamasahe, minumura ako sa sarap!

kaya ayun... bitbit ang special body oil mixed with aromatherapy massage oil, sumugod ako sa location ng kaibigan ni sir at muli na namang nagpasaya ng isang malungkot na nilalang. at dun ko napagtanto... hindi pa pala tapos ang buhay masahista ko!

kaya, eto, kasabay ng pagbuhay ko ng trabahong deep inside ay mahal ko ay binuhay ko rin ang blog na ito, at umasa kayo na mapupuno na naman ng makukulit, masasaya, malulungkot, nakakadiri, at kung anu-ano pang kwento na kadalasan ay sa indie film lang natin nakikita.

dumating na ang oras... ang pagbabalik ni boy shiatsu!

(kung gusto n'yo na mas marami ako maikwento dito, bigyan n'yo ako ng client referrals! kung sino nakapagbigay ng successful referral, may incentive galing sa akin! naks! parang yung company ko lang rin ngayon!)

06 April 2010

usapang laman

nagkakalaman na ako... sa hindi magandang paraan. at hindi yung magandang laman. habang tumatagal ay napapansin kong unti-unti na akong tumataba. kahit nga kaibigan ko, napansin na rin yun. hindi naman sobra sobra, pero kapansin-pansin. okay lang sana eh... kaso apektado ang business.

may nagtext... magpapaserbis daw. pumayag naman ako. matapos ang ilang palitan ng text, napagtanto ko na challenge mode ang gagawin ko dahil malayu-layo ang location ni sir. pero okay lang. kailangan daw kasi talaga ni sir ng magaling na masahista, at ayon daw sa sabi ng mgta kaibigan n'ya, maganda daw ang kalidad ng masahe ko, plus unforgettable daw ang extra. pero wala naman daw sya masyado pakialam sa extra, at sa hitsura ko. basta ang mahalaga daw ay ma-relax ang katawan n'ya. pumayag ako. byahe byahe byahe... umabot ng 3 hours ang byahe ko. pagdating ko sa location, nilapitan ako ni sir. tapos silence... mga 10 minutes kaming palakad-lakad lang sa mall kung saan kami nagkita. binasag ko ang katahimikan.

sir, tara na po?
ha?
san po ba tayo?
naku... parang ayoko na lang... ang taba mo eh.
ganun po ba?
oo. sige, alis na ako.

at parang tindera sa department store na pinagtanungan lang kung saan matatagpuan ang men's wear, agad na umalis si sir at iniwan akong nakatayo sa gitna ng mall na hindi ko madalas puntahan dahil napakalayo. walang sabi sabi, walang sorry sorry, at higit sa lahat... walang refund ng pamasahe! anak ng teteng!

naiintindihan ko naman si sir, kahit papaano. nagkaroon na rin ako ng ibang mga kliyente kung saan eh nagugulat sila ng bahagya dahil medyo mataba ako ng kaunti kumpara sa pictures ko na nakikita nila. pero hindi naman nila ako nirereject. sinusubukan pa rin nila ang serbisyo ko... at narerealize nila na kahit medyo chubby na ako, panalo pa rin ang service ko.

yun ang hirap sa ganitong trabaho eh... katawan ang puhunan, hindi talento. kung sino ang gwapo, kung sino ang maganda ang katawan, kahit bobo, o walang alam sa pagmamasahe, o laila dee (nakahiga lang) sa sex, eh mas bumebenta pa kaysa sa mga masahistang marunong talaga magtanggal ng sakit ng katawan at marunonhg magpahiyaw sa kama.

siguro ang kailangan ko ngang gawin ay magpapayat, kahit sobrang hirap. kung ang artista kailangan i-maintain ang magandang mukha, ang model kailangan i-maintain ang magandang katawan, at ang espesyalista kailangan i-maintain ang skills, ang masahista... kailangan i-maintain lahat yun!

hmmm... mag-artista na lang kaya ako! para at least isa lang ang kailangan ko problemahin! hehehehehe...

(ang post na ito ay walang kalaman-laman... kung walang laman ang utak mo... gets?)

25 March 2010

mahal ko na eh...

maraming beses ko nang narinig sa mga kaibigan ko na itigil ko na ang pagiging masahista ko dahil sayang daw ang talino at gandang lalaki ko sa ginagawa ko. kung tutuusin daw ay napakaraming "matinong" trabaho ang pwede kong pasukin. mas maganda pa rin daw ang may regular na kinikita kaysa sa araw-araw akong nalalagay sa piligro dahil hindi ko sigurado kung may gawa ako o wala.

edi sige, dahil mabuti akong kaibigan at dahil madali ako ma-convince, nag-apply ako. trabahong naging malapit sa puso ko... call center! gamay ko na to. matagal akong nagtrabaho sa call center. so chicken feed na ito sa akin. at hindi naman ako nagkamali. matapos ang training, nagamay ko na ang mga dapat magamay at bumalik na ang 90wpm na typing speed ko at ang "ikaw ba talaga yan?!" english mode ko.

pero may hinahanap pa rin ang katawan ko. sa bawat opening spiel na binibitiwan ko, o sa bawat click ko sa dagang may pulang ilaw sa puwet at may taling nakakabit sa isang box na maraming ilaw, may naririnig akong maliit na boses (pero hindi galing sa katabi kong nagco-calls) na nagsasabing "cmon, alam mong hindi iyan ang gusto mo talagang gawin!"

hindi ako tumatanggap ng kliyente nung nasa training ako. kaya isang araw, restday, naisipan kong tumanggap ng client. normal. hindi kagwapuhan si kuya, pero wala na ako pakialam. masaya ako kasi may client na naman ako. sa totoo lang, pagkatapos ng service, nakaramdam na naman ako ng satisfaction na hindi ko maramdaman sa bawat "it was my pleasure helping you and have a wonderful day ahead" na sinasabi ko.

iba talaga kapag mahal mo na ang trabahong ginagawa mo. siguro masyado pa maaga para sabihing hindi ko kayang mahalin (ulit) ang mundo ng mga pilipinong nagpupuyat at umiinom ng sandamakmak na starbucks habang nakikipag-inglesan sa mga kano. pero alam ko sa sarili ko, na kahit ilang "may i put you on hold for just about 2 minutes" at ilang "*insert name here* aux 4!" ang sabihin at marinig ko, hindi kailanman mawawalan ng puwang sa puso ko ang paghaplos ng mga katawang sabik sa himas ng isang lalaki at ang marinig ang mga salitang "shit, ang sarap mo" pagkatapos ko magbigay ng serbisyong galing sa puso at sa titi.

08 March 2010

magnifico

matagal akong nawala... pero hindi ko iniwan ang trabahong minahal ko na. nagkaroon man ako ng ibang pinagkaka-abalahan, paminsan-minsan ay tumatanggap pa rin ako ng mga clients, kapag nangangailangan o kapag nalilibugan.

normal ang mga kliyente ko nitong mga nakaraang linggo. o tinatamad lang ako magkwento kaya ko sinasabing normal, haha! pero may isang tumatak sa isip ko pero ngayon ko lang naisipang ikuwento.

nagpabook si kuya two days ahead. magaling, propesyonal! walang text text na naganap hanggang sa dumating ang araw ng schedule. nagtext si kuya to confirm, and i confirmed naman. nagulat lang ako sa huli n'yang text... "i hope you can really make me happy." sa loob loob ko, lahat naman yata ng mga naging clients ko eh napapasaya ko.

mga kalahating oras bago ako makarating sa bahay n'ya, nagtext s'ya at tinatanong kung pwedeng i-cancel na lang daw ang appointment namin dahil talaga daw masama ang loob n'ya at sobra daw s'yang malungkot. wala akong nagawa kundi magsungit... nasa byahe na ako eh! mabuti naman at pumayag s'yang ituloy ang appointment.

dumating ako sa bahay nila. okay naman si kuya. hindi gwapo, pero hindi naman pangit. tama lang. maganda ng kaunti ang katawan. at mukhang may laman naman ang utak. pero ano naman ang pakialam ko dun diba?

sinimulan ko ang serbisyo... masahe, then sex. sa bawat galaw ng kamay at katawan n'ya. nararamdaman kong may dinadala nga s'yang problema... at malamang ay problemang kama ito, dahil habang tumatagal at umiigting ang mga haplos at halik n'ya. hanggang sa nagsimula na s'yang umungol ungol. nag-eenjoy na s'ya. ngunit hindi ko alam kung ma-ooffend ako o maaawa ako ng narinig kong ibang pangalan ang binabanggit n'ya habang pinapaligaya ko s'ya. tinuloy ko lang ang ginagawa ko, hanggang sa nakaraos na s'ya. at mas nagulat ako sa nangyari pagkatapos. kumuyupyup si kuya sa gilid ng kama n'ya at umiyak!

hindi ko alam ang gagawin ko. so bilang civil na lang, lumapit ako sa kanya at inakbayan ko s'ya, sinusubukang patahanin ang isang taong ni hindi ko kilala at hindi ko alam ang rason kung bakit umiiyak. maya maya pa ay tumigil din si kuya at humingi ng pasensya. pagkatapos nun ay nagsimula ang isang mahabang kwentuhan tungkol sa masalimuot n'ya (daw) na buhay.

galing sa ibang bansa si kuya na umuwi lang dito sa pinas dahil... ay... teka... hindi ko pala alam kung bakit! basta, umuwi s'ya dito. nalulungkot s'ya kasi namimiis nya ang boytoys nya sa ibang bansa, at idagdag pa natin na magulo ang relasyon nila ng boyfriend n'ya dito sa pinas. nung tinanong ko kung bakit, hindi na daw kasi s'ya kayang pasayahin ng boyfriend n'ya sa kama. malamang si boyfriend ay yung pangalan na binanggit ni kuya habang nagsesex kami, pero hindi ko na tinanong. tuloy lang sa pagkukwento si kuya. na nalulungkot s'ya dahil parang ginagago s'ya ng mga taong kasama n'ya sa industriya (hindi ko na lang babanggitin kung anong industriya). hindi ko alam kung saan ko nahuhugot yung mga sinasabi ko, pero nung gabing yun ay nagmistulan akong psychologist na tumutugon sa pangangailangang emosyonal ni kuya. at sa daloy ng usapan, mukhang nakakita na ako ng posibleng career path kung sakaling matigil na talaga ako sa pagiging masahista, haha!

natapos ang usapan matapos ang isa't kalahating oras. binigyan ko s'ya ng mga suggestion para gumaan ang pakiramdam n'ya. gagawin n'ya daw yun, pero hindi ako sigurado kung gagawin n'ya ba talaga. sino naman ako para sundin n 'ya diba? isa lang akong pokpok na lumutas sa panandaliang pangangailangan n'ya ng aliw sa kama. sinabi n'ya nga na hindi n'ya akalain na kailangan n'ya pang magbayad ng tao para lang mapunan ang sexual needs n'ya. swerte n'ya lang kasi hindi lang sexual needs n'ya ang napunan ko! umuwi akong may dagdag na pera sa wallet at may ngiti sa labi, hindi dahil sa pera, kundi dahil nakatulong na naman ako sa isang client ng higit pa sa paraan na inaasahan nila. pakiramdam ko, ako si magnifico!

makalipas ang ilang araw, nagtext si kuya. sinunod n'ya ang mga payo at suhestiyon ko. na-clear ang utak n'ya, hiniwalayang n'ya ang boyfriend n'ya (btw, 10 years na sila, one reason kaya hindi n'ya mabitawan) at nagdesisyon s'yang bumalik sa ibang bansa at doon na mamalagi.

ang sarap ng pakiramdam na nakakagawa ako ng impact sa isang client lalo pa yung fact na hindi nila expected yun kasi ang tanging alam nila ay tagapagbigay-aliw lang ako. siguro isa ito sa mga rason kung bakit hindi ko talaga kayang talikuran ang pagmamasahe, kasi alam ko na ang mga taong naghahanap ng serbisyo ng masahista ay may iba pang dahilan bukod sa sakit ng katawan o tawag ng laman. sila ay mga taong naghahanap ng saya, ng companion, ng kausap, ng makakasama, kahit sa ilang oras lamang. at sa ganung paraan, ako bilang masahista ay nagiging instrumento para makapagpaligaya ng iba... sa kahit ano pa mang paraan na kailangan nila, sabihin man nila sa akin o hindi.

03 January 2010

Panibagong Taon, Panibagong Libro

una, gusto ko batiin lahat ng masaganang 2010! ika nga nila. bagong dekada... naks! ang bigat pakinggan!

sa mga sumusubaybay ng blog ko, pasensya na kung matagal akong hindi nakapagkwento ng mga kalokohan ko. naging busy lang sa ibang kalokohan.

ano ang naghihintay kay boy shiatsu ngayong year of the tiger? wala, same old same old! ahahahahaha!

marami pa ring kwento ng nakaraan na sobrang nakaka-antig (talaga lang ha!) ang hindi ko pa naikukwento, at sana ay magkaroon ako ng sipag na ikwento lahat yun.

nasimulan ko ang bagong taon ng maganda. january 2, may kliyente na agad! at panalo ang kliyente... hindi nalalayo kay "tuna" (basahin ang mga naunang kwento para maka-relate). pero, syempre, alam ko na kung paano i-handle ang ganung mga sitwasyon. ang kabuuang kwento, abangan.

sa ngayon, batiin ko muna kayo ng masayang 2010 at nawa'y maging exciting at adventurous ang libro ng mga buhay natin!